Chapter 1 - First Day

48 3 0
                                    

'Riinnggg' 'riingg!!'

I off the alarm.
"Hayyy!" Buti naman nagising na ko ang grabi kasi ng panaginip ko. Nakakatakot!

Teka anong oras na ba? I checked my cell-phone, 6:45 in the morning palang. And may 2 unread messages ako.

From: Happy panget

Goodmorning! Excited na ko later ^_^

Ang energetic talaga nitong babae na to. Always happy. Well halata naman sa name nya. Anyway, she's my bestfriend. Her name is Happy Perez. Sya yung tipo ng girl na everyday laging may new Boylet. Ewan ko ba dyan. Di ko nga alam kung pano ko ba naging kaibigan yan ee hahaha! Pero beside sa pagiging hyper nya may tinatago rin syang ugali.

Inopen ko na rin yung isang message.

From: Kahreen panget

Hi! Get ready :)

Her name is Kahreen Mae Fontanilla. She's also my bestfriend. Kung anong ikinahyper ni Happy ganun naman ang kabaligtaran ni Kahreen. She's a serious type of girl. Tahimik sya and she loves reading. And Guess what? Kung ano ang hilig nyang basahin. Mga Horror story lang naman ang gusto nya. Minsan nga ee ninakaw ko yung isa sa mga paborito nyang libro at binasa ko sa bahay. Alam kong title palang Nakakatakot na Pero binasa ko parin, nakakailang page palang ako nun hindi ko na naituloy. Beside kasi sa nakakatakot sya nakakadiri rin sya at the same time. Hindi ko talaga alam kung paano nakakayanan ni Kahreen ang magbasa ng ganun. Tsk!

Napangiti nalang ako ng mabasa ko yung mga message nila. How I really miss them.

Agad agad akong bumaba. I go to the kitchen to have a breakfast. Napangiti ako sa Nakita ko.

"Goodmorning nanay Lourdes" masayang bati ko.

"Oh Sam! Gising ka na pala. Tamang tama kakatapos ko lang magluto. Kumain ka na baka malate ka pa nyan" nakangiting sabi nya habang hinahanda yung mga pagkain sa lamesa.

Sya si nanay Lourdes, simula bata sya na ang nag alaga sakin. Katulong namin sya pero Hindi lang basta katulong ang Turing ko sa kanya. Sya ang pumuno ng pagkukulang ng mommy ko. Sana nga sya nalang ang naging nanay ko.

"Tara po kain na tayo" nakangiting sabi ko sa kanya.

"Ay Naku! Mamaya na ko kakain. Magwawalis muna ko sa labas" sabi nya.

"Sabi nyo po sabay tayong kakain ngayon" nagtatampong sabi ko sa kanya.

"Ikaw talagang bata ka" pinisil nya yung ilong ko.

"Nang naman masakit po" sabi ko habang hinihilot yung ilong ko.

"Osya sige kakain na tayo" natatawang sabi nya.

"Yeheyy!" pumapalakpak pa na sabi ko.

Nagsimula na kaming kumain. Basta talaga pag si nanay Lourdes hindi nya ko natitiis hindi katulad nya na walang pakialam sa akin.

~~~~~~~~~

"Nay Lourdes aalis na po ako!" Halos pasigaw na sabi ko nasa pintuan kasi ako habang sinusuot yung sapatos ko.

Tumakbo naman si nanay Lourdes papunta sakin.

"O yung baon mo. Wag kang magpapagutom dun ha? Mag iingat ka" sabi nya habang nilalagay sa bag ko yung lunch box na kulay Violet.

"Opo nay" Tumakbo na ako sa gate pero napahinto ako bigla. May nakalimutan pala ako. Bumalik ulit ako kung saan nakatayo si nay Lourdes.

"May nakalimutan pala ako" sabi ko at mabilis kong kiniss sa pisngi si nanay Lourdes.

"Bye po" tumakbo na ko palabas at nagpunta na sa kanto ng street namin para mag hintay ng masasakyan.

Tinignan ko yung relo to check the time, it's already 7:30 and my class will be start at 8:00.

Tsk! Nasesence kong malelate na ko nito. Kung Hindi Sana kinuha ng magaling kong tatay ang susi ng kotse ko edi sana hindi ako nag aabang dito. Ang epal talaga ng ng matandang yun.

Malayo palang nakita kong may paparating nang bus. Nang malapit na to sakin agad ko itong pinara.

Pag pasok ko ng bus iisa nalang ang vacant at sa bandang likuran pa. No choice ako kaya umupo nalang ako doon. Mga 30 mins away pa ang school dito. For sure malelate talaga ako nito.

Kinuha ko yung headphone ko at sinalpak ito sa cell-phone ko.

Habang nagsesearch ako ng song, napamura nalang ako bigla dahil muntik ko nang mabitawan yung phone ko. Yung iba naman ay napasigaw! Putspa! Ano ba naman tong bus na to bigla bigla nalang nagprepreno.

Tumingin nalang ako sa labas. At doon ko lang nalaman na may naaksidente palang sasakyan, nakabangga ito sa puno ng acasia. Halatang malakas ang impact nito dahil halos mayupi yung nguso ng sasakyan. Nakita ko yung Tao sa loob, nakasubsub Sya sa manibela, mukang nawalan sya ng Malay. And she's a girl.

Umandar na yung bus pero may nahagip yung mata ko hindi ako pwedeng magkamali. Sigurado akong sya yung nakita ko.

Anong ginagawa nya dun? At bakit sya nagtatago sa likod ng puno?

Author's note:

Hello folks :) Sana po nagustuhan nyo yung first chapter :D

A Good LiarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon