Chapter One

12.2K 190 50
                                    


It was an ordinary day for the twenty one years old, Vinnezer Ilagan. Or it's just his thought. Narinig niya ang pagtunog ng kumakalam na sikmura. Sinipat niya ang relong pambisig. Alas dose na ng tanghali. Katanghaliang tapat ngunit hanggang ngayon ay wala pa siyang kinakain. Wala pang laman ang sikmura niya bukod sa mainit na kape na ininom niya kanina bago siya umalis sa bahay ng lola niya kung saan siya nakatira.

Maaga siyang umalis ng bahay. Hindi pa umaabot ang alas singko ng umaga. Maaga siyang umalis mula sa bahay nila sa Caloocan papunta sa job interview niya na nasa Makati pa ang opisina. Gumising siya ng maaga para mauna sa interview. Sabi nga sa kasabihan, 'daig ng maagap ang masipag', pero sa huli ay nahuli pa rin siya dahil mas may maagap sa kanya. Kaya ang kinalabasan ay pangatlo siya sa panghuli na nakarating doon. Idagdag pa na medyo nawala siya dahil hindi siya sanay sa lugar na pinuntahan.

Aminado si Vin na hindi siya masipag. Masasabi niya na may katamaran siya. Well? Paano niya iyon nasabi? Marami ang dahilan. He graduated in year 2011 with the course of Associate in Computer Science. Mula noon hanggang ngayon ay tatlong trabaho pa lang ang napapasukan niya. His first job was a service crew in a convenience store. Anim na araw lang ang itinagal niya doon. At marami ang dahilan kung bakit siya umalis doon. Una, masyado iyong malayo sa bahay nila. Pangalawa, hindi sa kanya sapat ang sweldo na wala man lang kalahati sa minimum. Ang masaklap pa ay kapag nag-short siya sa kaha ay aabonohan niya iyon ng sweldo niya at ang kalalabasan ay mababawasan ang sweldo niya. Tanga pa naman siya pagdating sa Math.


Napabuntung-hininga siya. Muling nagparamdam ang walang laman niyang tiyan. Mahapdi na rin iyon dala ng sobrang gutom.

His second job was a baggage counter in a famous mall in his province. Dahil sa wala siyang mahanap na trabaho na mag-fi-fit sa kanya sa Maynila ay nagdesisyon siya na umuwi sa kanila at iyon nga ang naging trabaho niya. He was nineteen when he got that job. Umabot siya ng isang buwan at dalawampu't siyam na araw sa trabaho niyang iyon. One month as a baggage counter and the twenty nine days was a reliever for the promodiser who left without consent. Pagkatapos ng kontrata niya doon ay hindi na siya umulit.

At ang panghuli niyang trabaho ay sa isang government agency. Field work ang trabaho na tumagal rin ng tatlong buwan. Pagkatapos ng trabaho niya roon ay heto siya ngayon, jobless and useless. Ang huling salita ay hindi pala nababagay na sabihin sa kanya dahil hindi naman talaga siya useless. Siya lang naman kasi ang dakilang mutsasa sa kanilang bahay. Pambabae o panlalaki na gawin ay ginagawa niya maliban sa pagluluto. Marunong siyang magluto ngunit hanggang prito lang at laga.

Muling kumalam ang sikmura niya. Tumingin-tingin siya sa paligid. Nagbabakasakali na makakakita ng malapit na kainan ngunit wala siyang nakita. Naglakad-lakad siya para maghanap ng karinderya. Binigyan siya ng budget ng lola niya para pangkain sa Jollibee o kaya sa Mcdo pero mas pipiliin niya ang kumain sa karinderya. Kailangan niyang magtipid. Nakakahiya naman kasi kung sa bawat lakad niya ay hihingi siya ng pera sa lola niya.

Gamit ang kanang kamay, ipinantakip niya iyon nang bahagya sa kanyang mata para maging pananggalang sa sikat ng mainit na araw. Grabe na ang pawis niya. Idagdag pa sa paghihirap ang pagkalam ng sikmura niya. He' s really starving!

Dahil sa pagtingin-tingin sa paligid. Hindi niya napansin ang kasalubong niyang lalaki. Nagmamadali ito. Huli na para makaiwas siya na mabangga nito. Sa taas niyang limang talampakan at limang pulgada alam niyang talo siya sa tangkad nito na sa tantiya niya ay five feet at eleven inches.


Dahil nga sa nagmamadali ito ay napalakas ang pagbangga nila sa isa't-isa. Dahil sa panghihina na dala ng sobrang gutom ay nawalan siya ng balanse. Bumagsak siya paupo sa konkretong daan. Napangiwi siya sa sakit.

"Aray ko!" Daing niya. Kapag minamalas ka nga naman. Gutom ka na mukhang magkaka-injury pa siya sa lakas ng impact ng pagbunggo niya dito. Mabuti na lang at hindi nagkalat ang gamit niya sa daan. Safe and secured ang pagkakaselyo noon sa plastic envelope na nabitawan niya.

Fated EncounterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon