chapter 5

113 4 1
                                        

marge's POV

2 months na ang nakalilipas simula nung nangyari ang bagay na yun.. at masasabi kong bumalik ang dating ako, ang dating marge tejada na masayahain, thoughtful, makulit, pasaway at matakaw at dahil iyon sakanya... naging makulay ulit ang buhay ko simula nung araw na sinabi nyang mahal nya ako, at mas lalo pa iyon nung lumipat sya sa bahay ko, kaya ngayon ay para na kaming mag asawang naninirahan sa iisang bubong. hatid sundo ko sya sa kanyang trabaho. ang kulang na nga lang ay ikasal kami at magkaanak, pero alam kong maaga pa para dun kaya hihintayin ko nlang sya, dahil alam kong hindi pa rin sya handa. tsaka ang saya kayang maging maggfs. sa kasalukuyan ay kakatapos ko palang magluto ng breakfast habang ang misis ko naman ay nasa taad at natutulog pa rin... Heheh hanggang ngayon ay kinikilig pa rin ako habang naiisip ko yung misis thingy.... Siguro nga inlove na inlove na talaga ako sakanya.... Sino nga ba ang hindi? Isang anghel ang meron ako at ang masaya pa ay mahal din nya ako.. o di ba? San ka pa ba?
Nilapag ko na ang pagkaing niluto ko para sa breakfast namin. Simpleng hotdogs, fried rice, eggs, at pancakes ang niluto ko. I added some fresh brewed hot coffee and condensed milk para na rin sa morning energizer namin. After i prepared all of it ay aakyat na sana ako para gisingin sya nang biglang nagring ang doorbell so i went down again para nuksan kung sino ito.. baka si Den at Aly lang, usual routine nila pag Saturday na pumunta dito para bisitahin ang besh nila. Pagbukas ko ay biglang umiba ang ihip ng hangi. Ang maganda kong mga ngiti ngayon ay parang nawala na parang bula... Biglang rumihistro ang galit at sakit at pagkacold sa mga mata ko. Bigla nya akong sinunggaban ng yakap.

???: " I miss you so much hon. I've been looking for you everywhere, dito lang pala kita makikita." Hindi ako nakapagreact, naggulat kasi ako. Humiwalay sya sa pagkakayakap nya sakin at hinaplos ang pisngi ko. Nakita ko ang pagkamiss nya sakin. She kissed me gently na ikinagulat ko naman pero hindi ko alam sa sarili ko kung bakit hindi ko sya kayang pigilan. Napapikit ako pero sa pagpikit kong iyon ay malungkot na mukha ni Ella ang tumambad sakin, na ikinaguilty ko kaya Agad ko syang itinulak mula sakin.

Marge: " Ano pa bang ginagawa mo dito?"

???: "Marge, ako to. Si jirah, ang asawa mo."

Marge: " after all these years, may gana ka ang magpakita sakin at magpakilalang asawa ko? Baka nakakalimutan mo na ikaw ang unang bumitaw at tumapos sa pagiging mag-asawa natin, you left me with just a piece of paper na nagsasabi na ayaw mo na dahil mas mahal mo yung gago mong ex tapos ngayon magpapakita ka sakin at may gana ka pang tawaging asawa mo ako?!" Galit kong sabi.

Jirah: " hindi mo kasi alam kong anong nangyari sakin Marge, i did it for you."

Marge: " no Jirah, you did it for yourself. Ginawa mo ang bagay na yun dahil makasarili ka."

Jirah: "you didnt know the reason why i did that Marge, alam mo naman na hindi ko kayang gawin yun sayo. I love you enough para hindi ko gawin ang bagay na yun..."

Marge: "but unfortunately, you did. Noon, inakala ko rin na hindi mo maggagawa ang bagay na yun sakin, pero after that ay hindi ko na alam kung dapat pa ba akong maniwala sa sarili ko na kilala pa kita. I dont know you anymore Jirah, at hindi ko kasalanan ang bagay na yun. Sabihin mo nga sakin ano talaga ang rason kung bakit mo ginawa ang bagay na yun sakin? Ginawa ko naman ang lahat para sayo ah? Nagkulang pa ba ako sa pagbibigay sayo ng lahat? Kulang pa ba ang pagmamahal na binigay ko sayo, ayy! Oo nga pala, kahit ano pa nga palang gawin ko ay hindi pa ako sapat dahil pareho tayong babae, i cant give you a child or i cant make you bear a child in your womb, dahil hindi ako LALAKI!!" Galit na galit kong sabi.

Jirah: " hindi issue para sakin ang hindi mo ako mabigyan ng anak Marge, hindi ikaw ang nagkulang kundi ako... Gusto ko mang sabihin sayo pero hindi na mahalaga ang bagay na yun."

Let Me Go (MargElla)Where stories live. Discover now