Iyon na 'yung huling beses na nagkita kami. Pagkatapos nun, hindi na rin ako nakatanggap ng kahit anong text mula sa kanya. Wala rin naman akong lakas ng loob na mag-text sa kanya.hin Wala na akong maalala sa mga nangyari nung gabi na iyon, pagkatapos ko siyang balikan sa CR nun. Hindi ko alam kung anong mukha ihaharap ko sa kanya.
Sakto naman dahil away-bati rin 'yung mag-jowa sa buong dalawang taon nilang pagsasama. Pero ito, hanggang ngayon sila pa rin naman. Nag-college na rin kasi kami, kaya hindi na masyadong nakakasama sa mga inuman nila.
Kung magkikita man kami nina Donnalyn, 'yung pang-amin na bonding na lang. Isasama niya lang minsan si Karlo, kaya lang kami naa-update sa mga buhay-buhay nila.
*Brrrt... Brrrt...*
Napatingin ako sa nagba-vibrate kong phone. Hindi inaasahan na si Keeno pala 'yung nag-text.
Good pm!
Patulong naman ako, friends.
Sinong may kilalang nagbebenta
ng pug or chinese sharpei
or pomenarian na aso?
Patulong naman, salamat!Nag-gm lang pala. Birthday niya talaga kahapon, eh. Binati ko naman siya sa Facebook, kaso hindi niya naman pinansin. Ni hindi man lang ni-like, eh. May pagka-suplado pa rin siguro. Ganda-ganda pa naman ng bati ko sa kanya, tapos hindi niya pinansin. Pagtripan ko kaya?
Pibertday!
Kahapon pa ah?
Di ka pumunta sa tambayan :(
Thanks pa rin.
Kala ko hindi ka na babati.Luh? Di mo rin naman
pinansin yung bati ko kahapon.Sa Facebook ba?
Di ko pinansin lahat ng bati,
kailangan kapag pinansin isa,
pansinin na lahat
dahil baka may magtampo.
>:D<Ang sabihin mo, either tinatamad ka lang talaga. O talagang nag-iingat ka, dahil sa dami ng nilalandi mo... marami talaga ang magtatampo.
Pero teka, para saan 'yung hug emoticon? Medyo nanlaki mata ko doon ah. Hindi ko kasi sigurado kung namamalik-mata lang ako.
Wow, hirap na hirap
sa pagiging pogi.
Eh bat naka >:D< ka diyan?#Pogiproblems. :D
Namiss kita eh!Napatigil ako nung nakita ko 'yung huling linya sa message niya. Namiss daw ako? Nantitrip din yata ito eh? Aba, natuto na siya? Pero s'yempre, kailangan i-compose ang sarili. Kalma lang, kunyari hindi kinikilig.
Pogi problems na naman.
Utut mo!HAHAHAHA
Joke lang, 'to naman. :(BOOM! Eh joke lang naman pala na namiss niya ako eh? Bwisit naman oh, sayang yung ilang kilig ko doon ah? Akala ko pa naman mapapaabot ko hanggang next week 'yung kilig ko.
Ah okay.
Bat pala kailangan mo ng aso?
Ayaw mo na
sa babaeng tao ngayon?HAHAHAHA
Baliw ka talaga, tropa. :D
Hindi ka pa rin nagbabago.
Kailangan lang ng kaibigan ko.Ah ganon?
So 'yung kaibigan mo,
ang may gusto sa aso?
Wag kamo siya mahiya,
kanya-kanyang fetish lang 'yan.
BINABASA MO ANG
PLUG END (Completed)
RomanceSa ilang beses na nagkagusto ka sa isang tao, ilang beses nangyari na gusto ka nung taong gusto mo? Suwerte silang nagkagusto sa taong gusto rin sila. Pero mas madalas mangyari 'yung sinasabi sa kanta: "Kung sino pang pinilo mo, siyang 'di makuha na...