Author's note:
Happy Reading guys: *
~~~~~~~~~
Pagkababa ko sa Bus, tumakbo na ko agad kasi 15 mins late na ko. Sa 3rd floor pa naman yung room ko.Aga aga haggard na yung face ko.
Pag pasok ko sa room, wala pa yung teaher namin. Hinanap ko kaagad si Happy kaklase ko kasi sya. Si kahreen naman nasobrahan sa talino kaya nasa section A sya ngayon.
Nakita ko na si happy pero may katabi na sya at take note lalaki pa! Ito talagang babae na to!
Umupo ako sa likod nila, katapat ko yung lalaking katabi ni happy. Hindi pa yata alam ni happy na nandito na ko.
"Hi bes!" Sabi ko kay happy na busy sa pagpapapansin sa katabi nya. Pero di naman sya pinapansin hahaha!
Lumingon sya sakin. "Ay bes! Nandyan kana pala" nakangiti pa nyang sabi.
"Ay wala! Picture ko lang to bes! Picture lang" sabi ko at inirapan sya.
"Ano ba bes! Ang aga aga pa para magalit" natutuwang sabi nya.
"Ee ikaw bes? Ang aga aga pa para lumandi" naiinis na sabi ko.
Hindi na nakapag salita si happy kasi nandyan na yung teacher namin.
"Goodmorning" sabi ng teacher namin.
Mukang terror si ma'am.
"Goodmorning ma'am" sabay sabay naming bati.
"Ok! So since first day palang. At for sure hindi pa kayo magkakakilala..."
"Ma'am naman! Fourth year na kami. Hindi na kami bata para magpakilala pa isa isa" sabi nung boy na may hikaw sa isang tenga.
"So? Sa tagal ko nang nagtuturo dito wala pa namang nagsabi sakin na bawal nang magpakilala isa isa ang mga 4th year students. At may problema ba dun ha?" Nakataas kilay na sabi nya samin.
Natahimik ang lahat sa sinabi ng teacher namin.
"Ok so let's start at the back! Miss?" Tinuro nya yung babaeng nakasalamin sa left side ko. Wala yatang may gusto na makatabi sya. Mga 3 chairs away lang sya sakin and I think mahiyain sya.
Nagtinginan lahat ng mga classmate ko sa kanya. Feeling ko lalo syang nahiya.
"Hmm.. I'm Angel Love Chua. 16 years of age." Nakayuko na sabi nya.
I knew it! Mahiyain nga sya.
"Ok thank you miss Chua. Next?" Tumingin sya sakin.
Ako na pala ang sunod.
"Hello! I am Samantha Ferrer. I am 15 years old turning 16 on August 5. And nice to meet you" nakangiti kong sabi sa kanila.
"I love you!" sumigaw yung lalaking may hikaw sa tenga.
Nagtawanan yung mga kaklase ko.
Bago ako umupo inirapan ko yung lalaking sumigaw.
Nagpakilala na rin yung iba. Pagkatapos magpakilala ni happy yung katabi nya naman na yung sunod.
"Mc Leen Javier Vidallion" walang gana nyang sabi.
Nagtilian yung mga babae. Well gwapo naman sya kahit papaano. May kulay yung buhok nya. At bumagay Ito sa kanya lalo. Kaso mukha syang gangster.
Pagkatapos ng pakilala ek ek. Umalis na yung teacher namin. Next meeting nalang daw kami mag sstart ng klase.
Naglabasan na yung iba samantalang si happy nagpapaganda pa. Makikipagmeet daw kasi sya sa boylet nya.
Habang hinihintay ko si happy. Nakatingin lang ako dun sa guy na katabi nya Javier yata ang name nya. Nakadukmo lang sya, wala ba syang balak lumabas.
Napatingin ako sa bandang gilid ng leeg nya. May tattoo sya hugis araw. Medyo natatakpan ito ng kwelyo nya. Pano sya nakapasok sa school na to? Ang pagkakaalam ko pinagbabawal yung mga bling bling or tattoo sa mga estudyante.
Nagulat pa ko nung tinawag ako ni happy. Hindi ko napansin na tapos na pala syang magpaganda.
"Sam! Hindi pala ako makakasabay sa inyo maglunch mamaya. Nag aya kasi si Carlo na kumain sa labas." Natutuwa na sabi nya.
"K.fine!" At kinuha ko na yung bag ko.
Sino naman kaya yung Carlo na yun. New boylet nya na naman. Nung nakaraan si Louis aa. Wag nyang sabihing break na sila.
Tumingin ulit ako sa guy na naiwan sa room. Nagulat ako dahil nakatingin pala sya sakin. Ang cold ng mga Mata nya. Parang biglang nanlamig yung buo kong katawan.
Iniwas ko nalang yung tingin ko sa kanya. Ano naman problema ng isang yun?

BINABASA MO ANG
A Good Liar
Mystery / ThrillerMaraming taong nagsasabi na if you want to be happy you must forgive. Pero siguro nga hindi ganoon kadaling magpatawad lalo na kung sobra sobra ang naiwan nitong sakit sa puso mo at dahil sa sakit na naranasan mo na yun ang nagbigay ng lakas ng loob...