Imitation 1995

40 0 0
                                    

"A pizza hat, a pizza hat, kentucky fried chicken and a pizza hat...."

Unang kanta na narinig ko sa elementary School grade 1. Sumasayaw ako kasama ng mga classmates ko sa room, sinusundan yung nagtuturo ng sayaw sa harap (If I remember it correctly). Masaya ako sa unang pagyapak ko sa hagdan papunta sa room na yun, hindi ko alam kung bakit  pero laging masaya ang pakiramdam ko. Nakapaldang bulaklakin (na maliliit ) na kulay pink, ni hindi nagtaka kung bakit blue na palda yung suot ng iba.

Masaya sa unang paggamit ng isang pad na papel na nagtataka kung bakit may linyang blue at red na salitan. Masaya sa unang pagtasa ng matabang lapis na kulay itim ang katawan. Hindi pa nakuntento at inamoy amoy ko pa. Sa una kong pagkopya ng mga letra sa black board (daw kahit green yun kulay) nalaman ko kung anong silbi ng mga guhit sa papel. Pareho ng guhit sa papel yung guhit sa black board kaya ginaya ko lang ang ginawa ng aking guro. Hirap na hirap sa pagkopya at sa unang paghawak ng lapis. Sobrang diin ng ng pagsulat ko. "Gaanan mo lang kasi ang paghawak" turo ni mama ko.

Mahilig akong gumuhit kasi madalas kong panoorin ang tiyuhin ko na magdrawing sa harap ng bahay niya. Kumpleto siya sa gamit mula sa pang kulay, mga paintbrush at mismong canvas. Ginaya ko lang siya at patuloy ko siyang ginagaya pero wala akong sinusunod na rules tulad niya. Nadala ko yun sa School, yung pagdrawing, wala akong pake kahit maubos yung page ng isang pad kong papel basta may napansin akong mali sa pagguhit ko, pilas lang ng pilas, lukot lang ng lukot.

Pag may nagustuhan akong guhit ko ididikit (mga pilas na pages ng notebook o papel na May drawing, as in gagamit ako ng glue) ko siya sa pader na kahoy ng kwarto ko katabi ng papel na nakadikit sa gilid na dinikit ng nanay ko. Anong nakasulat? Gawaing bahay (secret).

May maliit na na blackboard sa pader na yun (sa left side kapag nasa harap ako ng pader na yun). Bigay sakin ng nanay ko nung mga 5 years old ako kahit wala akong ideya kung anong gamit nun kahit yung chalk.

Madame akong dinikit na drawing sa pader na yun kasi ginaya ko yung ibang nakikita kong bahay na naglalagay ng drawing sa wall. Pero ilan na lang ang natatandaan ko sa mga guhit ko, ang costume ni mask rider black, yung puting motor niya at si DONO ng anime na mojacko. Take note "walang kopyahan yun" imagination ko lang.

Binili din ako ng Abakada ni mama. Naubos ko ang pahina nun kaya marunong nakong magbasa ng time na yun. Hindi sa pagmamayabang pero kahit English pinabasa na ako ng teacher ko (actually ginagaya ko lang siya nun, yung pag banggit niya, binasa niya yung every word ng sentence).

Hanga din ang guro ko sa pagdrawing ko. Nakita niya ang paguhit at pag kulay ko sa ginaya kong larawan ng ilog sa isang aklat at kinuwento na yun sa mama ko na tuwang tuwa sa mga naririnig niya.

Araw araw akong pumapasok sa room na yun na walang nagsasabi sakin ng dahilan. Natutuwa ako kasi iba iba din yung ginagawa namin. May guhit na paling, pahiga at patayu. Lalo akong nasisiyahan kapag may checked na may salitang "very good". Masaya kasi si mama kapag nakikita niya yung papel ko nakangiti siya so ibig sabihin may nagawa akong maganda. Sino kayang nagturo nun? Nakacurious?

Pano kaya natin naiisip yun. So pag nag smile sayu yung tau, dahil may nagustuhan siyang ginawa mong (maganda? Bakit naging mganda?) o para sa kanya, mabuti kang tao? Ganun?

So pag may ginawa kang hindi niya nagustuhan o hindi kaaya Aya sa paningin ng nakararame (na hindi mo alam kung anong pinagbasihan nila), masama kang tao? Ang gulo.

Nakakaakit yung kuwartong yun. Mula sa letters na nasa ibabaw ng black board. Iba't ibang drawing na nasa harap at likod. Yung hilera ng mga upuan from row 1 to row 4 (row 1 ako). Hindi napapansin yung mga batang kasama ko. Ang napapansin ko lang nun pare pareho kami ng height, edad, kakulitan, ingay at gupit ng buhok na . mukang Dora the explorer (mga babae palang to')Kami nakapaldang blue at white shirt tapos ang mga batang lalaki nakashort na blue at shirt na white din.

Ang daming tanong na hindi ko hiningan ng sagot. Kahit kulay ng balat ko hindi ko napansin. Hindi ko nga napansin na Pilipino ako. Ang alam ko lang may bibig akong nagsasalita, kamay na nakakahawak at paa nakakalakad. Mata na gumagaya sa bawat nakikita.

Nakita mo, saka naisip "ay ganun pala yun?" Pero ang tanong ko ngayun "ganun nga ba yun?"

"Bakit ganun yun?"

"Sinong nagsabi?"

"Bakit niya naisip yun?"

IgnoranteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon