Chapter 3 - People's Park

23 2 0
                                    

Nasa cafeteria kami ni kahreen ngayon. Hindi namin kasama si happy kasi kasabay nya yung boylet nya.

"Anong gusto mong pagkain kahreen? Ako nalang bibili" sabi ko sa kanya.

"Kahit ano" walang lingon na sabi nya sakin.

Wow ah! Kaltukan ko kaya to, kala mo laging may sariling mundo ay!

Umalis na ko. Ngayon ko lang napansin na ang dami palang Tao ngayon.

Pumila na ko. Pero dahil mahaba pa yung pila kinalikot ko na lang yung phone ko. May nagtext pala sakin.

From: 0927333****

People's Park

Huh? Sino naman to? Tsk! Baka na wrong send lang.

Pinatay ko na yung phone ko. Malapit na pala ko.

Nung ako na yung susunod.

"Aaaahhhhhhh!!!"

Biglang tumahimik ang lahat. Hindi ko alam kung ako lang ba yung kinilabutan o pati rin ba yung iba. Nakakatakot yung sigaw ng babae parang nanggaling ito sa People's Park malapit lang kasi yun dito.

Parang may nangyaring hindi maganda. Hindi ko alam pero kusang tumakbo yung mga paa ko. Narinig kong tinatawag ako ni kahreen pero tuloy parin ako sa pagtakbo.

Malapit na ko ng bigla akong napahinto. Nanlambot yung mga tuhod ko sa nakita ko. Isang babae na naliligo sa sarili nyang dugo at may nakabaon na kutsilyo sa noo nya.

Gusto kong masuka pero Nalipat yung paningin ko sa isang lalaki na nakatayo malapit sa babae.

Napatingin sya sakin. Ganun parin yung mga mata nya at naramdaman ko na naman yung panlalamig ng katawan ko.

"Javier?" Kinakabahan na sabi ko sa kanya.

Naglakad sya palapit sakin. Lalo lang bumilis yung tibok ng puso ko feeling ko mauubusan ako ng hangin.

"W-wag!" Hindi ko alam kung Bakit ako kinakabahan.

Tuluyan na syang nakalapit sakin at Bigla nalang tumulo yung mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan.

Tinayo nya ko mula sa pagkakaupo ko.

Pero hindi ko inaasahan ang sunod nyang gagawin. Niyakap nya ko bigla at doon ako lalong naiyak.

Hindi ko alam kung gano kami katagal na nakayakap doon. Ang alam ko lang parang biglang gumaan yung pakiramdam ko habang nakayakap ako sa kanya.

Humiwalay agad ako ng makita kong paparating na sina kahreen at happy siguro dahil nabalitaan na nila yung nangyari.

Ngayon ko lang din na pansin na marami narin palang tao sa paligid.

"Bes!! Are you ok?! Ano sinaktan ka ba ng lalaking yan ha?! Ano sabihin mo sakin!?" Natataranta pa na sabi sakin ni happy.

Binatukan naman sya ni kahreen.

"Ano ba huminahon ka nga! Parang ikaw pa yung mas naapektuhan aa!" Sabi ni kahreen.

Inirapan naman sya ni happy.

"Ano ba kasing nangyari? At Bakit bigla ka nalang dyan tumakbo kanina?" Sabi ni kahreen na halatang nag aalala sakin.

Napangiti nalang ako. Kahit na magkakaiba kami nang gusto. Kahit na iba iba ang ugali namin. Nagkakasundo parin kami at alam kong mahal namin ang isa't isa.

Napatingin naman ako sa lalaking katabi ko.

Nakatingin din sya sakin. Teka? Parang may mali ee. Biglang nagflashback lahat ng nangyari kanina. Oh noise! Feeling ko namula yung buong mukha ko. Anong pumasok sa isip ko bakit ako pumayag na magpayakap sa kanya?

Lumayo ako bigla sa kanya. Nagsisisi tuloy ako sa nangyari kanina.

For sure! Sya yung pumatay sa babaeng yun!

Nagulat ako nang may biglang nagsalita sa bandang likuran ko.

"Hmm... excuse me? May itatanong lang sana ako" sabi nung lalaki na I think mga 30s na sya. Nakasuot sya ng polo na light blue na tinack in nya sa slacks nyang black.

"Sino po ba sila?" Tanong ni kahreen.

"Ako nga pala si Detective Van Gomez. Gusto ko sanang makausap itong dalawa nyong kasama. May nagsabi kasi sakin na silang dalawa yung unang nakakita ng crime scene" sabi nya habang Nakatingin saming dalawa.

"Pwede ko ba kayong makausap?" Seryosong sabi nya samin.

Tumingin naman ako sa katabi ko. Parang wala lang sa kanya yung nangyari kanina. Tumingin ulit ako dun sa Detective kuno.

"Sige po" buong confident na sabi ko.

Alam ko naman kasi sa sarili ko na wala akong ginawang masama. Ewan ko lang dito sa katabi ko. Parang wala lang sa kanya ang lahat. Hindi ba Sya natatakot o kinakabahan? Ano bang meron sa Tao na to? Bakit Parang lagi nalang syang kalmado? Hindi yata tao to ee!
Scary!

"Sumama nalang kayo sakin" sabi nya at nagsimula na syang maglakad.

"Bes! Don't worry nandito lang kami ni kahreen. Pag may nangyaring hindi maganda, sumigaw ka lang dadating kami agad!" Sabi ni happy na akala mo talaga may masamang mangyayari sakin.

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o matatouch sa sinabi nya.

Binatukan naman ulit Sya ni kahreen.

"Ano ba?! Nakakadalawa ka na aa!" Pagalit na sabi ni happy kay kahreen.

"Ee pano ang OA OA mo!" Natatawang sabi ni kahreen.

"Hahahaha!!" Hindi ko na rin napigilang Hindi tumawa.

Pero napatigil ako ng bigla akong hatakin ni Javier. Naiilang pa akong sabihin yung name nya maybe because we're not friends?

Nagwave nalang ako kina kahreen at happy. Pero tama ba yung nakikita ko? Parehas sila nakangiti na may halong pang aasar.



Author's note:

Sana po nagustuhan nyo :)

A Good LiarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon