Ikatlong Kabanata

59 3 0
                                    

::: Si Phoebe po yung nasa pic.

( Antigong Vase )

========================

"Alice pinatatawag ka ni Head Mistress."

Break time iyon at napapangalahati pa lamang ni Alice ang baon niya. Tumayo siya para pumunta sa head office kahit pa labag sa loob niya. Alam niya kasi na nagsumbong ang tatlong bruha at siguradong makakatanggap nanaman sya ng detention. Pagdating niya sa office ay wala doon ang Head Mistress at may basag na vase sa sahig. Nagtataka na nilapitan niya iyon at sinipat ng husto at nadiskubre na iyon ang antigong vase na pag-aari ng punong guro. Luminga siya sa paligid upang malaman kung may iba pang tao doon at nang masiguro na wala ay saka siya kinabahan. Siguradong siya ang pagbibintangan sa nangyaring ito. Tumayo siya at lalabas na nang magulat dahil bumukas ang pinto at pumasok doon si Athena. Maldita ang ngiti nito sa kaniya at sakto naman na dumating ang head mistress ng kanilang eskwelahan.

"Anong nangyayari? Bakit narito kayong dalawa?" Tanong ng punong guro. Nagtaka naman siya sa tanong nito dahil ang sabi ay pinatawag siya nito.

"Mam, pumunta ako dito dahil pinatatanong ni Dad ang school records, tapos nakita ko yan na binasag yung vase mo." Pagbibida nito. Gulat naman na tumingin siya dito at pinabulaanan ang sinabi nito.

"Hindi yan totoo! Sinungaling ka, pumunta ako dito dahil pinatawag ako ni Mam at nakita ko lang yan na basag na." Pagtatanggol niya sa sarili. Parang gulat naman ang guro sa sinabi niya.

"Pinatawag? Hindi kita pinapatawag Miss Rivera." Bulalas naman ng Punong Guro sa kaniya. Napatingin na lamang siya sa sinabi nito.

"See mam? Nagsisinungaling pa siya. Sigurado na may binabalak yang magnanakaw na yan dito sa office mo mam." Sabat naman muli ni Athena.

"Miss Samañego! Hindi maganda na magbintang ng walang ebidensya, tandaan mo iyan. Nakita mo ba siya na binasag ang vase?" Pagkondena naman ng guro kay Athena. Pasalamat naman siya at kahit papano ay patas ang punong guro sa mga estudyante.

"Pagdating ko po nakaupo sya sa nabasag na Vase. Narinig ko pa na nabasag yon and obviously siya ang nakabasag, would you rather not believe me?" Tahimik na nagtitigan ang dalawa habang kinakabahan naman si Alice. Ilang sandali pa ay bumuntong hininga na lang ang punong guro at umiling.

"Sige, tutal nakita mo naman na binasag niya iyon pagmumultahin ko siya. Miss Rivera hindi mo ba alam kung gaano kamahal yan? Magmulta ka ng Five Thausand." Pagsang ayon nito kay Athena. Binabawi na niya ang sinabing patas ito sa mga estudyante.

"Po? Unfair naman po iyon Mam! Wala po akong kasalanan." Pag-angal niya. Hindi siya ang bumasag ng vase at alam niyang pakana lamang ito ni Athena.

"Tumahimik ka! Kung hindi ka pumunta dito walang mangyayaring ganito. Siya at lumayas ka na, kailangan mo'ng magbayad ng five thousand hanggang susunod na linggo! Next week!" Galit na sigaw naman ng guro. Wala na siyang nagawa kundi ang umalis na lang doon at bumalik na sa class room.

=======

Nag-iisa pa lamang si Alice sa classroom ng bumalik siya. Hindi niya napigilan ang pag-iyak dahil sa hindi patas na pagdedesisyon ng punong-guro. Paano niya sasabihin sa Tatay at Nanay niya ang nangyari? Wala silang pera na ipangbabayad sa kanila lalo pa at limang libo ang kailangan niyang bayaran.

Ipupunas na niya sa manggas ng damit niya ang luha nang may kamay na lumitaw sa paningin niya at may hawak na puting panyo. Mula sa kamay ay lumipat ang paningin niya sa mukha nito at gulat pa nang malaman na si Ysac ang may hawak niyon.

"Wag ka nang umiyak, para sa patay lang ang luha."

Iniwan nito ang panyo sa kamay niya saka muling lumabas ng classroom. Dahil sa ginawa nito ay napangiti siya kahit papaano. Ibinulsa niya ang panyo nito at planong isauli nalang mamayang uwian na hindi rin niya nagawa.

============

Muli siyang nagising sa pamilyar na lugar na ito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Muli siyang nagising sa pamilyar na lugar na ito. Madilim ang lugar pero aninag niya ang lahat ng nasa paligid. Sa pagkakataon na ito ay medyo iba ang itsura ng babaeng nakausap niya noong nakaraang panaginip niya. Ang itim na buhok nito ay nagkaroon na ng pula sa unahan. May dalawang maitim na sungay at matapang ang mukha ngunit napaka-ganda parin niyang tignan. May hawak itong mahabang kahoy na may string. Ang pag-kakaalam niya ay koto string ang tawag doon.

"Sinaktan ka nanaman nila... ngunit may isang nagpasaya sa iyo." Pauna nito nang maupo siya sa malambot at malaking unan na muling lumitaw sa paanan nito.

"Nagsinungaling sila, tapos kinampihan ni Madam si Athena... hindi sila patas!" Napaiyak siya matapos maglabas ng galit dito.

May awa sa mga mata na tinitigan siya nito saka ito naupo sa tabi niya at niyakap. Sa tuwing nasa presensya nito siya ay kumakalma siya at naglalaho ang galit at sakit na kaniyang nadarama. Kahit panaginip lamang ito ay nawawala ang kaniyang galit.

"Malapit na malapit na aking kakambal. Pagbabayarin natin sila..."

=======================

::: Nakita ko lang yang picture. Hehehe!! Sya si Lapiz Lazuli pero babae si Lapiz guys huh.

The Evil Twin #wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon