Chapter 2

23 0 0
                                    


Yssa' s Point Of View

Pagkatapos niyang sabihin yun, lumabas siya ng kwarto. Di ko na alam kung anong ginawa niya. Di ko na rin namalayan na nakatulog na pala ako. Ginising niya ako ng mga bandang 6pm na. Nagtext na daw ang mama ko sa kanya. Pinapauwi na ako. Hinatid niya na ako sa bahay namin na parang walang nangyare.
Wala naman nagbago sa pagkakaibigan namin. Walang ilangan, walang iwasan.
Lumipas pa ang mga araw, napapansin ko na tumatamlay siya saken. Malapit na matapos ang school year, malapit na din siya grumaduate. Dun na niya sinabi sakin ang dahilan kung bakit lagi na lang siyang tahimik.







Gab: Uy, kumusta ka na?
Yssa: Okay lang naman. Humihinga pa. Ikaw ba? Ang tamlay mo saken lately a.
Gab: Okay din lang naman. Medyo nalulungkot lang kase malapit na graduation. Malapit na din ako umalis.
Yssa: San ka pupunta? Sa Manila? Dun ka magcocollege?
(Hindi siya sumagot sa tanong ko...)
Yssa: Parang tanga naman to. Ano ba? San ka nga pupunta?
Gab: Ano kase. Hmm.
Yssa: Gago neto! Saan nga!
Gab: Pupunta na kasi akong US pagkagraduate ko dito. Dun na ko kay mama. Dun na din ako magaaral.
Yssa: Hala ka! Kainis to! E kelan ang alis mo?
Gab: Next month na...
Yssa: Next month na agad? Grabe naman.




Graduation na ni Gabriel. Tandang tanda ko pa noon kung gaano siya kasaya pero bakas din sa kanyang mga mata ang lungkot na kanyang nadarama. As I watch him approach to the stage, to get his diploma, napaimik na lang ako ng "Sh*t, malapit na siyang umalis. Mawawalan ako ng totoong kaibigan." Nakaramdam ako ng lungkot ng mga panahon na yon. Wala kasing kasiguraduhan kung makakabalik pa siya ng Pilipinas.
Pagkatapos ng graduation ceremony niya, nagpaalam muna siya sa tita niya at agad akong pinuntahan sa kinauupuan ko.

Gab: Uy Dyosa! Yee, tatawa yan. HAHA. Pano ba yan, graduate na ko.
Yssa: Oo nga e. Iiyak na ba ako? HAHA. Di, joke lang. Congratulations! You look different today ha. May something sayo, di ko lang mapin'point. But seriously, ang pogi pogi mo lalo ngayon. Haha.
Gab: Nang'gago pa to. Haha. Anyway, punta ka sa bahay sa bukas ha. 3pm.Celebration ko, farewell party na rin at the same time. Pupunta ka ha! Pag di ka pumunta, nakooo! In 3 days, aalis nako! Baka matagalan pa ulit bago mo ako makita!
Yssa: Oo naman. Ako pa mawala don sa party mo. Haha.









Hinatid na nila ako sa bahay pagkatapos naming magusap, magpapicture at kumaen. Pagdating ko sa bahay, nahiga ako sa kama ko. Nagmunimuni sa mga bagay bagay. Inaalala ko yung mga moments namin ni Gabriel. Yung food trip, adventures, movie marathon, pagpunta sa mga amusement parks at kung ano ano pa. Di ko napansin na napapikit na pala ako at nakatulog.
Kinabukasan, medyo maaga akong nagising. Nagbihis muna ako at nahiga ulit. Nag check ng phone. Ayun, ang daming text at missed calls ng gago. Pinaalalahanan lang naman ako about dun sa paganap niya mamaya. Akala ata ay di ako pupunta.

Nagprepare nako pagkatapos ko maglunch. Naligo, nagbihis.at medyo nagpatuyo ng buhok. Medyo maaga pa noon, 1:30 lang ata noon kaya naman humiga muna ako. Di ko na naman namalayan na nakatulog ako. Tapos, nawindang ako pagmulat ko ng mata ko. Nasa harapan ko na si Gabriel.


Gabriel: Hoy! Tingnan mo nga phone mo! Kanina pa ko tumatawag sayo! Nagalala na ko kaya pumunta na ko dito tapos natutulog ka lang pala! 5pm na oh! Kilos na!




Naspeechless ako sa kanya. Grabe naman kase yung pagkakatulog ko. Nakapag-ayos na ako ng sarili. Umalis na rin kami sa bahay namin at nagpunta sa kanila. Pagdating namin sa kanila, halos lahat ng mga classmates niya ay naroon na. Nahiya ako bigla sa kanila kase parang VIP ang eksena ko. Tapos, bigla na lang ba may nagpaparinig samen na mga classmates niya. Dedma lang ako syempre.
Naupo ako dun sa medyo malapit sa mga classmates niya, medyo busy siya noon kaya di niya na ako nasamahan pagkain. Lumapit saken yung isa niyang classmate, kakilala ko din siya kaya di ganon ka'awkward nung tumabi siya saken.
(conversation w/ Nate)

My First True LoveWhere stories live. Discover now