*My rival*

284 9 0
                                    

(At dahil nga nakokonsensya ako dahil nga maikli lang ang mga pangyayaring nagagawa ko sa isang chapter [Yie!! nakokonsensya na ko ha! ] ngayon ay hahabaan ko na )

[Megan's POV] 

Nang nakabalik na kami sa classroom ng aking Partner .. ay agad akong naupo .Natulala ako bigla .

Ano ba naman kasi Megan! Ikaw kasi ayan! susulpot sulpot ka kaagad  yan tuloy you have no choice ..kundi ... HAAAIII 

kaw kasi e .. 

Kinamot ko ang aking precious na ulo, Di! joke lang,  naku naman kasi ! hindi porket Taga public ako ay dapat mag pa under na ako dito . Ngayon pa nga lang na hindi pa ako natatalo sa deal ehh , antipatiko na ito .. ano pa kaya kung natalo na ako .

Bakit mo ba iniisip na matatalo ka ha ? Besana ?  Kaya mo yan!  

Huminga nang malalim ,at inibuga iyon ng pagka lakas lakas  yun ang sabi ni mama . Dapat ko yung gawin para mawala ang kaba ko , at mga pag sisisi dahil sa mga desisyong nagawa ko 

"Problemado?" ani Louie

"Ay sus @#$%^! "  nagulat kasi ako sa concern na ipinakita niya 

 "Ooops, im sorry nagulat ka" at ngumiti siya , yie ang cute cute niya talaga kapag ngumingiti .. ganun pala pag nagkaka crush  , ay ? teka .. crush ba talaga ? oo nga crush !! 

"Whats wrong ?" anito , Grabe talaga .. ay ! ano ba naman ! parang noon lang e naiinis ako dito at sinabihan ko pa siya ng back off back off ! ngayon ay nag kaka crush na ako sa may ari ng school ay este anak pala ng may ari ng school

whatever ! talagaaaa!!!! alam ko naman kasing imposible akong magustuhan ng isang ito .. marami kayang magaganda sa school na ito , maaarte pa at higit sa lahat may laman ang bulsa .

Kung bakit pa kasi , noong nag paulan ng Pera si Lord  Natutulog ang mga ninuno ko e ! nakuuu talaga . Buhaaaaay , Pero okay nako sa life ko noh ! kaysa naman Maging maarte pero walang laman ang ulo . Atleast ako determinadong makamit ang mga pangarap ko at okay na ako dun ! naku naman !! ang layo na ng istorya . Kanina lang eh sa crush ko pero ngayon sa Buhay ko na .

"Ah eh.. wala wala.. " sabi ko . 

"Okay" tapos ngumiti ulit siya ng patago ! hayy pero promise ko crush lang ito hindi na to aabot sa El Ow Vi Ih ! o LOVE  .Promise ko talaga yan . Naku ! di ko namalayan na english class na pala yan kasi kanina pako nakatulala dito .

"Class , kailangan niyong gumawa ng tatlong poem .. Pero! hindi ito individual .. partner niyo ang seatmate niyo at ipapass niyo sakin ito sa next wednesday .. wala nang hirit dahil 1 week na ha ! " EEEh! minamalas ba ko ? o sadyang pinaparusahan . Kasi naman e bakit pa kasi ako ang pinakahuling .. este kami pala ni Tammy .. ang pinakahuling naka upo sa golden chair ....

"Saan ka ba nakatira ?" tanong ko sakanya .. dahil nga partner kami walang malisya ha?! nag tanong lang ako para malaman na namin kung kailan kami  mag sisimula 

"Ah sa Sampaguita street, sa las pinas " sabi niya naman .. akala ko noon nag jojoke siya . hindi pala ! mayaman kaya sila . Malay ko ba na doon rin sila nakatira ?

"Ikaw ?" sabi niya .. Hindi naman ako ambisyosa no ? pero gusto ko talagang paniwalaan na interesado rin siya sakin .. 

"Ah doon din" sabi ko ng maikli .. 

"Oh .. then thats great makakastart tayo ng mas maaga sa poem na gagawin natin" sabi niya rin 

"O-oo nga ! " sabi ko tapos nginitian ko siya 

Hindi naman kaya maliit ang bahay namin ! sa totoo nga eh .. pinamana pa iyon ni tatang ko na nag mula pa sa lolo niya .. Oh diba ? Up and down iyon na japanese ang style ..

My Princess is a Pauper (ON GOING SERIES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon