Chapter Two

5.6K 112 5
                                    

PAGKATAPOS MAKAPAG-ORDER ni Mack ay sabay na silang naghanap nito ng mapupwestuhan. Pinaki-usapan rin nito ang babae na ibigay na lang sa kanila ang order nila. Agad namang pumayag ang babae kahit hindi ganoon ang patakaran sa karinderya. Dapat kasi ay hihintayin nila iyon pero hindi iyon ang nangyari. Siguro, sa gwapo ng humingi dito ng pabor ay pumayag na rin ang babae. Halata naman kasi sa mukha nito ang paghanga kay Mack. At ang lalaki ay alam kung paano gamitin ang charm nito.

Dahil sa oras ng tanghalian ay hindi naging madali ang maghanap ng mesa na hindi okupado. Nang makita ni Mack ang paalis na kostumer ay hinawakan nito ang kamay niya at hinila siya papunta doon. Sa dulong bahagi iyon at hindi agad mapapansin. Nagulat man siya ay hindi na niya iyon ipinahalata. Ang saya sa pakiramdam ang mahawakan ang kamay ng isang gwapong lalaki.

Walang-wala pa siya sa sarili. Hanggang ngayon ay inaaalala pa rin niya kung saan nahulog ang wallet niya. Bakit ba kasi sa dami ng tao na pwedeng dapuan ng kamalasan ay isa siya doon?

Napatingin siya sa kamay na hawak ni Mack. Ang tanging pakunswelo niya sa mga nangyari ay ang pagkakakilala kay Mack. Kahit na hindi naging maganda ang umpisa nila ay tinulungan pa rin siya nito. Ang hirap kayang gumalaw kapag walang pera. Oo, aaminin niya na simple lang ang problema niya pero sa mga katulad niya na walang pera ay malaki iyon. Sa perang nasa pitaka niya nakasalalay ang buhay niya. Iyon ang gagamitin niya para makauwi sa kanila at para makakain siya.

Hahanapin niya iyon mamaya. Pagkatapos nilang kumain ni Mack. Hindi naman kasi siya sanay na nakadepende sa iba, lalo na kay Mack. Lalo na, kahit masasabing magkaibigan na sila ay estranghero pa rin ito. Hindi niya alam kung saan nawala ang wallet niya. Magbabakasakali siya na mahahanap pa niya iyon.

Bumuntung-hininga siya. Malaki ang pasasalamat niya sa lalaking nakahawak ngayon sa kamay niya. Kung wala ito ngayon ay baka sa kangkongan na siya pupulutin. Kahit tatlong taon na siya sa Manila ay hindi siya sanay. Hindi siya palalabas ng bahay. Kung lumalabas man siya ay sa palengke lang ang tuloy niya. Kapag inuutusan siya ng lola niya.

Para makasigurado na makakauwi siya ay kakapalan na niya ang mukha niya. Mangungutang siya kay Mack ng isang daan. Pwede naman niyang tawagan ang lola niya o kaya ay mag-text dito ngunit hindi niya iyon gagawin. Ayaw niyang mamroblema ito sa kanya.

Umupo siya sa binakanteng upuan ng dalawang lalaking umalis. Umupo si Mack sa katabing upuan.

"Okay ka lang?" tanong ni Mack

"Mukha ba akong okay," matamlay na sabi niya.

"Hindi." Ito na rin ang sumagot sa sarili nitong tanong. "Don't worry. Ako ang bahala sa 'yo. Hindi kita pababayaan. Kung nag-aalala ka na hindi ka makakuwi, I'm willing to drive you home. I can also lend some small amount of money to you. 'Yon ay kung ayaw mong magpahatid sa 'kin pauwi."

Kung may Good Samaritan award ay ibibigay niya iyon kay Mack. He is really thankful to him.

"Saan ka pala nakatira?"

"Sa Caloocan. Sa North Caloocan."

"Talaga. Same way lang pala tayo. Sa Fairview ako nakatira."

"Ganoon ba," aniya. "Pasensya ka na pala sa inasal ko kanina. Pero tama naman ako, 'di ba? Hindi naman talaga normal sa isang tao ang makipag-usap sa hindi niya kilala. Iyon nga ang tinuturo sa mga bata para hindi makidnap."

He heard him chuckled. "Yeah. Tama ka naman. Pero hindi na tayo bata. Kung may mangyayari man, alam na natin kung paano natin ipagtatanggol ang sarili natin."

"Tama ka rin."

Humarap siya dito. He decided to introduce his self formally to him. Kahit alam na nito ang pangalan niya ay magpapakilala pa rin siya, sa mabuting paraan.

Fated EncounterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon