Chapter 2
#PracticeToFightForHim
Cherry's POV
Kinabukasan, napag-usapan namin ni Jeron na magkita sa library para mag-review. Dumating naman siya pero kasama niya si Andy. Tumingin lang ako na parang nagtataka.
"Anong meron?" tanong ko? Ngumiti lang si Andy sa akin.
Si Jeron yung sumagot. "Nagkasalubong kami nang papunta ako dito. Inaya niya akong manood ng practice ng cheerdance. Sabi ko, may review tayo tapos ayun... sasama na lang daw siya. Gusto niya rin daw mag-aral." paliwanag ni Jeron. Ngumiti na lang ako. Sows. Kailan pa nagka-interes sa pag-aarala itong si Andy? Di bale, wala naman akong paki. Basta ako ginagawa ko to para matuloy anag deal.
NNagsimula na kami. Nagpapaliwanag ako, si Andy nagdo-drawing. Si Jeron, nakikinig naman kaya tuloy lang. Maya-maya pa, kumuha ng kung anong libro si Andy tsaka biglang dinaldal si Jeron. Na-distract naman agad si Jeron at imbes na makinig sakin, nag-discuss na sila tungkol dun.
"Ehem! Math ba o yan?" sabi ko to get their attention. Gumana naman. Nakinig na uli sila sakin. Maya-maya pa, nakatulog naman si Andy... sa balikat ni Jeron. Magkatabi kasi sila. Sa tapat nila ako. Haaaay! Talagang binabad-trip ako nitong mga to ah. Nakita ko pang nagtakip ng ilong si Jeron.
"Bakit?" pabulong kong tanong.
Pabulong din siyang sumagot para di magising si Andy. "Ang bango ng buhok niya. Mahirap na, baka--" sabi niya na hindi ko na pinatapos. Bigla akong tumayo. Bwiset na bwiset na ako eh.
"CR lang ako." sabi ko sabay alis. Pero ang totoo, uuwi na talaga ako. Bwiset!
***
Kinaumagahan, papunta pa lang ako ng room nang biglang sumulpot sa likod ko si Jeron.
"Loko ka ah! Iniwan mo ako kahapon. Di ka man lang nagsabi. May nangyari ba?" Tanong niya. Di na lang ako sumagot. Di pa nagku-cool down yung init ng ulo ko.
"Nagtampo nga sayo si Andy eh. Sumama lang daw siya mag-review para masabayan kang umuwi pero iniwan mo naman siya." sabi niya pa na dahilan para mapasagot ako. Bwwiset kasi eh. Ako pa ang mali.
"Sorry ha. Binigyan ko lang naman kayo ng time together. Kasi... parang singit lang yung review eh! Bonding niyo talaga yun!" sabi ko pa na medyo pasigaw na.
"Bakit ka ba nagagalit? Nagiging friendly lang ako sa mga kaibigan mo para okay ang image ko bilang pekeng boyfriend mo." sagot niya pa.
"Ah. Friendly lang. Kaya pala bangung-bango ka sa buhok niya. Haaaay! May pasabi-sabi ka pa na 'hindi porket maganda ang isang tao, lahat ay magkakagusto sa kanya' eh isa ka rin naman pala. Pervert." sagot ko naman. Ang aga namin magsagutan.
"PErvert? ako? Hindi ko inaamoy yung buhok niya no! Involuntary yun! Isa pa, tatakpan ko ba yung ilong ko kung gusto ko yung amoy? Di mo kasi ako pinapatapos eh. Allergic ako sa matinding amoy kaya nga, sinabi kong mahirap na... baka sumpungin ako ng allergy ko. Haaay!"sagot niya.
Napaisip naman ako dun. Mukhang wala naman talagang kasalanan tong ungas na to eh. Pero kung hindi siya... si Andy.
Kinahapunan din, aksidente kaming nagkita ni Andy sa canteen. Nakakabigla na ang bukang-bibig niya agad ay si Jeron.
"Kumusta si Jeron? May review uli kayo mamaya? Sama ako!" sabi niya. Ngumiti lang ako.
"Parang masyado ka yatang napapalapit kay Jeron ah. Mukhang nagkakasundo kayo." sagot ko na lang.
"Oo nga eh. Siya kasi eh, masaya kasama. Kung hindi mmo lang talaga boyfriend yun, sakin na yun. Hehehe. Pero alam ko naman na sayo na siya. Friendly lang ako para legal na legal na siya sa tropa natin." sabi niya naman. Friendly? Pareho sila ng sagot ni Jeron ah.
"Ah. Kung ganun, salamat. Sorry nga pala kung nauna na ako kahapon. Something came up eh."sagot ko. Naalala ko lang bigla.
"Okay lang. Hinatid naman ako ni Jeron eh. Paano? Una na ako ha. Bye." Sabi niya tsaka umalis.
Teka nga... okay lang ba talaga yun? Ako yung girlfriend pero siya yung hinahatid? Haaaaaay! Pasalamat yung Jeron na yun, wala akong gusto sa kanya. Kung nagkataong magsyota kami, patay sila saking dalawa. Pero to think of it, di naman na bago yun eh, yung iniiwan ako ng lalaki dahil kay Andy. Sanay na sanay na ako. Baka nga hindi na ako mabigla pag nangyari yun eh. Nasa kasagsagan pa ako ng pakikipag-usap sa sarili ko nang biglang may nagsalita.
"Ano neng? Bibili ka ba?" tanong sakin ng tindera sa canteen. Ah! Oo nga pala, nakapila ako sa tindahan. Haaaay! Umayos ka nga, Cherry! Nakalimutan ko na yung bibilhin ko kaya umalis na ako dun.
Uwian namin, naghihintay si Andy sa tapat ng room. Para saan naman kaya? Paglabas namin, nakangiti siyang sumalubong.
"MAgre-review uli kayo? Kung hindi, nood na lang tayo ng practice ng cheerdance!" sabi niya. Kay Jeron nga lang siya nakatingin. Halatang damay lang ako sa imbitasyon niya. Si Jeron naman, hinihintay yung sagot ko. Hindi niya rin kasi alam kung may review kami o wala.
"Ayoko. Kayo na lang. Uuwi na ako." sagot ko. Kay Andy, okay lang. Okay na okay pa nga eh. Pero kay Jeron...
"Sure ka? Ayaw mong sumama?" tanong niya.
Tsaka ko biglang naalala yung sinabi ni Andy. Na kung hindi ko lang boyfriend itong si Jeron, sa kanya sana. Bakita kaya parang ayoko mangyari yun? Siguro dahil... lahat na lang ng naging boyfriend ko ay napunta sa kanya, pati ba naman tong si Jeron? HINDI PWEDE! Isa pa, practice na rin para maging handa ako ilaban si Dwight.
"Ikaw, Jeron? Di mo ba ako sasamahan pauwi? Di mo ba ihahatid ang GIRLFRIEND mo?" tanong ko. Alam niya na yan. Kailangan ko ang acting skills niya.
"Okay. Mauna na kami, Andy." sabi ni Jeron saka kinuha yung bag ko. AYOS!
Paglabas namin ng school, kinuha ko agad yung bag ko. "Hindi kasama sa deal natin ang maging tagabuhat kita kaya ako na ang magdadala nito. Ayos yung sagot mo kanina ah. Very good." sabi ko pa.
"Wala namang kakaiba dun eh. Gusto ko na rin kasing umuwi. Hindi lang ako makatanggi." sagot niya.
"Di makatanggi? Bakit?" tanong ko.
"Kaibigan mo yun eh." sagot niya. Ewan ko ba pero parang nagsisimula na namang kumulo ang dugo ko.
"Ginagawa mo na lang yatang dahilan yung 'kaibigan mo yun' line mo para makasama palagi si Andy eh. Haaay! Di na lang direktahin na nahulog ka na rin sa kanya. Kaya pala hinatid mo siya pa kahapon." sagot ko naman.
"Hinatid? Hatid ba yun? Sabi niya lang, on the way raw yung bahay nila papunta sa bahay namin eh. Hatid pala yung ganun?" sagot niya. Tse! Bahala sila sa buhay nila.
BINABASA MO ANG
It Started With A Deal [On-Going]
Genç KurguATTENTION!!! This is a work of fiction. Names, characters, businesses, songs, places, events and incidents are either products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual e...