Best Buddy

11 1 0
                                    

Sa buhay natin hindi mawawala ang isang tao na close friend mo, peru minsan kailangan mananatili lang itong kaibigan kasi pag pumasok kayo sa relasyon may posibilidad na hindi na kayo magpapansinan pag nagkahiwalay kayo. :)I'll make the story short nalang, kasi short lang naman talaga to :)

Isa itong kwento ng isang kaibigan kong babae :)
San Vicente Perrer Parish Chruch story :) (Pangalan ng church kung san kami lumaki)

Nung bata pako panay laro lang ako, umuuwi lang ako kapag nagugutom at naliligo.Wala akong gagawin sa bahay kundi maglalaro, peru di parin kuntento sa bahay kaya ayon tumatakas ako para makapaglaro sa labas.Isang araw may isang pari na umadopt sakin, actually di talaga adopt tawag dun e!Sadjang laking simbahan lang talaga ako, hanggang sa nakilala ko itong babaeng to.Anak sya ng isang trabahador sa simbahan non, pag wala kaming gagawin sa simbahan ginagawa naming playground yung buong simbahan.


(Di pa namin alam na bawal pala yun kasi nga simbahan yun dba? Peru bata pa kasi kami nun kaya sige lang ng sige :3)

Kahit dalawa lang kami non wala kaming problema sa isat isa! Sinabihan pa nga ako non dati baka daw ma bakla ako kasi babae daw yung kalaro ko. Hahaha di naman nangyari :) Tataguin ko sya sa pangalang 'xai' isa siya sa pinili kong maging bestfriend dati. Kasi nga kami lang yung magkakasundo. Pag sawa na kami mag laro sa loob ng simbahan lumalabas kami at nakipaglaro ng ibang mga bata dati, ang dami naming mga masasayang memories dati.Naglalaro kami ng bahay bahayan, tagotagoan at yung barbie² na yun hahahaha bakladish yung role ko palagi sa groupo.

May mga bagay talaga na hindi nabibili ng pera no? Kasi dati kahit wala kaming pera wala kaming gadgets nagiging masaya kami. Nagtatawanan at nag kukulitan! Peru hindi naman talaga namin maiwasang mag away² hanggang sa nag aaway tapos bati ulit hahaha parang mga siraulo kami² na nga lang nagkakaibigan nag aaway pa tas nag babati nanaman ulit. Umabot sa punto na nagtagal yung pagkakaibigan namin ni xai. Akala nga nila kami raw mag kakatuloyan kasi kami lang daw yung nagkakasundo. 9 years old ako nun ng sinabihan nila kami ng ganon, sympre bata pa kami nun tumatawa lang kami at sabay sabing. "Kaibigan lang kami we're bestfriends"

Naalala ko pa nga si xai may nakitang batang ibon, ano nga sa tagalog yun? ahh basta yun na yun hahaha (sorry bisaya kasi ako) tas inaalagaan namin yun.Hanggang sa namatay yun, umiiyak pa nga si xai haha ang kyut nong panahon na yun tsaka nilibing pa talaga namin at binigyan ng pangalan. Peru last name lang nilagay namin kasi yun lang alam namin pwedeng ilagay kasi nga mga bata pa kami. Naalala ko dati tatlo kaming nag libing non, nilagyan namin ng " RIP barig" Hahaha imbis na baring naging barig. Nakakatuwang balikan ang dating wala pag gadgets kesa ngayon :)Kahit wala kaming cellphone dati, walang relo sa kamay namin. Peru nagtatagpuan kami ng isang lugar na kung saan kami lang mga magkakaibigan nakaka alam, at kahit walang oras kaming sinasabi nagkakasabay din kaming dadating dun! Ganda no? Maganda talaga dati. Tuloy² na sana yung kasiyahan, kaso may masamang ending din pala.Akala ko dati di na yun matatapos, hahaha akala nga naman oh :)

Hanggang sa dumating sa napakalunggot na panahon, kulang na yung tropa namin!Nawalan kami ng isa peru hindi sya namatay, lumipat lang ata kasi nga kailangan naming mag'aral di naman pwedeng bata nalang kami palagi. Ayon si xai nawala sa tropa namin, nung una natanong ko sa sarili ko.Bakit kaya sa mundo walang permanente? Samantalang permanente naman yung panginoon natin :) (batang tanong)

Lumipas ang ilang months and years lumaki na kami at may kanya² nang mga bagong kaibigan at bisyo sa sarili, nagkita kami ulit ni xai sa simbahan kung saan pareho kaming lumaki. :)Ang iba na nya, ang ganda² na! Dati isang pasaway na babae at tomboy(boyish) lang ngayon parang di ko na mareach nung una di kami nagpansinan at panay tanong sa magulang namin.

Ako: Ma? Si xai yun? Ang laki na nya no? Tas ang ganda pa nya Mama: Oo. Anak nga yun ng kuya pido mo.Ako: Aw talaga? Deym shes so hot hahahaha ang ganda na ng kaibigan ko no? 
At her side. (My Opinion)

Xai: Pa? Si anton yun?
Pido: Oo.
Xai: Aw ngee, ang liit nya parin hahahahaha :)
Pido: Wag kang ganyan nak haha :)

Kaya ayon walang pansinan kasi nga parang awkward kasi dba? Ilang years kayo di nagkikita tsaka ang dami nang nagbago :)Peru di rin naman nag tagal nag 'friend request' sya sakin sa fb. At dun nabigyan kami ng panahon para mag usap, haha social media nga naman. ;) Ang saya ko nun kasi di pa rin pala sya nag babago ganon parin pala nandon parin ang dating si xai. Ang dating kaibigan kong kasabay maglaro ng kahit anong gusto namin wahahahahaha.Ending na yata to wala na kasi akong masabi. Masaya ako at naging friend kami kaya nga lang minsan nagsisisi ako kung bakit ba kasi kailangan pang umalis di sana ganon parin yung trato namin sa isat isa hanggang ngayon =,= kahit man lang kaibigan lang :)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 26, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Best buddyWhere stories live. Discover now