Salamat sa mga Tinuro Mo

55 1 1
                                    

Mahal, salamat.
Salamat dahil tinuruan mo ulit akong ngumiti.
Salamat dahil binigyan mo ko ng dahilan para magtiwalang muli.
Salamat sa lahat ng pag intindi.
At salamat sa sandaling pananatili.

Pero mahal, sa lahat ng itinuro mo sakin,
Sa lahat ng pinadama mo sakin,
Sa lahat ng mga sinabi mo,
Sa lahat ng mga pangako mo,
Mahal, paano mo ko matutulungang hanapin muli ang dating ako?

Yung dating sarili ko bago nakilala mo?
Yung dating ngiti na totoo?
Yung mga tawa na halos tumulo na ang mga luha mula sa mga mata ko?

Mahal, tinuruan mo nga akong mahalin ka pero nakalimutan mong turuan ako kung paano ang kalimutan ka.
Tinuruan mo kong magtiwala pero di mo ko tinuruang mag-isa muli pag nawala kana.
Tinuruan mo kong ngumiti pero di mo ko tinuruan na tumahan sa aking mga hikbi.
Tinuruan mo kong hawakan ang mga pangako mo pero hindi mo ko tinuruang palayain ang mga ala-ala nating binuo.

Mahal, sa pagkakataong ito, maaari mo ba kong turuan na piliin ko namaa na mahalin ko naman ang sarili ko gaya ng pagiging makasarili mo?
Maari mo ba akong turuan na isuko ang natitirang maliit na porsyento ng pag-asa na nananatili sa loob ng dibdib ko?
Maaari bang turuan ang sarili ko na sa mga oras na to, pigilan ang mga luha ko na nag uunahang pumatak sa mga pisngi ko dala-dala ang mga pangarap na binuo natin para sa hinaharap?

Mahal, maari bang turuan mo ko kung paano ko tatanggapin sa sarili kong wala kana? Na wala nang tayo? Na ang natitira nalang ay kayo? At ang tanging naiwan ay ako?

Mahal, sa totoo lang, masakit pa rin.
Kase, mahal, hanggang ngayon, ikaw pa rin.

Masakit na pero anong magagawa ko?
Pilitin ko man tinatraydor ako nang puso at isip ko, ikaw at ikaw at ikaw pa din ang gusto ko.

Kahit pigilan ko ang sarili ko na mahalin ka, hindi ko magawa.

Mahal, patawad.

Patawad kung hindi ko magawang palayain ka gaya ng nais mo.
Patawad kung hanggang ngayon bitbit ko pa din ang mga katagang sinabi mo na "tayo lang hanggang dulo".
Patawad kung kumakapit pa din ako sa isang porsyento ng isang daan mo.
Patawad kung mahal pa rin kita sa kabila ng pagtalikod at mga ginawa mo na nasaktan ako.
Mahal, patawarin mo ako sa lubos na pagmamahal ko sayo.

Mahal, sa huling pagkakataon,
Turuan mo ko.
Tulungan mo ko.
At patawarin mo ko.

Mahal, kahit di mo na ko balikan, ituro mo man lang ang daan pabalik sa aking nakaraan?
Nakaraan na nakalimutan at nakaraan na tinalikuran ko para sayo.
Nakaraan na kung saan, hindi lahat ng gagawin ko ay hihila sa mga ala-ala mo.
Sa mga ala-ala ko. Sa mga ala-ala na meron tayo.

Kase nung minahal kita, ikaw ang naging sentro ng mundo ko.
Naging liwanag ng madilim na buhay ko.
At ang taong pinili ng puso ko.

Mahal, tutal masaya ka na.
Hihilingin ko lang sana na kung maaari, pakibalik naman na yung puso ko.
At turuan mo na din na kalimutan ko ang pagmamahal ko sayo.

Mahal, hanggang dito nalang.

Mahal, mag iingat ka.
At salamat sa lahat ng tinuro mo.

Mahal, paalam na.

Papalayain na kita.

Words by yours truly,
Kristine Mae Romano Agustin

Salamat Sa Mga Tinuro MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon