Chapter 9

87 4 0
                                        

Marge's POV

Isang buwan na ang lumipas nang magdesisyon si Ella na maghiwalay na kami. At hanggang ngayon ay masakit pa rin. Mahal ko eh. Pero baka nga kailangan naming maggrow individually. Baka nga kailangan nya to, at baka nga kailangan ko rin ito. 2 weeks akong nagpakawasted sa condo ko bago ko narealize na hindi ito ang gusto ni Ella na mangyari sakin. Kaya masakit man ay pinilit ko pa rin tumayo sa sarili kong mga paa.

Alam kong iniiwasan nya ako dahil kapag may get together ang barkada ay palaging wala ito. Sa meeting din ng company na naging magkasosyo kami ay si Jia ang syang umaattend at hindi sya. I wanted to ask Jia how was she, pero pinigilan ko ang sarili ko.

Napatingin ako sa phone ko. Maybe it's time na rin. Agad kong dinial ang number nito at ilang rings lang ay sinagot naman nya ito.

Marge: "Let's meet at 3pm. Sa dating gawi." Sabi ko at agad na inend ang call without bothering to hear her reply. Napasandal ako sa swivel chair ko at huminga ng malalim. I can do this. Pinagpatuloy ko ang ginagawa ko. Nung mag ti 3 na ay tumayo na ako at kinuha ang coat ko at gamit ko para pumunta sa lugar kung saan una kaming nagkita. Pagdating ko ay wala pa sya, kaya umupo muna ako sa may damuhan habang pinapanood ang mga athletes na naglalaro at ang iba ay nagwawarm up. Ilang minuto din ay dumating na sya.

???: "Pasensya na ngayon lang ako."

Marge: "It's fine." Naramdaman kong umupo sya sa tabi ko pero may tamang distansya pa rin naman.

???: "Bakit mo nga pala ako pinapunta dito?"

Marge: "I'm here para pakinggan ang explanations mo."

Jirah: "Did that De Jesus told you to?" napatango naman ako.

Marge: "But I cannot promise you anything."

Jirah: "I know. I'm not expecting anything naman. First of all, I wanted to say sorry for all those years na sinaktan kita."

Marge: "bakit nga ba Jirah? Bakit mo nga ba ako hinayaang masaktan?" may pait kong tanong sakanya.

Jirah: "It was unintentional Marge, nagipit lang din kasi ako. I was losing my mind that time dahil hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin." Agad akong napatingin sakanya nung sabihin nya iyon. And I saw her crying.

Marge: "Anong ibig mong sabihin?"

Jirah: "Si Rex. He can't believe na pinagpalit ko sya sayo. It hurts his ego daw and he became so obsessed with me. After our honeymoon that time, doon nagsimula ang threats na natatanggap ko sakanya. Pinapadalhan nya ako ng mga litrato kung saan may nakatutok na sniper sayo habang nasa office ka pati na rin ang pamilya ko at pamilya mo at pinagbabantaan nya din. The only thing that he wants is me. I don't want to leave you but I'm scared na kapag hindi ko ginawa ang gusto nya ay sasaktan niya kayo. And it's the last thing that I wanted to happen kaya pinili ko nalang na ako nalang ang magdusa at kamuhian nyo ako para at least ligtas kayo."

Nanginginig naman ang katawan ko dahil sa galit na nararamdaman ko sa sinabi nya.

Jirah: "It is the reason why I can't come to you. Dinala nya ako sa ibang bansa. Ilang beses nya na akong muntikang mapatay dahil sa selos nya kapag may nakakausap akong iba. Kinulong nya ako sa bahay at tanging sya lang ang pwedeng makalabas. Hindi ako makahingi ng tulong dahil walang telepono o cellphone ang naroroon. Minsan kinakadena nya ako kapag di ko sinusunod ang gusto nya. Puno ako ng pagsisisi at lungkot dahil alam kong kinakamuhian nyo na ako but I will just say to myself, it's fine. It's all fine basta okay lang kayo. Basta ligtas lang kayo." Umiiyak nyang sabi. And I can't do anything but to hug her.

All this hate na naramdaman ko, hindi pala dapat kasi sa huli ako lang din pala ang kanyang iniisip. I hate myself from hating her.

Marge: "I'm sorry. I didn't know. Kung alam ko lang sana, sana may ginawa na ako para sayo."

Jirah: "Wala kang kasalanan Marge."

Marge: "Pero ngayon nasan na yung walanghiya na yun?"

Jirah: "Isang gabi, umuwi si Rex na lasing na lasing at katulad ng ginagawa nya ay pinagsamantalahan nya ulit ako. Iyak lang ako ng iyak noon. Hanggang sa makatulog sya noon. Yung susi ng bahay ay nasa pants lang nya kaya ang ginawa ko ay nakaisip akong tumakas. It was a small chance na makakatakas ako that time dahil everytime na may balak ako ay palagi nya akong nahuhuli, at hindi ako nagkamali. He was so mad at me na halos patayin nya na ako not until may biglang dumating na mga pulis at agad na inaresto si Rex. Pero dahil sa pagmamatigas nitong sumuko ay nakipagpalitan ito ng bala sa mga pulis na agad nyang ikinamatay."

Marge: "He deserved it."

Jirah: "Pwede na ulit tayong magsama. After all those years Marge, ikaw pa rin ang tinitibok ng puso ko." At unti-unting nawawala ang espasyo sa aming dalawa. At di din nagtagal ay naglapat ang mga labi naming sa isa't isa. Isang puno ng emosyon at mapanabik na halik ang pinagsaluhan namin. Pero biglang pumasok sa isip ang imahe ni Ella kaya agad ko syang tinulak.

Marge: "I'm sorry Jirah, pero mali to."

Jirah: "Marge..."

Marge: "Aaminin kong masaya akong bumalik ka at tama lang na sinabi ni Ella sakin na pakinggan ko ang explanation mo dahil wala ka naman talagang kasalanan. Jirah minahal kita alam mo yan. Sobrang mahal kita na halos araw-araw akong nagdurusa nung mga panahong iniwan mo ako. Pero noon yun. Nung mga panahong lugmok ako, doon ko na kilala si Ella, and she makes me feel happy. She fixed my heart that you broke. At aaminin kong mas mahal ko sya Jirah. This conversation of us, makes me realized na mahal kita pero mas mahal ko sya at hindi ko sya kayang mawala sakin." mahabang katahimikan ang namagitan saamin pagkatapos nun hanggang sa dahan-dahan itong tumango at pinunasan ang kanyang mga luha.

Jirah: "I know. I can see it in your eyes. I admit my defeat. I just thought na may mababalikan pa ako kaya nagbakasakali lang ako. But it's fine, hindi din naman kasi kita masisisi dahil matagal akong nawala at nasaktan kita..." nakaramdam ako ng sakit sa sinabi nya. Eventhough she did hurt me, pero di ko ring maipagkakailang masaktan.. sino bang hind? She's still part of my life, minahal ko sya at naging partner ko sa buhay.

Marge: "I'm sorry."

 Jirah: "No, dont be. But can we just atleast be friends?... I understand kung ayaw mo.. I was just... Ikaw nalang ang meron ako and..." agad ko naman syang nilapitan at hinawakan ang magkabilang balikat nito.

Marge: "Hey... Oo naman, ikaw pa rin naman ang bestfriend ko... at di magbabago yun." Ngumiti naman sya.

Jirah: "Thank you for forgiving me Marge. Isa ito sa pinapangarap ko ang mapatawad ako. You know, after kong sugurin si Ella and threat her, nakipagkita sya sakin. I thought balak nya akong kutyain or labanan para sayo, but that's not what happened." 

Marge: "What do you mean?"

Jirah: "Pinuntahan nya ako sa hotel na tinutuluyan ko ngayon. Surprisingly, di ko akalain na alam nya kung nasaan ako. She said that she wants to talk to me and ask me out to eat dinner."

Marge: "What happened after that?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 25, 2024 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Let Me Go (MargElla)Where stories live. Discover now