Green Island (Temple of Best)
Rain POV
"Hiyah! Haek! Hiyah!"
"Ano ba kayo ang hihina ng mga sipa niyo! Lakasan niyo pa!" Sigaw ko sa mga batang kasalukuyang nag-eensayo.
"Patawad po Lady Master!" Nakayukong paghinging tawad nila.
"Sige ituloy niyo na."
"Opo Lady Master—Hiyah!"
Pasalampak akong umupo at isinukbit ang hawak kong katana. Nasa may sanga kasi ako ng isang puno para mas maayos kong makita ang mga studyante ni Master. Wala kasi siya ngayon, kaya ako ang inatasan niyang magturo.
Pinagmasdan kong mabuti ang Green Island. Napakaganda talaga nito mula sa malinis at kulay asul nitong dagat hanggang sa mga punong kahoy. Akma ang pangalan nitong Green Island, isang malaparaisong isla na punom-puno ng mga likas na yaman pero kahit gaano kaganda ito, minsan naiisip ko rin ano naman kayang itsura sa labas ng Green Island? Maganda rin kaya doon? Nakikita ko naman sa mga litrato pero iba pa rin kung personal mong makikita.
Nagtangka na rin akong tumakas noong bata ako, kaya lang bumagyo ayun tuloy muntik na akong malunod at naparusahan pa ako.
Si Grand Master kasi ayaw pang sabihin kung bakit hindi ako pwedeng lumabas ng isla palagi niya lang sinasabing darating ang araw na aalis ako dito. Eh kailan pa kaya 'yun? Labing-anim na taong gulang na ako. Hindi rin porket nakatira ako dito sa isla, wala na akong alam may mga teacher ako. Mula Lunes hanggang Miyerkules, Academics ang itinuturo sakin at kapag Huwebes hanggang Biyernes, Sword fighting at Gun shooting.
Mula bata, namulat na ako na dapat kung pag-aralan ang mga iba’t-ibang estilo ng pakikipaglaban. Ang Temple of Best kasi ay isang lugar na kung saan nagsasanay ng mga taong gustong matuto sa Martial Arts kaya lang ayun sa kwento ni Master, pinatigil ito dahil may mga sinanay silang tao noon na imbis na gamitin sa tama ang kanilang natutunan. Gumawa sila ng mga organisasyon na gumawa ng masama upang sila ay agarang yumaman. Ang mga batang sinasanay namin ngayon ay ang mga anak at apo lamang ng mga Masters dito o mga taong pinagkakatiwalaan lamang ni Grand Master.
"Lady Master! Bumaba ka na raw diyan. Samahan mo daw kaming manghuli ng isda!" Napatigil ako sa pag-iisip ng kung ano-ano sa matinis na sigaw ng mga bata.
"Oo na!" Napakamot na lang ako sa batok at agad na tumalon. Siguradong si Master Mel na naman ang nag-utos.
"Mga bata bilisan niyo!" Sigaw ko habang hila-hila ang bangka. I hate fishing but I need to do this or else I'll end up into punishment. Tinulungan ako ng mga batang inihagis ang lambat. Ang mga ibang batang lalaki naman ay tumalon na at gagamit na lamang ng sibat sa paghuli ng mga isda.
Alam ko rin manghuli ng ganung paraan, ngunit may mga batang babae akong kasama mapanganib kung gagayahin ako lalo’t hindi sila sanay.
Kalahating oras lamang kami sa laot pero marami na kaming nahuli. Tulong-tulong ulit kami sa paghatak sa lambat at pagsasalansan sa mga isda. Ibebenta sa bayan ang ilang nahuli namin dahil siguradong hindi naman naming mauubos lahat."Hay sa wakas tapos na rin!" Iniunat ko ang kamay ko. Namanhid na kasi sa kakasagwan.
"Lady Master, sigurado ako matutuwa si Master Mel ang dami nating nahuli!" Ngumiti na lang ako sa sinabi nila. Siguro naman wala nang mairereklamo ang matandang masungit na 'yun.
Si Master Mel ang incharge sa kitchen. Napakasarap niyang magluto kaya lang ubod nang sungit. Palibhasa walang love life. Siya ang pinakaayaw kong teacher ang dami-dami niya kasing kaartehan gaya na lang nang paghiwa ng sibuyas at gulay dapat pare-pareho at maayos. Mas gusto ko pang magpush-up maghapon kaysa magluto.
BINABASA MO ANG
The Four Guys from Hell
ActionHighest Rank #2 in Action There was a simple island girl who lived with her Master in a temple. She was trained in different types of fighting techniques and self-defense. But something happened which she needed to get away from the island and face...