POV @AMELIA
Umuwi nako pagtapos ng klase. As usual sabay kami ni kuya kendrick.
Dumiretso ako sa kwarto ko. walakase akong gana kumaen. ewan ko ba. namimiss ko sila daddy at mommy, pati si bunsoy.
Pagtapos ko maligo natulog nako. Mga hapon na ko naggising. Ang boring ng life ko. Bumaba ako sisilipin ko sana si kuya at nakita kong nakabihis siya.
"San ka punta?" Tanong ko.
"Jan lang gigimik"
Aga gumimik naman neto.sabagay ang boring naman talaga.
"Ah okay" maikling sagot ko.
Dumiretso ako sa kusina at kumuha ng cake.
"Oh Amelia, Ano ang gusto mong kainin?" tanong sakin ni manang na nagluluto.
"Okay na po to manang. Diet po ako hehehehe"
"Osige iha. nagluto pala ako ng bacon" sabi niya.
Nagising diwa ko.
"Ay manang gutom po pala ako" Nakakaawang sabi ko tapos humawak pa sa tyan.
"Sabi ko na nga ba at di mo masisikmurang cake lang kainin mo eh" Asar niya naman saken tapos nagtawanan kami.
"Manang! Amelia alis nako" paalam ni kuya.
"Sige ingat" Sabay namin sabi ni manang.
"Manang sabayan niyo na po ako" aya ko sa kanya.
"Naku iha, kakakaen ko lang at busog pako"
"Sige po manang"
"Eatwell" Sabay bumalik na sa kusina.
Magisa lang akong kumaen. How sad :(
Pagtapos ko kumaen niligpit na ni manang ang lamesa tapos kinuha ang phone ko. Tinext ko si Cara.
to: Bestfriend kong baliw♥♥♥
'Bf. tara gala tayo ang boring sobraaaaaaaaa!~Message sent.
Maya maya pa ay nagreply na.
'Tara na! otw nako sainyo' reply niya.
Aktib talaga pag galaan tong isang to eh.
Naligo lang ako saglit. mga 10 mins. may nag doorbell.
~Dingdong
"DANTES" Sigaw ni cara.
Nagdoorbell pa siya. hahahahaha. natawa naman ako sa sinabe niya. Binuksan ko agad yung pinto.
"Tagal mo namang babae ka!" sigaw niya saken na nagaayos ng kilay.
"Teka lang! palibhasa yung sayo kahit di na ayusin"
"Naman!" mayabang na sagot nya.
"Naniwala ka naman?"asar ko sakanya.
"Ha-ha-ha very funny. bilisan mo na dyan at pag ako nainis sayo ako magdadrawing ako sa mukha mo tignan mo" Asar niya sken.
"Whatever you say pretty lady hahahahaha"
Binilisan ko na agad mag ayos.
Dalidali na kaming sumakay sa kotse. Dumating na kami sa mall."Girl san tayo kakaen?" si cara
"Saan kaya? i want lasagna eh" sagot ko.
"Greenwich nalang"
"Sige" pagsangayon ko sakanya.
Kumaen na kami sa greenwich at nagkwentuhan.
Habang naglalakad kami may pamilyar akong nakita.Si Zach may kasamang batang babae.
"Ayy Amelia diba classmate naten yun? may anak na pala siya?" tanong saken ni cara
"Oonga no. baka kapatid niya yan baliw!" depensa ko naman.
"No. Wala siyang kapatid. Dalawa lang sila nung nakaaway niya remember nung nasa canteen tayo"
"Ayy. Oo nga pala no. pano mo naman nalaman na magkapatid sila aber?"
"Haloooo! DAVIS brother! Taga pagmana ng Davis Hotel! Kilala yan silang dalawa no, model kaya yung kapatid niya. sino nga ba yun?"
"Si Ethan ata yun eh. pero seryoso? Kilala pala yan sila. ako lang pala hindi nakakakilala sakanila hahahaha" Natawa naman ako.
"Pano. Sikat ka den kase. hahahaha tara na ngamagshopping na tayo!" aya niya saken.
Andami namin pinamili. Mga dress and accesories. Kahit andame ko na nun. ugali ko na kaseng magcollect ng mga ganun.
Hinatid nako ni cara sa bahay. pagpasok ko. Antahimik. as usual. Dumiretso nalang ako sa kwarto ko at naligo.
Pagtapos ko maligo.
Natulog nako at may pasok na bukas.
6am.
#RING! RING! RING!
Naggising ako sa alarm kong napakalakas.
"ano ba naman yan! alarm naman makisama ka. di naman kita inaano diba? :( "
"Opo mam!" sagot ng alarm ko.
"Hala! bat ka nagsasalita!" waaaaah. bigla akong napabangon.
"HOY! AKO TO. Tanga mo talaga" si kuya lang pala.
"Oh baket ba kase! ano ba yan. akala ko pa naman nagsasalita na mga gamit ko walangjo naman"
"Buang kana tanga. bumangon ka na jan. papasok na tayo. pag ako nalate ng dahil sayo yare ka saken" galit na sabi niya.
"yeah yeah. whatever you say!'' sagot ko sabay pasok na sa cr.
^^FAST FORWARD~
Andito nako ngayon sa room. as always. earphones on. sobrang x kase ngayong araw. makatulog nga muna hanggat walang prof
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
RomanceMahirap isipin na nainlove ako sa maling tao sa mas maling panahon. pero kaya pa namang itama ang mali sa lahat diba?