EKSAKTONG ALAS OTSO NG GABI nang dumating si Vin sa kanyang destinasyon. Pagkababa niya sa jeep ay agad niyang nakita si Diega at Joanna. Ang mga kaibigan niyang bakla. Litaw na litaw ang dalawa dahil sa suot ng mga ito na matingkad ang kulay. Nang makita siya ng mga ito ay lumapit ang mga ito sa kanya,"Kadarating mo pa lang?" parang tanga na tanong ni Joanna. Joanna sa gabi, John sa umaga.
"Tanga lang 'te? Kakarating pa nga lang, nakita mo na tapos ganoon ang itatanong mo. Bopols ka rin na bakla ka noh?"
"Nakita ko 'te," nakasimangot na sabi ni Joanna. "Naninigurado lang ako. Gusto ko ng confirmation. Porke't nagtatanong ng ganoon na ka-obvious na bagay, tanga na agad. Hindi ba pwedeng naninigurado muna?"
"Ay ewan! Talagang di-ni-fend mo pa ang katangahan mo."
Maya-maya ay nagbabangayan na ang dalawang bakla. Kahit pabiro iyon ay matalas ang bibig ng mga ito. Napapailing na lang siya habang natatawa sa mga ito. Ito ang magandang bagay sa pagkakaroon ng mga kaibigan na parte ng third sex. Walang dull moment.
"Tama na nga ang away na 'yan," saway niya sa mga ito. "Kahit kailan talaga kayong dalawa wala nang pinagbago. Mabuti at wala pang namamatay sa inyong dalawa."
Natigil naman ang mga ito. Humarap sa kanya.
"Sabihin mo Vin. Sino ang mas maganda sa amin ni Diega? Sino ang mas maganda? Ang baklang 'yan--" itinuro nito si Joanna. "O ako?" sunod ang sarili.
Hindi siya sumagot. Pinandilatan siya ng dalawa na ginantihan niya ng tawa.
"Sumagot ka Vin. Para magkaalaman na! Sino ang mas maganda sa 'min ng baklang octopus na 'yan?" ani Diega.
Lumiyad-liyad ang mga ito at naglakad na parang mga beauty queen sa harap niya. Mukhang mga desperado talaga na malaman kung sino ang mas maganda sa kanilang dalawa. Desperado na makakuha ng boto mula sa kanya.
Natawa na lamang siya nang madulas si Diega at mahawakan ang tank tube na suot ni Joanna. Nahila nito iyon kaya ang ending ay nagsisigaw ang bakla. Hiyang-hiya ang mukha ng mahantad ang dibdib nito.
"Ano ba 'yan gaga? Gusto mo pa 'kong pagburlesin dito. Ginawa mo pa akong bold star," sigaw nito kay Diega.
"Hindi ko 'yon sinadya, Joanna. Nakita mong nadulas ako."
"Careless mo kasi, Diega. Dahil sa nangyari, wala na akong pipiliin kung sino ang mas maganda sa inyong dalawa. Nawala ang grace under pressure eh."
"Hindi 'yon pwede, Vin!" Halos sabay na sabi ng dalawa.
"Pwede 'yon!" giit niya.
"Hindi pwede 'yon." muling giit ni Joanna. "Ikaw kasing bakla ka," paninisi nito kay Diega. "Kung hindi ka sana careless sana may napili na si Vin. Dapat ang titulo na ibigay sa 'yo, Miss Gay Lampa."
"Gaga! Miss Gay Lampa ang mukha mo! Dapat sa 'yo Miss Gay Inilublob ang Mukha sa Harina sa Kapal ng Make-up mo."
Sumasakit na ang tiyan niya sa kakatawa sa mga ito. Naluluha na siya dala ng sobrang tawa.
Natigil siya sa pagtawa. Ganundin ang dalawang kaibigan sa pagbabangayan nang marinig nila ang galit na sigaw ng kung sino.
"Hoy mga baklang mang-aagaw ng lakas! Gabi na ang iingay n'yo pa! Ang iingay ng bunganga n'yo! Nakakabulahaw!"
Sabay-sabay nilang tiningnan ang pinanggalingan ng boses. Nasa hindi kalayuan iyon. Sa tapat ng tindahan ni Mang Andeng. Tatlong lalaki ang magkakasama. Mukhang sa lalaking nasa gitna ang nanigaw sa kanila. Hindi niya ito kilala. Bagong mukha. Nakakunot ang noo na nakatingin sa kanila. Kahit na sa malayo ay litaw na litaw ang kagwapuhan ng lalaki. Kapansin-pansin din ito dahil sa maputi ito.
BINABASA MO ANG
Fated Encounter
Lãng mạnIsang ordinaryong lalaki lang si Vin. Ah. Hindi. Isa lang siyang ordinaryong parte ng third sex. Monotonous ang buhay niya. He was bland as rice and like an untasteful viand. Ngunit ang ordinaryong buhay niya ay nagulo ng makilala niya ang tatlong l...