Average 89

6 0 0
                                    

Masaya sa pakiramdam. Mababaw lang naman palagi ang kasiyahan ko.

Pero may naintihan bako sa lahat ng natutunan ko ng mga nakaraang taon. Ginawa ko ba yan para sa sarili ko o para sa iba?

Makakalimutin bako? O aware bako na sa pagpili na kalimutan lahat ng yun.

Seryoso.

Laging ganun kelangan masiyahan muna ako bago ako magkaroon ng interest at sa totoo lang wala akong interes sa pag aaral ng mga panahon na yun. Sinisi o inaasa ko lagi sa mga teacher kung matututo ako o hindi pero hindi pala ganun dapat pala ikaw din ang maging responsable sa pagkatututo mo. Ikaw pala ang may kontrol dun kung magaaral ka o hindi. Guide lang yung mga nasa paligid mo. Hindi ko alam kung anong problema sa isip ko kasi wala naman akong pang check up at hindi rin ako marunong mag solve ng IQ. Kasi hindi ko naisip ang mga naiisip ko ngayun.

Wala rin namang silbi kung isisi ko sa taong nag alaga sakin nun kung bakit di niya iningatan yung ulo ko nung malaglag ako galing sa duyan. Hindi ko rin naman pwedeng sisihin ang mga magulang kung anong dapat na gatas na ipainom sakin para maging matalino ako diba. Anong alam ng baby.

Marami akong kahinaan pero marunong akong makuntento. Hindi din ako sumusunod sa rules ng buhay.

1. Mag aral ng 20 years

2. Mag hanap ng Career, maging financially stable at maging successful

3. Magkaroon ng relationship, Mag asawa at Mag anak

4. Pag aralin yung anak mo para sundan niya ulit yung rules nato.

Sa sobrang komplikado ng buhay hindi lang to yung rules ang regulations ang importante. Naisip mo ba na saglit lang yung buhay? Nanonood ka ba ng TV. Hindi mo napansin puro patay ang binabalita. Kaya maswerte ka kung pagising mo buhay ka pa.

Napaka komplikado ng buhay. Wala kang Average ng 89.

Ang daming problema na may solusyon at wala.

Na magagawa mo lang eh mabuhay para sayo at para sa iba.

Nagbubulag bulagan lahat. Kahit ang sarili mo pwede kang lokohin. Assume ng assume na wala na mang ebidensiya. Hindi lahat ng katotohanan eh may katotohanan talaga. Ganun ka komplikado.

Sobrang gulo pati emotion mo nakiki isa. Pati emosyon ng iba humahalo. Hindi naman gamit o bagay ang isip mo na pag magulo pwede mong ayusin kapag magulo. Hindi lahat ng mabuti nakabuti nakakabuti talaga. Hindi lahat ng masama, masama talaga. Pagiging balanse lang ang magagawa mo.

Ang meron lang may utak ka na kelangan maging malusog para maayos din pati pag iisip mo. Hindi mo naman kontrolado ang hormones at cells mo. Hindi mo nga alam kung alam mo yang mga yan.

Di ba sabi ko bulag ka. Bulag lahat tayu.

Siguro kung magiging edukado lahat kahit papano may ililinaw ang buhay.

Siguro sa simpleng pagiging kalmado maiiwasan nating maging agresibo. Sa simpleng pagkatututo na hindi solusyon ang maging magalit sa magulong sitwasyon. Tayong matitino mag isip may pag asa pa tayu. Hindi pinagpala yung iba katulad natin. Pwede pa tayung matuto.

Komplikado ang buhay.

Bulag tayu sa mga may kapansanan.

Bulag tayu sa mga nahihirapan.

Bulag tayu kasi pinanganak tayung sagana sa buhay.

Bulag tayu sa mga walang katinuan sa pag iisip

Bulag tayu sa pwede nating maitulong sa iba.

Bulag tayu kasi para satin tama tayu kasi hindi natin tinatanong "tama ba talaga tayu?"

Bulag tayu sa mga pinaniniwalaan natin kasi pinalaki tayu na ito ang dapat ang pinaniniwalaan.

Bulag tayu kung nakakapanakit ba tayu

Bulag tayu sa kaguluhan kasi bulag tayu na ganung ka posible palagi ang himala.

Bulag ako kasi hindi lahat ng sitwasyon pare pareho. Hindi ko alam baka yung nanakit ay nasaktan din.

May cause and effect di ba?
May karma?
Good karma?
Bad karma?
May ying at yang.

Sa dami ng pwedeng matutunan mahirap pag napunta yun sa kamay ng walang alam. Ipapaliwanag niya yun ayun sa pagkakaintindi niya at hindi niya ibabase sa mga patunay o ibidensiya (totoo din ba yang mga yan?)

Tama ka pwedeng opinion lang lahat, wala naman akong dapat patunayan ang mahalaga alam kong pag dudahan lahat ng iniisip ko.

Tama?
Mali?

May tama o mali ba nung may mga dinosaur o ice age? Ipaliwanag.

Tulad ng dati wala akong sasagutin sa mga tanong mo dahil maraming sagot yan.

Tamad ako. Hobby din yan.

Change is infinite.

Kaya pwede pa lahat magbago.

Kung hindi ka kontrolado ng labas at loob ng isip mo. Kung kontrolado mo ang pagiisip mo mismo.

Paulit ulit?

Practice makes it perfect.

Kaya kung May sintomas ka ng "ganyan nako dati"
o "ganyan talaga ako"

Lalo na kung hindi nakakabuti para sayu at para sa iba (pano ko nasabi? Paulit ulit ka din. Commonsense? Ano yan? Intuition? Ano ulit yan?Sa maikling paliwanag, "Anong tama at ano ang mali? Malawak di ba?) aba pinili mo yan o gusto mo talaga o desisyon mong maging ganyan.

Simple, "ayaw mong magbago."

Desisyon mo ulitin ng pagkakamali mo.
Desisyon mo na ikaw lang ang tama.
Desisyon mo na pag galit ka, galit ka.
Desisyon mong matakot sa pagkakamali.
Desisyon mo na hindi na ulit sumubok.
Desisyon mo kung ayaw mong matuto.
Desisyon mo lahat kung ano ka ngayon.

Kaya mag isip ka.

Mag isip kang mabuti.

Paulit ulit.

Ganyan kami palagi mag usap ng isip ko. Hindi lang kami iisa. Marami kami.

Ang komplikado di ba?
Nakakatakot ba?

"Inner peace"

Magpractice ka ng meditation para hindi magulo sa loob wag lang dumating sa point na makapunta ka sa nirvana. Ano yan? Magbasa ka ng book about Buddhism.

Isip ko pa palang to. Pano pa yung isip ng iba. Pano pa yung isip ko na iniisip ang isip ng iba. Pano pa yung akala ko eto yung iniisip ng iba.

Minsan pareho
Minsan hindi
Minsan iba
Minsan hindi
Minsan magulo
Minsan hindi

Average lang. Average pa lang yan. Isa pa lang ako. Isa palang ako na ganito sa dami ng tao sa mundo.

IgnoranteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon