-Yanna-
"Sya na naman ba?" napalingon ako sa nagsabi nun.
"Ikaw pala Rhez"
Umupo sya sa tabi ko.
"Sya na naman iniisip mo ano?"
Napabuntong-hininga ako sa tanong niya.
"Hanggang ngayon sya parin? Ibang klase ka Yan. Kung kalimutan mo nalang kaya sya? Kung talagang gusto ka non, maghahanap yun ng paraan para matawagan o matext ka man lang. May number mo yun diba? Pero ano? Wala. Kahit isang text man lang na " Hi kumusta kana?" wala eh. Yan, three year's kanang naghihintay. No, three and a half. Wala parin. Kalimutan mo na sya okay? Nagsasayang ka lang ng oras eh. Ang dami mong suitors pero yung taong ilang beses mo lang nakasama, yun pa yung pinili mong hintayin. Ang labo pa ng chance na magkita kayo ulit. Haynaku. Ang sakit sa ulo."
Napapailing na sabi niya. Di ako umimik. Tama si Rhez. Ilang taon na akong naghihintay pero wala parin. Kahit anino man lang niya di ko na nakita. Yohan? Asan ka naba? Napapagod na kasi ako.
***
That's for today.Read. Vote. Comment. Share
-Yhuna