Chapter Five

4K 94 9
                                    


PABILING-BILING SA kanyang higaan si Joen. Hindi siya makatulog kahit madaling araw na. Para siyang namamahay sa sarili niyang pamamahay. Samantalang ang katabi niyang si Vin ay himbing na himbing sa pagtulog. Naririnig pa niya ang mahina nitong paghilik. Tila walang iniinda. Tila sanay na sanay na may katabi. Hindi niya alam kung ano ang meron dito dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay umiyak siya sa harap nito kanina. Nang yakapin niya ito ay nakadama siya ng kapanatagan at nadama niya na may kakampi siya sa katauhan nito. All the burden and the sadness he felt just vanished by hugging him.

Gumalaw ito. Tumagilid paharap sa kanya. Tinanggal niya ang unan sa pagitan nila. Inilagay niya iyon sa paanan nila. Malaya niyang napagmasdan ang mukha ni Vin.

Average looking lang ito ngunit alam niya na kapag nag-ayos ito ay mapapansin ito ng karamihan. May sarili itong karisma at dating. Dahil kung wala ay hindi niya ito mapapansin nang bumaba ito sa jeep at makipa-kwentuhan sa dalawang bakla na nakapangbihis ng babae kanina. May mga blemishes ang mukha nito katulad ng ilang butas sa mukha at pimple mark. Ngunit magkaganunpaman ay hindi iyon naging kabawasan sa ka-cute-an nito. Kung may maipagmamalaki ito sa facial feature nito iyon ay ang natural na mapula nitong labi at ang may kakapalan na kilay nito.

Pagkatapos niyang i-assess ang facial feature nito ay muling natuon ang paningin niya sa labi nito. Bahagyang nakaawang ang mga iyon. Suddenly, an urge to kiss those lips came to him. Napalunok siya. Binasa niya ang kanyang labi na tila natuyo dahil sa 'urge' na nararamdaman niya.

Umiling-iling siya. Pilit na nilalabanan ang pagnanasa na halikan ito. Hindi niya maaaring gawin iyon. Lalaki siya at lalaki ito. Tunay siyang lalaki at para lang siya sa babae. Hindi para sa katulad ni Vin. Magkaganunpaman, kahit na anong pilit niyang pagrarason ay natatalo ang matuwid na reasoning ng utak niya sa puso niyang malakas na ang pagtibok. Unti-unti niyang inilapit ang mukha sa mukha nito.

Natigilan siya. Muling nanaig ang utak kaysa sa puso. Mind over heart ang labanan sa loob niya. His mind was telling him to stop because it's not the right thing to do. While his heart was saying 'go for it'. Idiinadagdag pa ng makulit niyang puso na walang makakaalam kung hahalikan niya ito. He deeply sighed. Mas matimbang ang sinasabi ng puso niya. mas matimbang ang kagustuhan niyang mahalikan ang labi ni Vin. Mas malakas ang kagustuhan niya na madama kung gaano kalambot ang mapupulang labi nito. Tama ang puso niya. Walang makakaalam kung hahalikan niya ito. He wasn't thinking of giving him a torrid kiss or a french kiss. Kung gagawin niya iyon ay tiyak na magigising ito at baka kung ano ang isipin nito lalo na at pinaglaruan na niya ito kanina. A peck or a smack would be fine for him.

Mas lalo niyang inilapit ang mukha niya sa mukha nito. Ang labi niya sa labi nito. Nang madikit ang labi niya sa labi nito ay mas dumoble ang bilis ng tibok ng puso niya. Kagaya ng intensidad na nadama niya nang mahalikan niya ang ex-girlfriend niya.

Inilayo niya ang labi sa labi nito. Nanlalaki ang mata na napatitig siya dito. Hindi ito maaari. Hindi maaari ang nararamdaman niya. Tumayo siya mula sa kanyang kama. Lumabas siya ng kwarto at nagtungo sa veranda. Naguguluhan siya sa nadarama niya. Kailangan niyang mag-isip. Tuloy ay nagsisisi siya na nagpatalo siya sa pagnanasang iyon. Tuloy ngayon ay nagbigay iyon sa kanya ng confusion. Kailangan niyang i-klaro ang isipan.

Bumuga siya ng hangin.

Naramdaman niya ang presensya ng kung sino sa tabi niya. Tiningnan niya kung sino iyon. Ang daddy niya.

"Sino ang kasama mo, Joen?" usisa nito.
Inilayo niya ang tingin dito. Tumingin siya sa madilim na kalangitan.

"A friend."

"A friend? Kailan ka pa nagkaroon ng kaibigan na bakla?"

Marahas siya napabaling ulit dito. Kumunot ang noo niya. Bahagya siyang nakadama ng inis sa sinabi nito tungkol kay Vin kahit na may katotohanan iyon. Why he suddenly feeling this kind of thing? Why he suddenly became protective to him? Naguguluhan na talaga siya. Gusto niyang sabunutan ang sarili sa frustration. Alam na niya ang sagot ngunit pilit niyang itinatanggi iyon sa sarili. Mali.

"Naamoy mo ba siya, dad?" Ang tanong niya. May sarcasm sa boses.

"Kahit hindi ko maamoy, nakita ko Joen. Sa unang tingin, sa mga hindi siguro nakakakilala sa kanya ay iisipin na tunay siyang lalaki. Pero kung titingnan mo siya ay hindi siya tunay na lalaki. I can't consider him as paminta though."
"Paminta?"

"A term used for gays who acting like a real man, dress as a real man, but gay deep inside," paliwanag nito. "Back to Vin. May pagkamahinhin siya kung kumilos. May tikwas sa kamay niya at kapag naglalakad."

"You're really good in assessing your own kind father," he said in sarcasm again.

"Of course son. Are you forgetting that I'm one of them?" anito. Tila wala nang pakialam kahit anak nito ang kausap nito.

Fated EncounterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon