Chapter 2 - The past

16 0 2
                                    

Aisha's POV

"Psh. Kung alam mo lang." Sabi ko.

"Anong kung alam ko lang?" Tanong ni Ivan.

Tumingin ako sa kanya. Walang expresyong makikita sa mukha ko.

"Wala ka talagang alam." Sabi ko.

"Then ipaalam mo sakin." Ivan.

Nagtitigan kaming dalawa.

*kriiiiiiiiiiiing*

Savior! Mabilis kong inayos yung gamit ko para makaalis na.

Mabilis akong naglakad palabas ng room.

"Phi!" Malakas na sigaw ni Ivan na nakaagaw ng atensyon ng mga studyanteng pakalat kalat sa campus.

"Omaaaaaygad!"

"Sila na ulit?"

"Team Phi for the win!"

Bulungan ng mga studyanteng nakarinig ng sigaw ni Ivan.

Ako. Nagulat. May naalala na ba siya?

"Anong sinabi mo?" Gulat kong tanong.

Natahimik siya. Nagulat rin sa sinabi niya pero naging seryoso ulit.

"Ang sabi ko Phi." Sabi niya.

"N-nakakaalala k-ka na?" Utal kong tanong.

"Huh? Narinig kong tawag ni Mikko sayo kanina." Takang sabi niya.

So yun pala yon. Umasa ulit ako psh. Akala ko. Akala ko... pero wala pa naman siya nung tinawag ako ni Mikko na Phi ah.

"Its Aisha not Phi. Kung wala kang sasabihin aalis na ko dahil wala ko sa mood. Goodbye!" Sabay walkout.

Ugh!!!!! Nakakainis! Nakakainis!

Pagulong gulong ako sa kama.

Everyday ko nalang to ginagawa since last last week simula nung encounter namin ni Ivan.

Yes. Two weeks na ang nakakalipas simula ng bumalik sila galing Korea and two weeks na din ang nakaraan simula nung huli kaming mag-usap.

Oo tama kayo ng basa. Simula nung encounter namin hindi na niya ko kinausap. Ang sungit sungit pa sakin. Akala mo talaga may pake ako. Tss.

Pero may pake talaga ko. Nakakainis. Ano bang problema nun sakin. Wala naman akong ginagawa laging mainit ulo.

Tumayo na ko sa kama at bumaba para makapagbreakfast pero laking gulat ko pagbaba ko naka upo si Ivan sa sala.

Anong ginagawa nito dito?

"Hinatid ko si Vanessa." Sabi niya.

Nabasa niya kung anong nasa isip ko?

"Hindi. Halata sa mukha mo eh. Tss." Masungit na sabi niya. Eto na naman nagsusungit na naman.

"Eh bat ka pa nandito kung hinatid mo lang pala si Van? Diba dapat umalis ka na pagtapos mo siya ihatid?" Mataray ko tanong. Totoo naman diba?

"Tsss. Sungit." Sabi niya sabay alis.

Problema nun? Siya tong masungit eh. Yaan na nga.

Umupo ako sa chair para makakain na nang narinig ko yung mga boses ng dalawang panggulo sa buhay ko.

"Oh Aisha? Asan si Ivan?" Tanong ni Mikko.

"Umalis." Simpleng sagot ko.

"Huh? Bakit umalis? Inaantay ka nga nun eh." Takang sabi ni Van.

The PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon