Part 3

1K 19 2
                                    

kagaya dati .. nagambala na naman yung tulog ko ..


alas tres ng madaling araw ng maalimpungatan ako . nasisilaw kase ako sa liwanag na nangagaling sa ilaw sa labas ng kwarto .. bumangon ako para patayin at agad ding bumalik sa pagkakahiga . hindi naman alintana sakin kung madilim ang buong bahay kase mas nakakatulog ako ng madilim kesa maliwanag ..


halos nawawalan nako ng ulirat at binalot na talaga ko ng tinding antok ...

ayan na ..

konting konti nalang ..

tuluyan ng pipikit ang aking mga mata ..

💤💤💤💤💤💤💤

nakatulog nako ..

di pa halos lumalalim ang tulog ko ng bigla akong makaramdam ng mabigat sa may binti ko ..

inaalis ko un ginagalaw galaw ko ung binti ko para mawala ung bigat pero ayaw pa din ..

minabuti ko nalang na wag ng pansinin at pagpatuloy nalang ang aking pagtulog ..

ngunit habang tumatagal ..

mas lalong bumibigat ang ibabang parte ng binti ko ..

maya maya ay para nakong niyuyugyog na parang pilit ginigising sa aking mahimbing na pagkakatulog ..

simula mahina papalakas ang yugyog sa mga binti ko ng kung sino mang nilalang na pilit akong inaabala sa aking pagpapahinga ...

pinilit kong imulat ang aking mga mata ..

at sa aking pagmulat ..

agad kong nakita ..




ang isang anino na nakatayo sa may paanan ko kung saan patuloy pa din siya sa pagyugyog sa binti ko ..

mariin kong ipinikit ang aking mata at nagdasal ng mataimtim naisip ko na un na lamang ang maari kong gawin sa ganitong sitwasyon .. maya maya pa ay  unti unti ng nawala ang bigat sa aking binti kasabay ng dahan dahan kong  pagmulat ng aking mata ..


habol ang hininga at sobra ang kabog sa aking dibdib na aking nasambit ang mga salitang ..


Wala na .. wala na siya ..

Mga bakasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon