"nagising nalang ako na parang may nakadagan sa tuhod ko"
''ba yan ! nagambala pa yung tulog ko ano ba naman kasi yung nakadagan sa tuhod ko !"
inis na bumangon si lyka dahil naabala ang kanyang pagkakatulog .. hinanap nalang nya ang kanyang cellphone para kunwari'y iyon ang dahil kung bakit sya bumangon ..
ngunit pagbangon nya'y wala siyang nakita na kahit na ano mang nakadagan sa kahit anong parte ng katawan ..
nagtataka man ay mas pinili nalang niyang bumalik sa pagkakatulog bago pa mawala ang kanyang antok may pasok pa siya mamayang madaling araw dahil isa siyang call center agent ..
8:00pm ..
bumangon si lyka ng mga oras na yun inis man dahil kulang sa tulog ay walasiyang magagawa dahil kailangan niyang pumasok para makaipon ng pera dahil malapit na naman ang katapusan at kailangan na naman niyang magbayad ng renta sa inuupahan nyang apartment .. call center agent naman siya kaya malaki ang kanyang kinikita ngunit hindi sapat iyon dahil mayroon siyang pinag aaral na pamangkin sa kolehiyo at isang kinder ang anak niya bukod pa dun siya din ang nagtutustos sa pangangailangan ng kanyang mga magulang kung kayat kahit na anong kayod ang gawin niya ay hindi siya nakakaipon pero masaya naman siya at nakakatulong siya at natutustusan niya ang pangangailangan ng mga mahal niya sa buhay .. kaya kailangan niyang mag pursige dahil bawat sentimo ay mahalaga bawat araw ay may katumbas na pera .....
agad naman siyang kumilos upang magluto ng babaunin nila ng mga katrabaho niya na kasama niya sa apartment na sina Angel, nica, at Keng .mamaya pa sana siya gigising dahil kulang pa talaga ang tulog niya kaya lang siya ang naka toka para sa baon nila ngayong araw na ito kaya't kailangan na talaga niyang kumilos .
bigla naman siyang nakarinig ng kalabog na parang may pinapatay o hinahampas na kung ano sa kabilang kwarto at nakita niya si keng na may pinapatay na ipis ...tinignan nya lamang iyo at inumpisahan na ang pagluluto adobo lang naman ang lulutuin niyakung kaya't maari na niyang isabay ang pagligo habang nipapalambot ang baboy .. at ganoon nga ang ginawa nya .. sakto naman paglabas niya ng banyo ay nakita niya si keng na may pinapatay na namang ipis sa kwarto nito at halata ang inis dito dahil mukhang hindi na ito makakabalik pa sa pagtulog ...agad naman niyang tinungo ang niluluto at inasikaso muna iyon bago tuluyang pumasok ng kwarto upang magbihis at mag ayos na para sapagpasok ..
habang nagbibihis ..
"baby!(sambit niya kay angel baby ang tawag niya dito dahil ito ang itinuturing nilang baby dahil ito ang pinakabata sa kanilang lahat) diba nagising ako kanina hinanap ko cellphone ko nagising ka din ba nun?"
"oo ate pano hinahawi mo yung binti ko ii tapos tatanung mopa sakin kung asan ee diba nicharge mo bago ka mag sleep"
"oo yun nga .. alam moba di naman talaga dapat ako babangon non ii ..
"eh bat bumangon ka ate ?
"pano kase may nakadantay sa may tuhod ko kanina may nakadagan ansakit tuloy ngayon ii tapos pag bangon ko wala naman akong nakitang nakadantay sakin ayun hinanap ko nalang phone ko tapos natulog nako ulit"
"baka naman nangawit lang massage mo nalang ate para di sumakit"
habang nag lalagay na ng make up si lyka ay bigla siyang napatingin sa may itaas ng pader nila napatitig sya dun ng matagal ng masiguro ang nakita nya saka niya ito sinabe sa kasama na si angel ..
"baby!baby! tignan mo ohhhhh .. may kamay dun sa pader hala naman !!!kanino yannnn .. "
agad naman tinignan ni angel yung sinasabe nya habang nakahiga pa din ito hawak ang kanyang cellphone ..
"hahahaha ! parang sira ii akin yan baliw "
"we?? sige nga tumayo ka tignan mo kung iyooo"
agad naman niyang tumayo at inabot ang kamay na nasa pader ngunit kinailangan niya pang tumingkayad para maabot ito so it means hindi iyon sa kanya mabilis naman siyang bumalik sa pagkakahiga at tumahimik na parang walang nangyare ..
"ohhhh diba hindi sayoooo .. baka yan yung kamay nung nakaapak sa tuhod ko kanina hala naman ii"
nagtataka man pero hindi na lamang pinansin ni angel si lyka sa sinambit nito ayaw na lamang niyang sang ayunan ang sinabe nito dahil ayaw na lamang niyang takutin pa ang kanyang sarili lalo pa't ang oras ng pasok nila ay ang sinasabe ng ilan na devils hour.....
A/N: hi guys goodevening .. gusto ko lang po sanang ishare sa inyo ang nangyaring ito kanina lang hahaha at dahil medyo shunga ko nadelete ko yung story na to na post kona kase to kanina aayusin ko lang sana ng konti then boom pag tingin ko wala na hahahahaha ok yun lang salamat sa mga magbabasa hihi labyahhh mwaaahhhh .. 😘