Rain POV
"Aray!" Napatayo ako nang may pumalo sa akin. Nalilitong napatingin ako sa paligid ko. Nasa loob na ako ng kwarto ko habang masamang nakatingin sa 'kin si Master.
"Ikaw na bata ka! Hindi ka ba nag-iisip! Muntik ka ng mamatay kanina," napasimangot ako sabay kamot sa parteng pinalo niya. Ang sakit eh.
"Eh Master, niligtas ko lang naman po si Master Mel at saka may mga baril po kasi 'yung mga lalaki."
"Kahit na! tandaan mo Rain wala akong tinuro sa'yong magpakabayani ka! Kung hindi mo kaya humingi ka ng tulong."
"T.O.B rule No.5: Don't be weak when emergency came, just do your best to win---Aray!" Pinalo na naman kasi ako ni Master gamit ang baston niya. Nasa rules naman kasi 'yun ng Temple of Best.
"Sumasakit ang ulo ko sayong bata ka!" Naiiritang sigaw niya at napahawak pa sa ulo.
"Sorry naman po Master, gusto niyo masahe?" Nakangiti kong sabi sabay lapit sa kaniya.
"Sige na nga, medyo napagod din ako sa byahe." Napangiti ako at sinimulan na siyang imasahe. Matagal ko na rin itong ginagawa sa kaniya tuwing pagod siya. Matanda na rin kasi si Master hindi lang halata kasi malakas at magaling pa rin siya sa pakikipaglaban.
"Master, bakit pala hinahanap ako noong mga lalaki? Lalo yung leader nila na pumunta na dito noon. At pati 'yung chip ba 'yun?" Napaiwas siya ng tingin.
"Master? May alam ka po ba?" Tanong ko ulit.
"Hindi ko alam Rain," napabuntong-hininga siya. "Pero maaaring ang mga lalaking 'yun ay konektado sa tunay mong pamilya. Kaya ako tumanggi sa alok nila noon sa investment dahil nalaman kong pinuno ng isa sa mga sindikato si Jaxon Suarmart." Tunay kong pamilya? Matagal ko na silang gustong makita.
"Nasaan na pala 'yung mga lalaki Master?" Tanong ko ulit.
"Ano ang T.O.B rule No.7?" Nahihiwagan man ako sa taliwas niyang sagot. Sinagot ko pa rin ang tanong niya.
"Some questions have no answer, seek by your own," napangiti siya.
"Matalino ka talagang bata. Kaya yan ang dapat mong gamitin para makaligtas ka sa mundong ito." Tinitigan ko lang si Master, maaring kaya niya hindi masagot ang tanong ko dahil patay na ang mga lalaking 'yun. Hindi man itinuro sakin ang pagpatay pero marami na rin akong naririnig galing sa mga dayuhan kapag nasa bayan ako na ang grupo ni Master ay pumapatay ng mga taong gumagawa ng kasamaan o maging may balak na gumawa ng masama. Tototo man 'yun o hindi? Hindi mababawasan ang respeto ko sa kanila.
"Para ka namang nagpapaalam Master." Tinitigan niya akong mabuti sabay hawak sa balikat ko.
"Rain, makinig ka hindi habang buhay makakasama mo ako at nandito ka sa isla. Darating ang araw na aalis ka rin dito at pagnangyari 'yun lagi mong tatandaan ang mga tinuro ko sayo maliwanag?" Napatango nalang ako.
Sobrang tagos sa puso ang mga sinabi niya. Alam ko naman sa sarili kong gustong-gusto kong lumabas dito sa isla para makita naman ang itsura sa labas pero bakit ngayon sa mga sinabi ni Master. Parang ang bigat sa dibdib.
"Master, kahit makulit ako at minsan hindi ako sumusunod sa utos niyo pero tandaan niyo po lahat ng mga turo niyo ay isinasaisip at isinasapuso ko."
"Napakaswerte namin sa'yong bata ka. Ang pagkupkop namin sayo ay isa sa pinakatamang desisyong nagawa ko sa buong buhay ko." Hindi ko napigilan ang pagpatak ng luha ko sa sinabi niya.
"Pinapaiyak mo ako Master!" Nakasimangot kong sabi sabay mahinang suntok sa kaniya.
"Hahaha, ang baby girl talaga namin iyakin!" Napanguso ako.
BINABASA MO ANG
The Four Guys from Hell
ActionHighest Rank #2 in Action There was a simple island girl who lived with her Master in a temple. She was trained in different types of fighting techniques and self-defense. But something happened which she needed to get away from the island and face...