Chapter 3 - I don't know her

16 0 0
                                    

Aisha's POV

3 years na ang nakalipas pero hanggang ngayon hindi ko pa rin malimutan. Prang last week lang nangyari. Hanggang ngayon hinihintay ko pa rin siya. Nagbabaka sakali na baka maalala niya na kung sino ako at ano ako sa buhay niya.

Nakatulala lang ako sa kisame ng aking kwarto at inaalala ang mga nangyari pagkatapos ng nangyaring aksidente.

-

Flashback

2 weeks halos tulog si Ivan. Hindi pa siya nagigising kaya lagi ko siyang binabantayan sa ospital kung saan siya naka-confine dahil baka sakali na magising na siya.

"Phia, magpahinga ka muna sa bahay niyo, ako na bahala kay Ivan. Hindi ka pa halos nakakatulog ng maayos at maghapon ka na dito." Sabi ni tita Iva. Mommy ni Ivan.

"Ayos lang po ako tita."

"Hindi magiging masaya si Ivan paggising niya ganito ka. Hindi ka pa kumakain kaya umuwi ka na muna. Tatawag agad ako sayo pag nagising sakali na si Ivan."

"Sige po tita. Pasensya na po. Hihintayin ko po yung tawag niyo."

Umuwi ako sa bahay at naligo muna bago bumaba ulit at kumain.

Pagkababa ko naabutan ko si Vanessa at Mikko na paalis.

"Van, Mik saan lakad niyo?" Tanong ko.

"Bibisitahin namin si Ivan, Phia." Wika ni Van.

"Huh? Sasama ako kakain lang ako sandali." Sabi ko. Nagmamadali na para makasama sa kanila.

"Huwag na Phia. Dito ka muna, magpahinga ka. Alam kong pagod ka. Bukas ka na lang ulit pumunta sa ospital." Sabi ni Mikko.

"Uhh. Okay. Iupdate niyo na lang ako huh." Malungkot kong sabi.

"Sige." Sabi ni Mikko.

Umalis na agad ang dalawa tapos kumain na ko ng dinner. Oo dinner na. Gabi na ng makauwi ako sa bahay. Traffic kasi.

Pagkatapos ko kumain nagpahinga lang ako saglit tapos dumiretso na sa kwarto para makatulog.

11 na ng gabi ngunit hindi pa rin ako makatulog. Iniisip ko si Ivan. Ano na kayang nangyari?

*kring kring*

Tumunog yung phone ko, hudyat na may tumatawag. Si Vanessa.

"Hello Van?"

"Phia!! Omaygad gising na si Ivan!" Masayang sabi ni Vanessa.

"Huh? Talaga?! Pupunta na ko diyan ngayon na!" Binaba ko na ang tawag at lumabas agad ako ng kwarto. Hindi na ko nagpalit dahil excited akong makita ang gising na si Ivan.

Tinawag ko ang driver at nagpahatid sa ospital.

Matapos ang ilang minuto nakarating agad ako sa ospital. At tinakbo ko na ang room ni Ivan.

"Van!" Hingal kong sabi.

"Phia, gising na siya." Nakangiting sabi ni Van.

"Nasan siya?" Tanong ko. Tinuro siya ni Van.

Lumapit ako kay Ivan gamit ang maliliit na hakbang.

"Phi." Naiiyak ako.

Tumingin sakin si Ivan. Tinititigan niya ko gamit ang nalilitong ekspresyon.

"Who are you?" Takang tanong niya.

Huh? Joke ba to? Kung oo, hindi magandang biro. Nakakainis.

"S-stop this trick Phi. Hindi n-nakakat-tuwa." Naiiyak kong sabi.

Nairita siguro sa sinabi ko dahil napalitan ng galit na ekspresyon yung pinapakitanniya sakin.

"What?!" Irita niyang sabi. "Vanessa sino ba to?!" Sigaw niya sa kakambal.

Hindi niya ko kilala?

Mabilis na pumunta samin si Van kasama si Mikko. Marahil nag-alala sa pagsigaw ni Ivan.

"Siya si Phia, Ivan ano bang nangyayari sayo?" Gulong tanong ni Vanessa.

"V-van-nesa." Mahina kong tawag sa kaibigan.

"I don't know her." Madiin na sabi ni Ivan. "Sent her out."

Kausap ni Mikko at Van yung doctor habang ako nakikinig lang.

Hindi pa rin nawawala sa isip ko yung nangyari kanina. Bakit hindi niya ko maalala? Bakit hindi niya ko matandaan? Gulong gulo yun isip ko.

"Nagkaroon siya ng amnesia." Sabi ng doktor.

Amnesia?!

"Hindi natin masasabi kung gaano siya katagal hindi makakaalala pero--"

What?! Paano kami? Ako?

Hindi ko na mapigilan sumabat.

"What are you saying?! Amnesia?! Imposible!! Bakit ako lang ang hindi niya maalala?! Bakit natatandaan niya si Vanessa kung ganoon? Si Mikko naalala niya. Si tita. Bakit a-ako h-hindi" Naiiyak kong sigaw.

"Yung mga importanteng tao at detalye ng nangyari sakanya bago ang aksidente ang hindi niya maalala." Malungkot na saad ng doktor.

"Hindi ba importante ang kapatid niya sakanya? Bakit ako lang? Bakit sa lahat ng tao sa buhay niya, b-bakit ako p-pa?" Iyak kong sabi. Di ko na kaya.

Tinignan ako nang nakakaawang tingin ng doktor.

Hindi ko kailangan ng awa! Si Ivan. Siya ang kailangan ko. Bakit hindi niya ko kilala?!

"I'm sorry." Sabi ni dok.

"Phia I'm sorry pero kailangan namin pumuntang ibang bansa para mabilis na pagrecover ni Ivan." Malungkot na sabi ni tita.

"Pero bakit po kailangan pa sa ibang bansa? Hindi po ba pwede dito?" Pagod kong tanong. Naiiyak na ko. Hindi ko kaya. Nanghihina na ko sa lahay ng mga nangyayari.

"Phia I need to do this for Ivan. Please."

For Ivan.
For Ivan.

"May magagawa pa ba ko tita? Para po kay Ivan." Pilit akong ngumiti kay Tita Iva.

"Salamat Phia. Huwag kang mag-alala makakaalalacsi Ivan. Maalala ka niya. Wag kang mawalan ng pagasa. Huwag mong sukuan ang anak ko Phia. Intindihin mo sana ang sitwasyon niya ngayon." Pagmamakaawa ni tita.

Ngumiti ako. Totoong ngiti.

"Kahit kailan tita hindi ko po naisip na sukuan si Ivan. Mahal na mahal ko po siya." Sabi ko.

"Mahal na mahal ka din ng anak ko Phia. Sigurado ko dun. Hindi ka man naalala ng isip niya, ikaw pa rin naman ang nagiisa sa puso niya."

-

Hindi ko namalayan na umiyak na pala ko.

What did I do para mangyari to sakin. Minahal ko lang naman siya. Inantay ko siya. Pero bakit pagbalik niya may girlfriend na siya. Eto ba yung bunga ng pagsasakripisyo ko?

Nakakapagod.

Nakakapagod ng magantay kung alam mong walang kasiguraduhan kung makakaalala pa yung takng mahal mo.

Sapat na ba yung tatlong taong paghihintay? Kailangan na ba talaga sumuko na?

Pero bakit ganun? Kahit mahirap nakakaya ko pa din, hanggang ngayon kinakaya ko pa din.

Ganun ko nga siguro siya kamahal kaya mahirap kung susuko na lang basta.

Naalala ko yung mga salitang binitawan niya.

He promised me. Na ako lang. Antayin ko daw siya.

Ngumiti ako at nagpunas ng luha.

This will be worth it. He is worth it.

I'll get you Phillip Ivan Castillo. Kahit mahirap.

-

Sophia Aisha as Im Yoona 😁
Hi guys. Please vote and comment po. Thank you so much! ❤

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 20, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon