Math

1 0 0
                                    

2002
"Pano ba yan nadagdagan nanaman ng isang natuto, dalawa na sila, sinong gustong sumunod?"

-teacher Joy (Sep 6, 22 years old)

Ako yung tinutukoy niya nasa harap ng black board na nag a-identify ng mga values ng x and y na naka indicate sa graph ng cartesian coordinate plane.

Overwhelming.

Hindi marunong mag solve ng math problems. Hindi marunong magmultiply at mag divide. Naiintidihan ang algebra. Yun palang yung compliment na natanggap ko sa isang teacher.

Elementary (1996- 2001)

"Anak ka ng teacher."
-anonymous

Those who must not be name.

Mula sa line of 7 naging line of 8. Sa bata kong isip nagawa kong magtampo sa kanya. Sa isip ko kasi paborito niya yung TOP 1. (14 years old na pag iisip)

Tumutok ako sa subject na'to kasi may alam na'ko. Pinapaniwala ko sarili ko lahat magaling magturo katulad niya pag math ang subject pero lahat ng teacher ko sa math magaling talaga. Mahina lang talaga isip ko umintindi. Hindi ako makasunod gusto ko laging shortcut.

2003
Geometry

Lesson:Simple proofs.

LegLegHypotenuse congruency

Yung mahilig sa math maiintidihan ako pero ayoko ng I-elaborate para sa mga "ayaw" sa subject na'to.

85 ang Final grade ko.

2004
Para akong fan lagi ng magiging teacher ko sa math. Iniispire ko yung sarili ko para mag-aral sa math. Nakabuti naman.

Nakatulong yung mga terms tsaka properties na naintindihan ko sa mga previous lessons. Nakakabilib kasi para magic na biglang nasosolve mo yung problem pero hindi mo maiintindihan kung pano nangyari yun.

Quadratic Function
Logarithm
Trigonometry

"Pangalan ko" tawag ni mam

"Anong tawag sa maliit na number sa right side ng x?"
- teacher M

"Exponent po mam."
-pangalan ko

"Very good."
-teacher M

Natutuwa siya kasi may tinuturuan din akong classmate. Natutuwa din ako kasi yung classmate kong yung umakyat ang grade ng line of 7 to line of 8. Medyo naging Unfair naman ako sa iba pang gustong matuto kasi hindi ko sila napagtuunan ng pansin. Na gi-guilty padin ako pag naalala ko yun.

4th periodical test

"Guys pwesto na kayu ke.... pangalan ko"
-Mga classmate kong balak humingi ng tulong at pumuwesto sa paligid ko.

May pumaligid din sa TOP 1 yung kalahati ng classmates ko.

Tumawag ng 3 pangalan si teacher M. Pangalan ko, at ako. Hindi ko matandaan kung 3 kami.

"Dito kayu sa harap umupo malapit sa table ko." - teacher M

Hindi maipinta mukha ng mga classmates namin.

3 ang mali ko sa test.

"Di ba sabi ko sayu wag kang papalito."
-teacher M

Tinignan niya last solution ko sa test. Nakakaoverwhelm talaga pag natutuwa yung teacher kasi natututo ka sa kanya. Kitang kita yung ngiti niya habang nagdidiscuss siya sakin.

Line of 9 ang last grade ko sa math sa highschool.

2007
"Why do you choose math as your major?"
-Sir B (Education-Math Society)

"I had a teacher who inspired me to become like her"
-pangalan ko

"Who is she?"
-sirB

"Mam Joy"
-pangalan ko

"Yes I know her. She's one of my best students."
-sirB

"Bakit kelangan kong mag-aral? Wala nakong dahilan."
-thought (18 years old)

Math history
Statistics
Skewness and kurtosis?
Probability?
Permutation and combination?
Calculus
"What is the distance between the earth and the moon?"

"Basta makapasa lang ako."
- 1st year highschool motto ginamit nung College

"Para saan ba lahat ng equation sa math? Ma-aaply po ba yan sa tunay na buhay?"
- mga ayaw sa math, mga katulad ko na sumuko sa subject na'to at sinisi sa iba kung bakit hindi natuto.

"Oo"
-mga mathematician katulad Rene Descartes? (Correct me if im wrong)

"Bakit walang nagsabi sakin kung anong silbi nito?"
-consciousness 1 (the Voice within)

"Tamad ka."
-consciousness 2

"Inasa mo lahat sa iba yung pag aaral mo. Feeling mo responsibilidad ng mga teacher mo palagi."
-consciousness 3

2009
1.75 average ko sa subject na'to. Nalungkot pako nung nakito ko'to sa classcard ko. "Hindi ko deserve." -consciousness 1

Basta tapos nako. Ayoko na.

"Magrereview pa tayu."
-classmate

"Para san"
-Pangalan ko

"Lisensiya."
-classmate

"Para san?"
-consciousness 1

"Hindi ko alam"
-consciousness 2

Graduation day. March 2009
"Hindi ako magtuturo."
-pangalan ko

"Anong gagawin mo?"
- kabarkada

"Hindi ko alam."
-pangalan ko.

"Ano nga bang gagawin ko? Ayoko sa school. Dun nanggaling ang trauma ko."
-consciousness 1 (20 years old)

"Tara mag TESDA tayu."
-Friend na walang kasamang mag TESDA

Mag abroad ka.
- ibang may hawak ng ballpen ng buhay ko

"Ok lang kasi makakatulong naman ako."
-consciousness 1 (21 years old)

Sana equation nalang ang buhay na may given na naka indicate sa problem, analyze kung asan yung x and y saka i-rereplace yung mga value nila para Ma solve yung equation. (Correct me if im wrong)

Pero wala namang equation para sa "what to do with your life." Kahit sa math may term na "undefined" tska "error".

IgnoranteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon