Chapter 1

42 1 0
                                    


My First True Love (draft)

Ako nga pala si Yssa. Meron akong kababata, his name was Gabriel. We were friends since 5yrs old ako. Close yung family ko sa family niya. At naging madali samin dalawa na maging magkaibigan. He was a cute boy. He has a curly hair, pointed nose and beautiful eyes. As the years go by, lagi kaming nagkakasama sa mga school activities tho he is a year ahead of me. I was his first crush, yes, I was his first crush. Lagi kaming tinutukso ng family and friends namin. Ending, lagi kaming pinaglalove team kase bagay nga daw kami. At dahil mga bata pa nga kami, wala naman malisya saken yun. Nag-Highschool na siya, ako, naiwan pa. Lalo na siyang naging attractive. Madami na rin nagkakagusto sa kanya pero di naman niya ko kinakalimutan. Lagi pa rin kaming nagkakausap. Then tumungtong na din ako sa High School, we are on the same school. Nagkakausap naman kami kaso di na gaanong kadalas dahil naexcite ako sa High School life ko. Mas inuna ko yung mga new friends ko. Medyo nalalayo na yung loob ko sa kanya. Second Year ako, may mga nanligaw na nasaken. Then someone caught my attention. Kurt ang pangalan niya. Matangkad, moreno, chinito at cute ngumiti. He eventually became my 1st boyfriend. At dahil nagkaboyfriend na ko, di ko na masyado napapansin si Gabriel. Lagi kaming magkasama ng boyfriend ko kasi classmate ko naman siya. Pinakilala niya ko sa parents niya at pinakilala ko din siya sa parents ko. At yun na nga, nawalan na ko ng time kay Gabriel. Pero okay lang sa kanya dahil nagkagirlfriend na din naman siya noon. Everything was so perfect. I love my boyfriend so much and ganon din siya saken. A lot of memories was made and treasured. Yung kapag magkasama kaming dalawa, nasa cloud nine yung feeling. I thought the feelings will last. But sadly, dumating din sa point na nagaaway na kami. Laging nagtatalo. At dahil sa mga quarrels na yun, we broke up. My everyday became miserable. I thought he was the one. My first love just broke not only my heart but the whole me. I was desperate to have him back, but too late. Wala nakong nagawa kundi tanggapin na lang ang nangyari. At dun ko narealize na masakit talaga pag nagmahal ka at naiwan ko. So painful that it will leave a mark. A mark that will last for a long time.
Naalala ko si Gabriel, pwede ko siyang paglabasan ng sama ng loob ko. Then, I reached out para makakwentuhan ko siya. Nagpunta siya sa bahay namin. Kamustahan, tawanan at kwentuhan. Nakalimutan ko panandalian yung mga hinanakit ko sa ex ko. Chineer up niya ko. Gumaan yung loob ko dahil sa kanya. At naramdaman ko din yung importance ko sa kanya. Fourth year na siya and third year naman ako. One time, nagkasabay kami maglunch sa school canteen.

Gab: Uy, dun ka na umupo sa table ko. Wala kasi akong kasama
Yssa: Ahh. Sige. Wala din naman akong kasama, sabay na lang tayo maglunch. :)

Habang kumakain kaming dalawa, may naitanong siya saken.






Gab: Uy, free ka ba sa saturday?
Yssa: Bakit? Di ko pa alam e. Titingnan ko kung pwede ako.
Gab: Yayayain sana kita sa bahay namin. Bonding tayo, miss na kasi kita. :)
Yssa: Ah, ganon ba? Magmakaawa ka muna saken. Haha. Joke. Sige na nga, miss na din naman kita e. :)
Gab: Sige ha. Sabi mo yan. Sunduin kita sa inyo para maipagpaalam kita kina tita. Mga after lunch kita susunduin ha.
Yssa: Oh sige. Walang problema.

Natapos na kami kumaen at pumasok na kami sa aming kanya kanyang klase.

Saturday na. Medyo tanghali na akong nagising. Nagsabi ako kina mama na susunduin ako ni Gabriel ng after lunch kase may pupuntahan kami. Pumayag naman sila agad dahil kilala naman nila si Gabriel. Nagprepare na ako para in case na dumating na siya, ready to go na agad. Dumating siya ng mga 1pm.

Gab: Tita, labas po muna kami ni Yssa ha.
Mama: Okay. Basta hatid mo din siya dito ha. Ingat kayo.
Gab: Sige po tita. Salamat po.

Umalis na kami ni Gabriel at nagpunta na kami sa kanila. Solo lang siya sa bahay nila. Pero magkakapit bahay lang sila ng mga tita niya. So ayun, dumating na kami don. Dun kami sa kwarto niya. Nanonood ng movie habang kumakaen ng pop corn at beer. Natapos na ang movie at nagkwentuhan na lang kami habang umiinom pa din. Ramdam kong tinatamaan na kami ng alak non pero tuloy lang kami pagkekwentuhan. Hanggang sa ganito na yung naging usapan namin.

Gab: Mahal mo pa ex mo?
Yssa: Gago neto, hindi na ha. Bat mo natanong?
Gab: Wala naman. Pwede tayo naman?
Yssa: Ay gago ka, lasing ka lang. Matulog na lang muna ikaw jan. Ako na bahala maglinis dito.
Gab: Gago ka din. Di ako lasing. Umiiwas ka lang e. Wag mo na munang linisin yan. Di pa ubos e. Ubusin na muna natin yan.
Yssa: Sige. Sabi mo e.


Habang umiinom kami, nararamdaman kong magsusuka nako. Di ko na kinaya ang kalasingan ko. Sumuka ako sa cr at inalalayan niya ako. Dahil hindi na ako makatayo, binuhat niya nalang ako at inihiga na sa kama. Habang ako ay nakahiga, nagkunwari na lang akong tulog. Ramdam kong nakatitig siya sakin at umiiyak siya.


Gab: Alam mo, mahal kita e. Tanga mo lang kasi. Bat ba naghanap ka pa ng iba. Gago naman natapatan mo. Nasaktan ka tuloy. Tanga mo kasi. Ayan, ngayon, takot ka nang magmahal. Paano ako? Paano yung feelings ko na matagal ko nang tinatago sayo? Nakakagago ka naman e. Bakit ba kase hindi mo napansin yun. Ang tagal na natin magkaibigan e. Sa sobrang tagal, nahulog na pala ako sayo.






Pagkatapos niyang sabihin yun, lumabas siya ng kwarto. Di ko na alam kung anong ginawa niya. Di ko na rin namalayan na nakatulog na pala ako. Ginising niya ako ng mga bandang 6pm na. Nagtext na daw ang mama ko sa kanya. Pinapauwi na ako. Hinatid niya na ako sa bahay namin na parang walang nangyare.
Wala naman nagbago sa pagkakaibigan namin. Walang ilangan, walang iwasan.
Lumipas pa ang mga araw, napapansin ko na tumatamlay siya saken. Malapit na matapos ang school year, malapit na din siya grumaduate. Dun na niya sinabi sakin ang dahilan kung bakit lagi na lang siyang tahimik.







So yun hahaha puputulin ko muna salamat pala sa nagcreate ng story nato hi ate Alyssa sobrang Thank you sa tulong . Mwaaa :*


Geesix24

My First True LoveWhere stories live. Discover now