Chapter 1:Meet Her

61 3 6
                                    

Everything was based through our action.What we've done to past,something will happen in future.
-SAPPHIRE XYRIL FERRER

Hindi ako naniniwla sa Destiny
Hindi ako naniniwla sa Forever
At hindi din ako naniniwala sa Love

Kung sa tingin nyo ganun ako kabitter?!pwes okey lng sakin

Pero magbabago pa kaya ang mga pananaw ko ng makilala ko
Ang isang lalaking ...

MASUNGIT
MAARTE
ANTIPATIKO
WALANG PAKIALAM SA PALIGID
AT SOBRANG COLD

Gwapo at yummy nga cold naman.

🎶Letcheng pag-ibig to woah hoho Diyos ko ho ano ba naman ito🎶 pwede na bang singer??!

Magkakasundo kaya kami kung kabaliktaran ng ugali nya ang ugali ko?

Chapter1:Meet Her

Goodmorningggg Philippinessss!!!

Inat!inat!!
Hooo ganda ng umaga!!!!
Pero syempre mas maganda pa ko sa umaga.hihihi

Sige papalag kayo?!!aba subukan nyo.hahaha joke lang pero pwede bang pagbigyan nyo na ko
*insert puppyeyes hihihi

Hello ako nga pala si Sapphire Xyril Samonte Ferrer 16 years old
Ako ay may mahabang buhok na kulot sa dulo na medyo brown.May pagkasingkit din pala ako,maputi at katamtaman lang ang tangkad

Almost perfect na ang lahat pero shemay kahit ayokong aminin mga madlang pipol..

Flat ako.Poste kung baga.walang future ganun.Na gets nyo?

Kung di nyo gets?
Ako ay nagpapasalamat hahaha lalim non boy

Nga pala
May kuya ako sya si Phire Xynon S. Ferrer
Parang Fire yung basa sa Phire nya.ewan ko ba ang arte ni mama ko.hahaha
Si kuya well gwapo "DAW"!!sabi nya ee
Diba pag may daw walang kasiguraduhan.hahaha lakas ng self confidence ee

Si Amber Amethyst Ferrer naman ang mama ko

Pinalaki kami ni mama ng sya lang magisa.Ang tatag ng mama ko noh.Kung tatanungin nyo ko tungkol sa tatay ko? hindi ko alam sila kuya at mama lang ang may alam jan.

Anyway kahit hindi ko alam kung nasaan ang magaling kung tatay ay masaya naman kami.Overprotected nga lang si kuya at ang cool naman ni mama.Di ko naramdaman na kulang ako sa kanilang dalawa palang solve na solve na.

*toktok
Ano ba yan nag eemote ako dito ee.

"Hoy bato gumising kana bibili pa tayo ng gamit"

Kung nagtataka kayo kung bakit bato?!tanong nyo jan sa magaling kong kuya..mukhang ewan yan ee ginawa pa kong si Chief Dela Rosa

*toktok

"Hoy bato sirain ko tong pinto mo!!"

Hahaha ang sadista ng kuya ko

"Oo na po kuya kanina pa ko gising tsaka hello bukas yang pinto"

Bumukas yung pinto at sumilip ang magaling kong kuya

"Eh kanina ka pa pala gising ee pinasigaw mo pa ko!"

"Kuya naman sinabi ko bang sumigaw ka?"

"Hee kahit na!!"

Sabay sarado ng pinto

Tignan nyo sya parang tanga.hahaha isip bata kasi sya

Ayun nga ginawa ko na ang aking morning rituals.Syempre baka mamaya batukan pa ko ni kuya...

Nagbihis na ako.Oo nga pala bibili kami ng gamit ngayon.Pasukan na kasi bukas.

Mahilig kami sa rush ni kuya
Grade 11 na ko si kuya naman first year colloge

Ayun nga nagbihis na ko Nakasuot lang ako ng demipants tska white tshirt tapos naka converse akong red sabay niladlad ko lang yung buhok ko.Di kasi ako ganung maarte basta komportable ako ayos na

Nako naman ang daldal ko.

Bumaba na ako at nakita ko na si mama na nagluluto

"Hi ma goodmorning"

Sabay yakap sa kanya..

"Oyy goodmorning din anak.Umupo ka na para makakain na kayo"..

Pagupo ko saktong dating ni kuya.
Binati nya lang si mama at niyakap

Nang makalapit na sya sakin..bigla na lang nya ako pinitik

"Aray!" Sabay hawak sa noo ko

"Tss" inirapan nya lang ako

"Para san ba yun!?" Sabay tinignan ko sya ng masama

Aba at hindi man natakot tong abnormal kong kuya

Kumain na lang kami ng tahimik.Pagkatapos hinintay ko pa sa sala si kuya

Paupo pa lang ako ng biglang

"Hoy bato tara na"

Naman paupo plang ee.kainis tlga to parating nasa timming.bwesit!!!

*deathglare

"Oh bat ganyan mata mo?!tara na baka gusto mong iwan kita jan?"

Sabi ko nga ang bait mo talga kuya.

Sumakay na ko at pinaandar na ni kuya di pa nga ako nakakaseatbelt ee.Gago talaga to kahit kailan..

Hello DestinyWhere stories live. Discover now