Chapater 1: Love at first sight

10.8K 177 37
                                    

I'm Patricia Alexandra Z. Hood mabait,maganda daw, payatot,
at matalino. Grade 9 na ako ngayon junior.
So ikwekwento ko sa inyo ang story namin nung crush kong Si Ashton P. Hernandez senior na siya ngayon so that means grade 10 na siya.




Flashback muna tayo nung first time naming nagkita.

So first day of school namen last year which is Grade 8 ako.

My POV:
Shet may dumaan sa harap namin ng bestfriend ko na pogi, we're sure na tranferee siya dahil ngayon lang namin siya nakita sa campus.

"Grabe bes ano kayang grade siya?" Kate asked. My bestfriend na galgal, maganda at morena.

"Oo nga bes ang gwapooooo,na love at first sight na ko bes" sabi ko habang nakitingin parin kay kuyang pogi.

*bell rings*

"Tara na pumila bes flag ceremony na para rin makita natin kung anong grade at section siya" kireng kireng sinabi ni Kate, habng hila hila ang kamay ko pababa ng field.

Habang nakapila kame sa field hinanap namin kung saan nakapilang grade si kuyang pogi.

"Bes ayun siya! Grade 9!" Pabulong kong sinigaw kay bes (gulo no?)

"Ay oo nga bes! Tara magpalakad tayo kay Kuya Vince" sabi ni bes.

Si Vince kasi ay isa sa mga close kong lalaki sa Grade 9, bes rin tawag ko sa kanya.

"Aba bes mahiya ka nga hahaha" sabi ko sa kanya.

Pinataas na kame sa kanya kanyang classroom. As usual nagpakilala lang kami sa isa't isa kase nga first day of school.

"Okay class I'm your adviser Ms.Karen Gutierrez. Please introduce yourself in front. Starting from you" *sabay turo saken kase sa harapan ako nakaupo, well nandun kase ang aircon haha*

"I'm Patricia Alexandra Z. Hood, 13 years old"

After kong magpakilala si bes naman yung sunod kasi katabi ko siya nun.

"I'm Katherine Phoebe F. Bonifacio, 13 years old"

So ayun nga nag pakilala lang kame sa unahan lahat. Tatlo lang naman kase yung transferee samen kaya sila lang yung pinakinggan kong magpakilala.

Excited na ko magbell dahil makikita ko na si kuyang pogi.

*bell rings"

"Bes! Tara na magreccess para makita na natin siya!" Sigaw ni bes saken.

"Hindi pa naman nila recess eh" sagot nung isa kong classmate, si James.

"Ay, oo nga pala hindi natin sila kasabay magbreak." sabi ko.

So ayun bumili na kami sa canteen at kumain sa room namen.

"Bes alam ko na! Silipin nalang natin sa room nila!" sabi ni bes.

Pumunta kame sa gilid ng room nila, meron kasi doong maliit na bintana.

"Bes ikaw ang sumilip" utos ni kate saken.

"Sige bes shettt"

*sumilip* pagkasilip ko dun sa maliit nilang bintana ay mukang muka ni kuyang pogi ang nakita ko, nakangiti siya. Grabe yung bilis ng tibok ng puso ko grabe. Nagulat talaga ako mukang muka niya kitang kita ko at kitang kita niya rin ako. Kabadong kabado ako. So binatukan ko si bes.

"Bes!!!! Nakasilip siya! Grabe kakahiyaaaaaaa ang gwapo niya pero kakahiya talaga, ano nalang iisipin niya? Grabee"

"OA mo bes ha!! Gusto mo rin naman yan hahahaha"

Tumawa lang kame ng tumawa hanggang sa nagbell na.

-----------------------------------

A/N:

First time kong gumawa ng story kaya sorry kung corny or panget hahahah I'm sure magiimprove naman yan :)

BTW totoo po itong nangyare sakin. Irl po talaga hahah.

Happy Reading Guys! :)

Ang Crush kong PAASATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon