Kaizzer's POV
"Oh brad ba't ang tagal mo nagugutom na ako san ka ba galing? Akala ko ba magbabanyo ka lang saglit?" Tanong ng kaibigan kung si Carl.
"Nakita ko kasi si Kylie kaya pinuntahan ko sinubukan kung ayain mag merienda kaso ayaw talaga eh." Malungkot na saad ko. Hindi naman ako masamang tao at wala namn akong balak gawin inaamin kung humahanga ako sa kanya nang sobra kahit pa sabihin nilang chubby sya di naman yun hindrance upang maging maganda sya.
"Yan tayo eh, brad di naman kasi lahat nang babae porket kinindatan mo eh mapapasayo na ibahin mo sya sa mga babaeng umaaligid sayo."
"Ulol hahaha anong umaaligid na mga babaeng pinagsasabi mo. Hoy alam mo namang matinik ako sa chicks pero di ko naman sila pinapatulan lahat."
"Wag ako brad kilala ko na ang pagiging babaero mo."
"Hoy Palermo hindi na ako babaero."
"Hahaha hindi nga ba?"
"Dati yun pero mula nung nakilala ko si Kylie pucha brad tumino utak ko parang na love at first sight ako sa kanya." Unang beses ko palang syang nakita nagustohan ko na sya agad lalo na nung ngumiti sya pucha hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko para syang anghel nung nagpakilaka sya sakin at nagkatinginan kami para akong matutunaw.
'Sayo ko lang ulit naramdaman to.'
"Corny mo hahaha tara sa Canteen nagugutom na ako."
"Tara."
Si Carl na ang umorder nang pagkain naming dalawa. Matagal na kaming magkakilala ni Carl mula pagkabata best friend na ang turingan namin naudlot lang ang pagkakaibigan namin nung kinailangan namin lumipat nang Cebu nung maghiwalay ang parents ko, dinala kami ni Mama sa Cebu since don naman talaga sya nakatira bago sila nagpakasal ni Papa at ngayong buo na ulit kami nagdesisyon silang bumalik kami dito sa Manila.
Maya maya pa ay bumalik na si Carl dala ang sangkatutak na pagkain.
"Dami naman nyan, kaya ba nating ubusin yan?" Takang tanong ko dahil sa dami nang kanyang inorder pwede na sa limang tao.
"Edi kung hindi mauubos ipakain natin sa alaga mong pusa."
"Anong pusa? Wala naman kaming alagang pusa ah."
"Oh yan naman pala ang alaga mo eh." Natatawang sambit nya sabay turo sa naglalakad na si Yasmine, pinsan ko.
"Loko ka talaga hahaha."
"HAHAHA!" Nagtawanan lang kami at nagpatuloy nang kumain.
"Kuya Kaizzer can you please make bilis because I want to make shopping you know naman I don't have dress na to wear." Maarteng sabi ni Yas. Conyo talaga ang isang yan kaya naiinis sa kanya si Carl at isa yun sa paraan nyang magpapansin sa long time crush nyang si Carl. Di naman siya pinansin ni Carl dahil busy ito sa pagnguya ng kanyang kinakain.
"Kumain ka na muna Yas, maraming inorder si Carl mukhang alam nya yatang darating ka hahaha." Panunukso ko sa kanilang dalawa.
BINABASA MO ANG
I FALL
Fiksi RemajaFall. yang salitang yan ang dahilan kung bakit ako nasasaktan ngayon. Dahil na fall ako sa kanya sa maling pagkakataon. Normal lang sa atin bilang mga teenager na ma fall. Pero ang storya namin ay kakaiba. Dahil pinag lalaruan kami ni destiny, at wl...