Chapter 5

4 0 0
                                    

sky pov

medyo malayo nako sa airport. at binalot na ang palagid ko ng katahimikan.. nakakabinging katahimikan. kaya binuksan ko ang radio.
Now playing: Don't let me down-Chainsmokers ft.daya

crashin' hit a wall right now i need a miracle, hurry up now i need a miracle..

nikinig lang ako.at nag red ang stop light kaya huminto ako.

stranded reaching out i call your name but your not around, say your name but your not around.

medyo na badtrip ako. kaya tinahak ko ng shor-cut.. medyo madilim at iilan lang ang mga dumadaang sasakyan dito..grabe nakakakilabot naman dito. tsk. as long as walang nakaupong halimaw sa back car ko hindi multo or aswang ha.  basta halimaw!.. medyo may konting kalayuan pa ang bahay ko.. nang may isang itim na sasakyan ang nakita ko sa likod.. tinignan ko sa view mirror.. baka naman dito lang din sya dumaan diba.? so nagdrive lang ako. at ayan na malapit nako sa gate.. pinagbuksan ako ng guard at pumasok na. pinark ko ang kotse ko. at kinuha susi at bumaba.. napansin ko. yung itim na kotse. dumaan. okaayy.? pumasok nako sa bahay.

"nanay belen?" tawag ko..pero wala akong narinig na tugon nya.. weird kase sya pa mismo sumasalubong sakin pag umuuwe ako. pumunta ako ng kusina ang kalat.. grabe!! yung mga kawali nasa sahig at ang daming natapon na ibang pagkain..

"NANAY BELEN?!" nilakasan ko ang boses ko para tawagin sya. pero wala parin.. May masama akong kutob.. Kaya iniligpit ko muna yung mga kalat at nilibot ang bahay. malaki bahay namin. baka naman kung saan saan lang sya diba?.pumasok ako sa kwarto nya wala sya.. may narinig akong ingay ng kotse sa labas.. sinilip ko. yung itim na sasakyan... sabi ko na e.. may masama silang balak. lumabas ang tatlong naka itim na lalaki.. lumabas ako at ipinatay lahat ng ilaw sa buong bahay.  pati generaton in-off ko..kinuha ko metal baseball bat ko sa kwarto pati tape lubid at electrick shock...at nagtago.. narinig ko bumukas ang main door.. at pumasok na sila.. tsk mali kayong nilooban na bahay mga tol..nag call sign sila na ewan. yung isa sa baba yung isa sa taas at yung isa sa backyard..
nag ready ako kase nandito na yung bibiktimahin ko.. pumasok sya sa kwarto ko.. kwarto ko talaga ha... sinundan ko sya. yung cellphone nya ang nagsisilbing flashlight..pumasok sya sa banyo. at nagtago ako sa colset ko.. naririnig ko ang mga yapak nya at papunta na sya dito sa closet... natatawa ako. para kaming nagtataguan ako yung hahanapin nila pero ako pala ang bibiktima sa kanila.. nagstop sya sa harap ng closet at binuksan.nang biglang tinutok ko at ginamit ang electrick shock sa kanya. nangisay ngisay sya at naglumpasay sa sahig. itinali ko agad ang mga kamay nya kasama paa. para syang baboy na kakatayin. naghanap ako ng maipapasok sa bunga nga nya. nakita ko ang isang pirasong medyas ko na ewan ko kung kelan pa nandun. at ipinasok sa bunga nga nya at nilagyan ng tape para hindi sya makapag ingay. kumalag kalag sya sa tali. hinila ko sya papasok sa closet at na inelectrick shock sya at tumigil sya sa ginagawa nya..
natutuwa talaga ako dito. binigay to sakin ni james. buti na lang may pakinabang.. lumabas ako at isinara ang closet... sumilip ako sa labas ng kwarto ko at nakita ko yung isa paakyat pala dito. pumasok ako sa banyo at binukas ang faucet at shower at lumabas nagtago ako sa ilalim ng kama.. sakto bumukas ang pintuan at may dalawang paa akong nakita.. narinig nya ang agos ng tubig sa banyo at dahan dahang pumaligid sa pinto. at pumasok pero wala syang nakitang tao.. lumabas sya at pumunta naman sa closet kung nasaan ang kasama nya.. lumabas ako at tahimik na sinundan sya. Bago nya buksan ang closet. kinuryente ko sya sa likod at kung ano ang nagyari sa isa ganun din sa kanya.. dalawa na.. yung isa na lang.. lumabas ako ng kwarto at tahimik na bumaba.
may narinig ako ingay sa kusina at boses pinuntahan ko agad.

"aray ko! ang sakit whoo!" pabulong nitong sabi at pinulot at kawali sa paanan nya.. umurong akong konti at nasanggi ko ang lamp sa likod ko.. bago ito bumagsak sinalo ko agad at ibinalik sa pwesto nya.. paglingon ko may naka face to face akong mukha at konti na lang malapit na kami magkiss.. sobra akong kinabahan. at sa gulat ko itinulak ko sya.. at lumayo. itinutok ko ang baseball bat sa kanya.

"sino ka?! bat ka nasa pamamahay ko?! lumayas kana kung gusto mo pang mabuhay!" banta ko sa kanya. tinaas nya lang ang dalawang kamay nya.

"chill, easyhan mo lang. gusto ka lang namin kausapin." tugon nito.

"kausapin. sa ganitong paraan? lo-looban nyo muna ako tapos sasabihin kausapin? mga gago ba kayo?" sabi ko. lumapit sya.

"wag kang lalapit! jan ka lang! " sabi ko pero patuloy lang sya. hindi ko makita mukha nya madilim. sa isang iglap nawala ang hawak kong baseball bat at itinapon nya sa kung saan..sasapakin ko sana sya nang hawakan nya kamao ko at ipinulupot sa likod ko ganun din yung isang kamay ko. at lumakad sya pa abante dahilan para mapaurong ako at inipit nya ako sa pagitan ng pader..at ito pa ang lapit ng mukha namin sa isa't isa.

"pakawalan mo nga ako!!" sabi ko sa kanya plano ko syang tadyakan sa kanyang ari pero ni-lock nya ang hita ko sa kanya. dahilan para di ako makawala.. marunong din sya..

"papakawalan kita kung ikikiss mo ako." sabi nya.. ahh. ayoko!!

"AYOKO!! ANG BAHO NG HININGA mO!!" sigaw ko.. natawa sya.. at inilapit pa ang mukha nya sakin talagang gagawin nya. so.wala akong magagawa kundi..

"Arayy!!" sigaw nya at napa atras hawak ang kanyang labi..napahawak ako sa noo ko. bad idea yun.. ung iuumpog mo ulo mo sa kalaban. sakit sa brain! nahihilo ako at nananakit noo. atleast nakawala ako.dba?. lalapit pa sana sya nang kinuha ko yung electrick shock at ginamit ito sa kanya.. napahiga sya at tinadyakan nya yung hawak kong bagay, tumalsik ito kung saan at mabilis ko syang itinali at hinila sa sala. sigaw lang sya ng sigaw..

"SAM!!! TULONG!! Ahh!! RE-RAPEN NYA AKO!!WAH!!" sigaw nya.. Parang tanga! ako mangrerape.?! lumuhod ako sa kanya at  Nilagyan ko ng tape bunganga nya.

"Hmm!!! " sabi nya nanlalaki mata habang naka tingin sa kung saan.. tumayo na ako at sisimulan kona sana syang hilain nag pagurong ko may nasanggi akong poste? poste o katawan? pagtingin ko. merong lalaki matangkad pa sya sakin. nabitawan ko paa ng lalaki.

"Oh shit!" sabi ko. bago pa ako maka takbo. nakaramdam ako ng kuryente at napahiga na ako sa sahig.. nakaka ubos nang energy.. masakit pala. karma is a bitch nga naman. nakakapagod. at bago magdilim ang paningin ko. nakita ko pa sila and everything went black.......

♕Ice Queen♕Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon