"Anak bumangon ka na diyan at malapit na magsisimula ang klase mo." Pangigising sakin ni Manang, kasambahay namin simula pagkabata ko pero tunuturing ko na rin siyang parang ina dahil siya na rin ang nag alaga sakin simula't pinanganak ako, bata palamang si Mom nang magsimula siyang mamasukan kina lola."Opo manang, maliligo na!" Sigaw ko dahil nasa labas siya ng aking kwarto at baka hindi niya ako maririnig.
"Sige nak, ihahanda ko lang pagkain mo sa baba." Sagot niya at narining kong bumababa siya nang hagdan. Nagsimula na akong maghanda at after 30 mins na tapus na akong maligo at mag bihis. Inayus ko akong aking buhok, nag powder at naglagay ng kaunting liptint.
"Oh ba't di ka naka suot ng uniporme?" Tanong ni manang sakin pag kababa ko.
"Hindi pa naman kami required mag uniform kaya mabuti na tong makapag awra ako nang kahit kunti manang hehehe." Biro ko sa kanya, sayang naman ang pagkakataon kapag di ko sinuot ang ibang damit ko. At isa pa masyadong mapanglait yung crush ko ayoko naman mag mukhang basahan noh lalo na't andoon yung makating higid na laging naka buntot sa kanya tsk.
"Ikaw talagang bata ka ang dami mong alam."
"Bagay naman din naman po sa akin hindi ba?"
"Aba'y oo naman, kamukhang kamukha mo nga ang mommy mo nung dalaga pa siya. Umupo ka na rito at kumain ka na malelate ka na niyan sa klase mo." Nginitian ko na siya at nag umpisa nang kumain.
"Manang may darating na package galing kay Tita Daisy dalawang box yun, Yung nakapangalan sakin ay paki dala nalang sa kwarto ko at yung isa naman ay sa inyo ng mga anak mo. Aalis na ho ako." Paalam ko at kinuha na ang mga gamit ko na hinanda na ni Manang sa sala.
"Naku maraming salamat naman kay Daisy, hindi niya ako nakalimutan. Tatawagan ko siya mamaya at magpapasalamat." Ngiti ngiting saad niya dahil masyado siyang natuwa dahil sa kanilang magkakapatid si Tita Daisy ang pinaka close sa niya.
Mas mabuting sa messenger niyo nalang tawagan, paki buksan po ng gate at aalis na ako." Utos ko kay manang nang maka labas kami ng bahay at pumasok na ako sa kotse.
"Kuya Rey paki bilisan lng po ng kunti ma lelate na ako."
"Yes mam." Sinimulan na niyang mag drive at ang mata ko naman ay nasa daan na kinakabisa ang lugar dito sa bagong subdivision na aking tinitirhan, mabuti na rin na lumipat ako dahil mas malapit ito sa school na pinapasukan ko.
"Andito na tayo mam."
"Salamat kuya nga pala wag niyo na po pala akong sunduin mamaya."
"Naku mam papagalitan ako nina mam at sir niyan."
"Walang magagalit kung walang mag susumbong sige na kuya, aalis na ako."
"Pero mam----" di ko na narinig ang sinasabi niya dahil tumakbo na ako papasok at sanay naman na sakin yan si Kuya Rey dahil bata palang ako ay ugali ko nang tumakas sa kanya.
"Wow ang ganda naman ng bag niya!"
"OMG! I'm gonna tell my mom to buy that one."
"Kung may mabibili ka pa that's a Chanel limited edition bag."
"I'm sure napaka mahal niyan. "
Iilan lang yan sa mga naririnig ko tuwing dadaan ako papunta sa room ko. I'm about to enter the room ng harangin ako ng grupo ng mean girls wanna be dito sa campus... mga taong feeling bad na akala mo nman kinakatakutan ng lahat tsss. Lintek na Sophomore palang akala mo na kung sino.

BINABASA MO ANG
I FALL
Підліткова літератураFall. yang salitang yan ang dahilan kung bakit ako nasasaktan ngayon. Dahil na fall ako sa kanya sa maling pagkakataon. Normal lang sa atin bilang mga teenager na ma fall. Pero ang storya namin ay kakaiba. Dahil pinag lalaruan kami ni destiny, at wl...