Ikaanim na Kabanata

69 3 0
                                    

=Ang Kakambal at Ang Mundo nito=

=====================

Nakatuon lamang ang pansin ni Alice sa kaniyang ina. Puno ng pag-aalala ang mukha nito at alam niya kung bakit. Dahil ito kay Lapiz Lazuli at sa nalalaman nito tungkol sa demon princess. Hanggang ngayon ay hindi parin talaga siya makapaniwala na totoo si Lapiz.

"Nay, alam ko na po ang tungkol kay Lapiz Lazuli."

Halata ang pagkabigla at pagtataka sa mukha nito. Hindi siguro nito inaasahan na alam na niya ang tungkol sa kakambal. Inaasahan ng mga ito na maguguluhan siya at matatakot, mangangamba at magagalit. Mga negatibong pakiramdam. Oo, hindi pa niya tinatanggap ng tuluyan ang mga nangyayari dahil sa isip niya ay hindi tama. Si Lapiz ay Demon Princess, parte ng dilim at kalaban ng mga mabubuti at kayang tumapos ng buhay sa isang pitik lamang ng kamay at walang pag-aalinlangan. Kaya nga ba niya na makita iyon? Makakaya nga ba niya ang konsensya kapag pumatay ito?

"Alam mo?" Hindi makapaniwalang tanong ng kaniyang ina.

Tumango siya at hindi mapkaling sumagot habang wala sa sariling nagkukutkot sa lamesa dala ng kaba. Tama, kailangan niyang matanggal sa sarili ang habit na iyon.

"Ano kasi nay. Nitong nakaraan may mga panahinip po ako at habang tumatagal parang mas lalong lumilinaw. Hanggang isang beses parang totoong-totoo na at nakakausap ko na sya. Nay! Nakakapunta ko sa mundo ni Lapiz Lazuli!" Halo-halong emosyon na kwento niya. Kaba, pananabik, tuwa, takot at pangamba.

Nagkatinginan ang mag-asawa at hindi malaman kung matutuwa ba sila o matatakot sa mga nangyayari. Hindi pa nila alam ang epekto o mangyayari sa araw ng kaarawan ng kanilang anak. Nangangamba sila na kukunin ito ng demon princess o kukunin ang katawan at papatayin ito o ano man

"Nagkita na kayong dalawa? Ano... Paano? Ibig sabihin alam mo na siya ang nagpagaling sa'kin?" Hindi makapaniwalang tanong ng kaniyang ina.

"Lorna... Paano kung hindi maganda ang lahat ng ito?" May pangamba rin sa boses ng kaniyang ama.

"Tay, ako po ang humiling sa kanya na pagalingin si Nanay. At kung bakit hindi nagtaka ang mga doktor, kinontrol niya po ang isip nilang lahat na ang iisipin ng mga ito ay may pagkakamali lang sa pagcheck up sa kanya." Nakangiting sabat naman niya. Nagkatinginang muli ang mag-asawa saka bumuntong hininga ang kaniyang ama.

"Sa tingin ko dapat naming ikwento sayo ang nangyari noong ipanganak ka."

====================

====================

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Flashback

Hawak ni Toni ang kaniyang anak at masayang kinakausap ito kahit alam niyang hindi pa nito naiintindihan ang kaniyang mga sinasabi. Inililigpit naman ng matandang nagpaanak sa kaniyang asawa ang mga ginamit at marurumi na damit na puno ng dugo. Tumayo ito upang ideretso na sa lababo ang mga gamit nang bigla na lamang lumaglag sa sahig ang lahat ng iyon at mapaupo ang matanda. Nilatagan lamang ng banig ang lapag dahil wala silang kama.

The Evil Twin #wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon