Chapter 2

7 0 0
                                    

"at ano'ng ginagawa ng isang binbining ganda?"

"naglalagi ako dito, nagpapalabas ng sama ng loob, paki mo?!" pagmamaldita ko sa kanya

"May problema ka 'no?" chismosa talaga, sana hindi ko na lang sinabi 

" Spill it out" mapilit talaga 'tong taong ito , ang kulit!

" o sige na nga, mapilit ka eh! " naisigaw ko sa kanya

"Huminahon ka lang , hindi ko naman ipagsasabi"

"Ganito kasi 'yon, nakighiwalay ako sa boyfriend kong babaero dahil nagpakatanga ako sa kanya, nagsinungaling siya sa akin, akalain mo pinagsasabay niya kami, at take note, 3 kaming girlfriends niya"

"wohoo! ang tindi ng nobyo mo!" napabilib siya sa sinungaling kong ex

"pero totoo masama pa rin ang pagsabayin kayo, ano kayo laruan? hindi dapat ganoon, ang dapat sa isang iyon ipapatay kay Lapu-Lapu dahil isa siyang masamang kasintahan"                bilib naman ako sa kanya may pinaghuhugutan si Lapu-lapu pa!

"ang saklap di ba?" sabi ko sa kanya

"Masaklap nga, buti nga iniwan mo yong asungot mng boyfriend, kung ako yong naging boyfriend mo, hindi talaga kita lolokuhin,mamahalin pa kita ng tapat, stick to one kaya 'to!" ang hangin talaga niya

"Napakatahimik 'no? walang pipigil sa 'yo na makapag-isa " tumingin nalang ako sa ulap , hindi ko namalayan na nakatingin pala siya sa akin

"What?"tumingin ako sa kanya na nakataas yong mga kilay ko

"ang ganda mo kasi ^_^ "       nambola pa

Agad namang umulan ng malakas kahit tirik ang araw, pero kaming dal'wa nakatayo lang sa isa't isa nagtititigan. ang AWKWARD...

"Tara na nga, uwi na tayo" pag-iba ko, at hinawakan ko na lang ang kanyang kamay at kinaladkad sa loob para narin makaiwas na mabasa kahit basa na talaga kami, ang baliw ko talaga!, sa hindi inaasang pagkakataon, malapit pa akong nadulas buti nalang nakaalalay siya sa akin

"Huwag kang magmadali Mika" sabi niya habang hawak na hwak pa niya ang aking bewang sa pagsalo niya sa akin, tinging hindi ko maipaliwanag na nakakaakit na ano, ano, hindi ko ma-explain.

Magmula noon, hindi na siya nawala sa isipan ko. Pulang-pula na nga 'yong pisngi ko sa kakaisip sa kanya. Akalain mo , siya lang pala ang makapagpabuhay sa puso kong naging bato. 

Nasa canteen ako ngayon, kasama si Kath, kumain lang kami at nagkukuwentuhan, ang daldal kasi nami.

"Alam mo friend, bagay kayo ni Andrew!"

Naibuga ko yong nainom kong buko juice sa sinabi ni Kath, bagay ba kami eh, hindi naman magkakatotoo

"Ano ba naman Kath, imposible na magkakagusto si Andrew sa akin"

"Ano'ng hindi imposible? Maganda ka, gwapo siya , mabait, athletic, sikat sa school natin, at walang girlfriend"                 nasabi ko kasi sa kanya ang mga nangyari sa rooftop kaya sabi siya ng sabi nang kung anu-anong sumasagi sa isipan niyang wala namang kahihinatnan.

"Umalis nga lang tayo!"

"Uyyy..... umiiwas si Ganda :D "

Papunta na kami sa classroom ng napadaan kami sa soccer field, as expected, marami namang mga girls ang tumatambay para lang makasilip sa kanilang mga irog na hindi naman pag-aari nila, pati na rin si Andrew na focus ngayon sa pag-papractice kahit sobrang pawis na pawis. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nakita niya ako, nag-smile pa siya sa akin, O EM GHEE! 0_0 parang yong blood circulation ko ngayon parang naging abnormal, at ang mga babae masama ang titig nila sa akin pero wala akong paki hindi naman sila ang pinansin ni Andrew. Swerte ko teh! 

"Punta na nga lang tayo sa room natin, baka mahawa pa tayo sa mga haliparot"

Kinagabihan.....

"Anak, sa susunod na Sabado may pupuntahan tayong isang malaking party"   Mom ko 'yon

"Saan naman po Mom?"

"Sa kaibigan kong may anak na lalaki, magbi-birthday na daw, Eh , inimbitahan tayo"

"Ano'ng pangalan ng anak niya Mom?"

"Nkalimutan ko 'nak, basta, puntahan nalang natin"

"Okay po" 

Pagsapit ng Sabado ng gabi...........................                                                                                              gabi kasi siya magsisimula para lahat ng mga bisita ay makakapunta

"Ladies and gentlemen, my son, the birthday celebrant, Andrew Collins" Mommy ni Andrew

Paglabas ni Andrew, nagulat talaga ako, kaya pala pamilyar ang mukha ng mommy niya. Too bad, sa paglinga-linga ni Andrew sa mga tao, tumuon ang kanyang paningin sa akin.

"Thank you for coming folks to my birthday party, especially to my Mom and Dad who made a big surprise for me on this day , I love you both" 

habang nag-spepseech siya, kitang-kita ko ang nakaw tingin niya sa akin, para nga akong kinikilig sa kanyang malapot na pagkakatitig pa minsan-minsan. Pagkatapos niyang mag-speech, hina-hug niya ang kanyang parents bago tumuloy sa table namin.

"Hindi ko ini-expect na na sa birthday ko pa kita makikita"

"Inimbita kasi kami ng mommy mo"       ang mommy ko at si daddy ay busy sa pagku-kwentuhan sa parents ni Andrew at ang bunso ko pang kapatid na lalaki na sampung taong gulang palang ay nakipaglaro muna sa mga kaedad niya, at ako naman nasa table lang kausap ngayon si Andrew

"Sinabi rin ni mommy na may inimbitahan siyang isang kaibigan pero hindi ko alam na kasama ka do'n"            tumabi pa siya sa akin habang kausap niya ako

"So Happy Birthday! ^_^" sarcastic kong pagsabi

"Ang sarcastic huh?..... pero kahit ganoon salamat pa rin sa pagpunta dito <3 " :-)

"Halika ka may ipapakita ako sa 'yo" kinaladkad niya ako papuntang garden,  buti nalang hindi napansin nila mommy dahil mapapagalitan talaga ako 'pag ganoon








*thanks again for reading guys :)      malapit na pala ang fiesta sa San Fernando Cebu, makapunta nga doon, see u on my next chapters




Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 26, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love PrevailsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon