Chapter 4
Mavis PoV.
Wew... monday.
Monday...
Mondaay...
Mondaaay...
A very unusual monday for me. Puyat at stressed.
Paano ba naman eh di ako nakatulog kagabi. Bakit? Tanungin nyo yung si David. Andito ako ngayon sa cr, tulala habang naliligo. Magsisimula na sana akong mag sabon ng katawan ng bigla kong naisip na mayroon pala kaming report ni Archie ngayon. Nagmadali agad akong kumilos at nagbihis na. Pababa na sana ako ng naisipan kong gisingin si David na nasa kama ko.
Oo. Nasa kama ko. Eh kasi ayaw nya sa guest room, takot daw. Neknek nya. Ako talaga pinagloloko ng taeng yun haha."Hoy kutong lupa, gumising kana!" Sabi ko tas hinawi ko yung kumot.
May goodness. Wrong move. Buhay si David Junior.
"Maya na... 2 minutes..."sabi nya habang kinukusot yung mata nya.
Di ko alam pero titig na titig ako dun sa ibaba nya.
"Malaki ba?" Sabi nya while smiling. No, it was more like a smirk.
"D..di kaya. Mas ano yung akin." Bwiset. The heck am i stuttering. Agad kong inalis ang tingin ko sa kanya at nag kunwaring may kukunin sa drawer.
"Yaaaaawwn* good morning Mavis." Sabi nya.
"Oo na, good morning na din."
"Ay galit, haha."
"Di ako galit. Stressed lang. Tas ngayon malelate pa dahil sayo."
"Eto na po. Maliligo na pooo." Sabay pasok nya sa cr.
After a few minutes, bumaba na sya papuntang kitchen para kumain. Nauna na akong bumaba at baka ano pang ka echosan akong makita. Kota na ako sa nakita ko kanina.
"Good morning kuya David." Sabay ngiti ni chantal.
"Morning. Anung ulam?" Tanong ni David.
"Mag-sasandwich nalang po ako manang. Late na ako." Oo, nagmamadali ako.
"Uyy kain tayo oh." Pagyayaya ni David.
"Late na kasi ako. May mga important matters pa akong gagawin sa school." Paliwanag ko. "Thanks manang, una na ako."
Pumasok na ako sa kotse ko. I make sure na nadala ko na yung mga kinakailangan para sa report namin mamaya ni Archie.
"Sabay na ako" sigaw ni David tas pumasok narin sa kotse.
"Di naman kailangan sumigaw diba" i said with a stubborned tone.
"Weeew galit kaba Mavs?"
"Di nga ako galit diba. I told you Im stressed, puyat, at nagmamadali. At magagalit na ako pag magtatanong kapa ulit." I shouted angrily.
"Oookaaay..." sabay tingin nya sa labas ng window.
20 minutes ang biyahe mula sa amin sa Lahug papunta ng UNIVERSITY. At tahimik lang sya sa buong biyahe. Na gi-guilty ako dahil parang nanlumo sya ng masigawan ko.
Pagkatapos kong mag park ay lumabas agad sya ng kotse. Ako naman dumiretso sa trunk para kunin yung laptop at kung ano pang chu-chu's.
Ay nang-iwan si koya. Kausapin ko kaya. Ay nevermind, mamaya okay nayun.
●Sa Room●
Haaay. Natapos din ang aming report para sa club namin ni Archie. First subject namin yun ginawa kaya yun medyo nakakapagod dahil keaga-aga eh piga na utak.
Saan na kaya si David. Kakamiss din yung mokong ah.
2nd subject na namin. Fundamentals of Music. At yes aawit kami.
"Class, may bago tayong esstudent. So lets welcome him. At dahil bago sya, siya narin ang mauuna sa ating activity ngayon." Sabi ni Maam.
Di na ako nagulat na si David yun. Haha nasabi na nya kasi na pareho kami ng course. BSEd-Mapeh kami pero more focused ang load namin sa Music part lang. Kapagod kaya yung physical education haha. #Tamad
"Uhhh... my name is David Ren Agustin. 19. Single..." at nag sigawan ang mga girls. Yep, aaminin ko na ang gwapo nya. Malayo dun sa damulag 15 years ago.
"...at yun lang" then he proceed to his chair sa likod.
Di sya umupo agad. Kinaladkad niya yung armchair at tumabi sakin, umupo the gave me a wide smile.
"Hi Mavs!"David's POV
Nilibot ng mga mata ko an silid. Tama ba yung course na kinuha ko. Seeesh. Nag pakilala na ako sa mga bagong classmates ko at di ko parin tinigil ang paghahanap. Minsan nga kumikindat yung mga babae at yung 2 beki ng magtama yung paningin ko sa kanila. Kinilabutan ako. Well, umiibig nga ako sa kapwa lalake pero di naman effimate or malamya si Mavs ah. I dont have an issue with crossdressers or mga malamya. Theyre just not of my prefference.
Yun nakita ko rin siya. Akala ko di kami same ng block ni Mavis.
Anlayo naman ng upuan ko sakanya. Tss problema bayun. Edi tatabi ako. "Hi Mavs!" Nginitian ko sya ng todo. Di ko kasi kayang mag tampururut sa kanya whahaha.
"Uhh... Mr. Agustin? Oh well then, if thats where you preffer to sit then maybe its okay." Sabi ni maam. Weew buti naman.
"Mr. Agustin, you will be the first to sing for us today since its our first Music Meeting."
Nyaa!? Ako. Di ako ready. Ehem-ehem. Cge na nga.
Hiniram ko yung gitara ng isang kakaklase kong babae. Agad naman binigay. May crush ata sakin. Tss gwapo ko talaga.
Uhm ano kaya ang kakantahin ko. After a minute, I strummed the guitar. Bahala na.
I wanna know whats on your mind.
Baby can you tell me, we are such a mystery.
I saw you liking all those pics, hangin with that other chicks
And i cant take this no moreBaby can you tell me how you feel in the way i feel when im with
You.Baby what you get is what you get, talk to me say what it is. Nobody' better by your side than me.
Baby what you see is what you get, talk to me forget the rest. Nobody's better by your side than me.Please dont take me lightly, like the way you like me...
I just closed my eyes and song with all my heart'n soul.
The moment i was about to ended the song, i slowly opened my eyes an saw Mavis stared at me smiling.
I sung the last few words looking deep at him.
Nobody's better by your side than me.
I think he felt awkward with that much eye contact at nilipat ang attention nya kay Archie na nakatingin sa kanya. Just look at those sweet exchange of smiles.
F*ck.
Ano to? Selos? Mas gwapo naman ako Mavs ah.
I hate this feeling.
Not cool.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Well, dat song was Nobody's better by Z feat. Fetty Wap.
Just think of it na kinanta nya yung mala-acoustic style haha. Tsaka di rin ako sure kung yan ba talaga ang correct lyrics.
Medyomaiklibaangchapter, wellcommentnyoyunmgakailanganiimprovedahiliacceptcritismcauseimmanewbie.
-Ciao.
Vote.

BINABASA MO ANG
This Dude (BoyXBoy)
RomanceThis is a story created by the wild imagination of the writer. Any part of this book chuchubells are not to be photocopy or basta kunin at gayahin okay... copyright teh. (A.N*:)Ito po ang pinaka unang story na ilalagay ko sa wattpad. Eh kasi marami...