Part 2

1.6K 27 24
                                    

nagalit siya sakin kase ako yung mas maraming nasaboy na asin kanina kaya siguro ko nagkaganito"..





hindi naman porket kailangang kumita ng pera ay sobra kanang kakayod na halos wala ka ng oras para sa sarili mo para maglibang syempre kailangan mo din naman yun para kahit papano malibang ka kahit isang araw lang na walang iniisip na kahit na ano kundi ang mag saya ..






august 2016..

napagpasyahan ng team sprint na mag G.A sa isang lugar sa nasugbu batangas ng isang araw .. gusto kase nila kahit papano kahit isang araw lang wala silang iisipin na kahit na ano kundi ang magpakasaya at yun ang goal nila ..








madaling araw pa lang ay naghahanda na sila ng mga dadalhin nila at babaunin na pagkaen para sa gaganaping G.A. ng buong team .. lahat ay excited .. ang mga babae ay sama samang namili ng mga gagamitin nila pag magsswimming na sila ..  at ang mga lalaki naman ay silang nag asikaso sa mga gastusin sa mga dadahil pati sa pag arkila ng sasakyan naghanap sila ng mas mura para di masyadong mabigat sa bulsa ..

alas otso na ng umaga ng makarating sila sa naturang resort masyado ata silang napaaga dahil tirik na tirik masyado ang haring araw ngunit mas ok na daw iyon dahil mahaba haba pa ang kanilang araw isang araw na puro kaligayahan lang ang gagawin nila at kakalimutan lahat ng problema ..

naghanap sila ng hotel sa naturang lugar at dahil medyo liblib na duon sa lugar na iyon ng nasugbu ay wala silang choice kundi duon nalang tumuloy sa nakita nilang hotel dahil ito lang ang mas malapit ..ang hotel na iyon ay may kalakihan para lang siyang isang simpleng bahay na maraming kwarto ..kumuha sila ng dalawang magkatabing room dahil hindi sila kasya sa isa bukod ang boys and girls ....


pagpasok ng mga girls sa kanilang room ay agad naman itong nagsihiga sa kama . tnry iyon na parang mga bata na nagtatatalon doon at tuwang tuwa ..ng mapagod ay agad na nagsihiga at pumikit dahil para kahit papano ay maibsan ang kanilang pagod dahil sa kanilang ginawa ..

pagpasok naman ng mga boys sa room ng agad silang nagbaba ng gamit sa isang sulok at nagtanggal ng mga damit pang itaas at pantalon para magpalit ng mas komportableng damit para di masyadong mainitan .. inayos na din nila ang mga gamit at pagkaen para sa pamamalagi nila duon .. dun na nila ito lalagay sa kanilang kwarto dahil alam naman nila na ang mga babae ay madaming dalang gamit kaya masyadong masikip kung isisiksik pa ito dun..

girl's room ..

masayang nakaupo ang mga babae habang nagkkwentuhan ng biglang hinila ni angel ang bedsheet ng kama dahil kulang ng isa ang kumot sa loob ng kwarto nila ..ng may mapansin siyang nakasulat sa may laylayan nito na agad naman niyang binasa ..

HOSPITAL BEDSHEET

pinabasa nya din ito sa iba pang kasama at mabilsi na tinungo ang kabilang kwarto kung saan nanduon ang mga lalaki at agad na nagtanggal ng bedsheet sa isa sa mga kama duon at nakita nya na mayroon ding nakasulat dun ..

HOSPITAL BEDSHEET

"sooooo hospital pala to datiiiiii "  sabi ni angel

"ang creepy naman bat kaya ospital pa ang ginawang hotel ng mga taga dito ee diba nga pag hospital di maiiwasan na may mga namamatay na tao" saad naman ni jhon

"baka mamaya may mga kaluluwang ligaw pala dito wala naman sana"  natatakot na sabi ni lyka ..

"nako jhon tigilan mo nga yan creepy creepy ka jan mas nakakatakot pa nga yang itsura mo kesa sa multo ii hahaha"  sabay tawa ng malakas ni keng pero halata mong kinakabahan din ..

Mga bakasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon