NDST (Part 1)

642 25 4
                                    

"Sis, buwag na pala yung clan namin, wala kasing kwenta yung founder eh." pag-oopen ko ng topic kay Shane. Kanina pa kasi kami magkasama pero wala man ni isa samin ang nagsalita.

"Wala namang kwenta yang si Liezel maging founder eh, naghahanap lang yun ng gwapong member tapos aakitin nya. Sus! Ganyan naman yun eh. Porkit kagandahan lang siya." Si Liezel yung founder ng clan namin. Maganda, mayaman, at ex-gf yun ng ex ko :D hihi. Wala lang. Nagseshare lang naman ako :/ para alam niyo diba? XD Pero wala akong paki kung ano man siya ng ex chuhu ko. Mare ko pa naman yun tsaka schoolmate ko rin.

Anyways, ako nga pala si Adah Perez Moore. 16 years of age, a 5th year high school. At itong kasama ko ay si Shane, ang matalik kong kaibigan simula nung lumipat kami dito sa Mandaluyong with my Mama. Magkasing edad lang kami nito. Yung Papa ko pala nasa ibang bahay. Alam nyo na. Nangangapit-bahay ata tawag dun. And the heck I care about him. DUUUH!?

Di naman ako maarte, ganito lang talaga ako. At bat naman ako mag-iinarte, anak ba ko ng mayaman? Di naman eh. Maganda ba ko? tss. Ou naman nuh, sabi ni Mama.

"Pero may E.B kami sa Linggo." (E.B means Eye Ball. Yung magmemeet up kami sa isang lugar at doon kami magkikita lahat ng officers at members sa clan. Tapos getting to know each other. Basta ganun yun.)

"Kala mo naman makakapunta ka. Tss. I know you girl. Di ka pupunta pag wala kang kasama. Tsaka buwag na nga diba? Bat may ganyan ganyan pang nalalaman?!"

"Aba malay ko. Baka pauso lang. And Halerr! May sinabi ba ko na pupunta ako sa E.B chuchu na yan?"

Di siya nakasagot. HAHAHA! Yan kasi.

Brizzzzk!  Nagvibrate cellphone ko.

Oh, teka muna. Nagtext ang aking PRINCE <3

text niya: " Princess >.< "

"Oh??" reply ko sa kanya.

Di ko po siya classmate, di ko siya pinsan o kamag-anak man at lalong di ko po siya boyfriend.

Pero... Parang CRUSH ko siya. Hehe. Sssssshhhhh. Secret lang natin to ah. Tsaka PARANG CRUSH lang naman eh. PARANG!

Naging kaibigan este parang crush ko lang siya dahil sa text. I mean sa CLAN ba. Yung CLAN ni Liezel na sinasalihan ko. Nakita ko na rin siya sa Facebook. Ok lang naman itsura niya, kaya nga PARANG CRUSH ko siya diba? xD

Brizzzzk! nagreply siya.

" Ano Gawa Mo? "

"Ito tambay lang. Kasama tropa ko." reply ko.

"Sis, uwi na ko ah. Maggagabi na kasi eh." pagpapaalam ko kay Shane.

"Osige. Ingat na lang pag-uwi ah. Ay, ingat sila sayo. Haha."

"Haha. Ingat tlga sila sakin. Sapakin ko sila eh. Haha."

"Ge, alis ka na. Tapang mo eh." Grabe.. Tinataboy na ko oh =.=

"Ou na, aalis na!! Chee!!"

"Hahaha." tawa siya. Umalis na ko sa tinatambayan namin ni Shane.

Pag  karating kos bahay nakita ko si Mama nagsusulat. Ewan ko kun ano sinusulat niya. Baka loveletter xD May kapatid pala ako, lalaki siya. Siya si Jonel, bunso kong kapatid. Di ko siya nakikita ngayon. Asan kaya yung lalaking yun.

"Mano po Ma." nagmano ako sa kanya.

Dumiretso agad ako sa kwarto ko at dun nagtetext-text. Hahaha. Syempre ganun tlga pag adik na sa cellphone.

Matagal na rin akong kasali sa CLAN ni Liezel, mga dalawang buwan na ata. Ayaw ko ng sabihin kung anong pangalan ng CLAN. Ayaw ko eh. Pero sasabihin ko kung sino yung tinutukoy kung guy...

Nang Dahil Sa TextTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon