NDST (Part 4)

369 16 14
                                    

Dahil maganda ako, char! i-dedicate ko ang Chapter na ito sayo @luhanaticz :D

****

Nasa Angel's Burger ako ngayon, magkikita kasi kami ngayon.

FLASHBACK...

Brizzzk...

SMS Frm: PRINCE

"Bat Di Ka Na Nagpaparamdam Sakin Princess? Galit Ka Ba?"

Di ako nagalit. Gali na galit lang. Choss. Halos araw araw niya akong tinetext ng ganyan. Naiinis na nga ko eh. Minsan pa nga tinatawagan niya pa ko pero di ko sinasagot. Di na kami close simula nung sinaktan niya ko :3

Pero, di ko siya natiis ngayon kaya nagreply ako.

"Di ako galit. Bat ako magagalit sayo?"

Message sent

Nagreply siya agad. Wow, ang bilis ah.

"Namiss Kita Princess, Bat ngayon Ka Lang Nagparamdam? Nga Pala, Gusto Sana Kita Makita In Person Kita Tayo sa Angels Burger Mamaya ah?" kahit inis at asar ako sa Prince ko ^__^ Kinilig ako dun sa sinabi niya Namiss niya ako. Miss na rin kita Prince.. Ok, malandi na kung malandi. Nagreply ako. Sabi ko 'OK' gusto ko rin kasi siya makita in person.

END OF FLASHBACK.

15minutes na akong nandito pero walang anino ni Prince ang dumating. Wag niyong sabihin paasahin na naman ako nun? Nag assume na nga ko dati na liligawan niya ako, tapos ngayon.. Hays.

Brizzk... Brizzk...

"Nasa Angels Burger Ka Na Ba?" text niya. Syempre ako pa ba di magrereply? Agad-agad akong nagreply sa kanya at nagresponse naman siya agad. Ito ang gusto ko sa kanya eh.

"Sge, Papunta Na Ang Prince Mo Jan. Wait ka Lang." bakit ganun? Parang excited ako na makita siya ngayon? Kyaah.

Dumaan ang 30minutes, wala pa rin siya. Ano na ba nangyari sa kumag na yun? San na ba yun nagtour? :3 kanina pa ko dito ah. Magwa-one hour na. Pfft.

Tumunog ulit ako phone ko, sino pa ba ang magtetext? Syempre si Prince ko. Binasa ko...

"Sorry Princess ah. Hindi Na Ako Makakapunta Jan. Nag emergency Kasi Bigla." ha? Emergency? Akala ko ba papunta na siya dito?

Bigla na lang tumulo ang sipon ko, este yung luha ko. Akala ko makikita ko na siya. Akala ko ito na ang pinakamasayang araw na mangyayari sa buhay ko.

Hindi muna ako umuwi, tumambay lang ako saglit dito sa burgeran. Umorder na rin ako ng burger kahit papano nginunguya ako habang nakatambay. Sa burger ko na lang ilalabas ang inis ko. Ugghhh~ Nakakaasar talaga siya! Pinaasa niya ko! Umasa naman ako! Tanga ko talaga.

Sa di makalayuan, may nakita akong pamilyar na lalaki, may kasama siyang babaeng mukha yatang nakalunok ng pakwan. Djk. I mean, buntis.

Teka... Si Prince ko yun ah? Kinusot ko ang dalawang mata ko baka namamalikmata lang ako pero hindi talaga eh, nakaakbay pa talaga si Prince sa babaeng buntis. Dont tell me Gf niya yan tapos na buntis niya? Waaaah. No waaaay! >..<

"Impossible naman mangyari yun." bulong ko sa sarili

Nakita ko sila na papalapit sa kinaroroonan ko. Oh no! What to do? Humarap ako sa lalaki na katabi ko kaya nagulat siya, yumuko rin ako baka kasi makilala niya ko eh.

"Adah??" nanlaki ang mata ko sa narinig ko. Nakatalikod na nga ko, nakilala niya pa ko? Kinalabit niya ako mula sa likod kaya humarap ako sa kanya.

"Oh, ikaw pala Prince ah eh, este Jerry." sabay nagsmile ako ng pilit sa kanilang dalawa.

"Nga pala, sorry kanina ah. Girlfriend ko nga pala." sabi na eh.

"B-buntis s-s-siya?" pautal-utal kong tanong.

Tumango na lang siya bilang sagot.

This can't be. WAAAAAAAAAAAH!

"AAAAAAAAAAAAAH! HINDIIIIIIIIII!"

"YAH! Adah! Gumising ka nga jan! Ano bang nangyayari sayo??" napamulat ako. Wait, panaginip lang ba yun? Weh? Hindi nga? Tlagang panaginip lang yun? Nasa kotse pala kami ni Mama, ou nga pala may pupuntahan pala kaming birthday party. Birthday party ng anak ng amiga ni Mama. Taray invited kami, ang yaman pa naman ng amiga ni Mama.

Di nagtagal, nakarating na kami sa dapat maratingan. Wow. Ang laki ng bahay. Mansion lang.

"Pasok na po tayo." yaya samin nung isang yaya. Sumunod naman kami ni Mama. Agad na sumalubong samin ang kumare ni Mama. Nagmano ako sa kanya. Magalang kasi ako.

"Napakagalang na bata." sabi niya sakin, binigyan ko naman siya ng ngiting pagkatamis tamis.

"At napakaganda pa." ay. Alam ko na po yan. Lalo na pong lumalaki ang ulo sa papuri niyo sakin. Hehe. Gusto ko naman :D

"Ay iha, pwede paki bigay itong necktie ng anak ko? Pakihatid na lang sa kwarto niya Room 5. Thankyou iha." Lalaki pala ang anak ng amiga ni Mama. Di man lang sinabi sakin ni Mama. Tss.

Nung nahanap ko na yung Room 5, kumatok ako. Alangan naman na pumasok ako bigla. Sapakin pa ko nun.

*knock* *knock*

"Pasok!" sagot niya mula dun sa loob ng kwarto

Pumasok naman ako at...

"PRINCE?" O__o

"Princess??" halatang nagulat rin siya sakin

"I-ikaw ang anak ng kumare ni Mama?"

"Di ako makapaniwala. Ikaw nga yan Adah." ay hindi, picture lang to. Pero di ba ako nanaginip? Pls, pakisampal naman ako ng bongga para matauhan na ako. Pls!

Unti-unti siyang lumapit sakin.

"Wag kang lalapit sakin." mejo inis na sabi ko

"Bakit? Di naman ako mabaho ah? Tsaka di mo ba ako babatiin ng Happy Birthday?" nginitian niya ko, na para bang inaakit ang aking buong pagkatao.

"Hindi. Kasi di tayo CLOSE." pinagdiinan ko talaga yung 'CLOSE'. Talga naman eh di kami close.

"Simula nung sinaktan mo ang puso ko, sabi ko sa sarili ko titigil na ako sa pagmamahal sayo. Kahit na sa text lang yun, minahal pa rin kita..." malungkot kong sabi.

"Sorry. Sorry kung nasaktan kita. Hindi ko sinadya na mangyari yun. Pero yung mga panahon na tinitext at tinatawag kita tapos di mo sinasagot lahat ng mga yun... narealize ko sa sarili ko na mahal na pala kita at namimiss na kita." napataas na lang ang kaliwang kilay ko

"Totoo ba yan?"

"Haha. Promise. Honest kaya ako." bigla niya kong niyakap. I hugged him back. Ang bango niya naman. Hehe.

"Happy Birthday Prince." sabi ko habang magkayakap kami.

"I love you more Princess ko." napangiti ako sa response niya kahit na hindi connect sa sinabi ko.

Sana lahat ng ito hindi panaginip.

Pero alam ko sa sarili ko na hindi talaga ako nanaginip. (ano daw? HAHA!)

ANG WAKAS! sana may ganito rin pangyayari sa totoong buhay. Maraming salamat sa pagbabasa. Pagpalain ka po sana ng Dyosang Violet :* Chuuuu~

Nang Dahil Sa TextTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon