"Hi, Nicole!" Isang masiglang bati mula sa isang binata kasalubong niya, ngunit hindi ito pinansin ni Nicole at pinagpatuloy ang paglalakad sa hallway.
Habang naglalakad napansin niya na halos mabibilang lamang ang mga estudyante na paligid dahilan para magtaka siya.
'Himala at hindi nagkalat ang mga estudyante rito?' isip niya at pinagpatuloy ang paglalakad.
Ilang saglit pa ay napatigil siya sa paglalakad nang maramdaman niya na parang may sumusunod sa kanya. Lumingon siya sa kanyang likod upang kumpirhamin kung may sumusunod ba kanya pero laking gulat niya nang makita na wala nang estudyante sa paligid. Katahimikan ang bumalot sa paligid niya, tanging kaluskos ng hangin na tumatama sa mga dahon ng puno ang maririnig.
Sa hindi malamang dahilan ay naramdam siya ng pangingilabot kaya napayakap siya sa sarili. Napagdesisyunan niya na ipagpatuloy ang paglalakad, ngunit sa kanyang muling pagpihit ay hindi niya inaasahan na may naka-abang sa kanya.
"Boo!" sigaw nito at malakas na pinagdaup ang mga palad upang makalikha ng malakas na tunog.
"Waaah!" isang malakas na sigaw ang kumawala mula sa dalaga at napaurong dahil sa matinding gulat. Napahawak siya sa bandang dibdib dahil sa matinding kaba na bumalot sa kanya.
'Hahaha.'
Napalingon si Nicole sa paligid nang may marinig na kakaiba, ngunit wala naman siyang nakita na kahit ano kaya agad niyang binalingan ng masamang tingin ang lalaking animo'y wala nang bukas kung makatawa sa harap niya.
"Gago ka, France! Hindi nakakatuwa!" sigaw ni Nicole at saka pinaghahapmas sa braso ang binata.
"Masyado ka kasing seryoso." natatawang sabi ni France at muling tumawa.
"Ewan ko sa'yo!" inis na wika ni Nicole at umalis. Agad naman siyang sinundan ni France.
"Oy, okay ka lang?" tanong ni France nang makarating sila sa lugar kung nasaan ang mga kaibigan, ngunit hindi siya pinansin ni Nicole.
"LQ?" salubong na tanong ni Bea sa kanila. Nagkibit-balikat si France.
"Ewan ko diyan hindi ako pinapansin." sabi ni France at umupo sa tabi ni Greg at binati ang ibang kaibigan.
"Nicole?" tawag ni Claire sa kaibigan ng mapansing parang ang lalim ng iniisip nito.
"Nicole!" sigaw ni Alice, dahilan upang bahagyang mapalundag sa gulat si Nicole at mabaling ang atensyon sa mga kaibigan.
"Ha? Bakit?" tanong ni Nicole sa mga kaibigan na kakaiba ang tingin sa kanya.
"Isnabera ka na ngayon? Binabati ka namin, ni-hi or hello wala!" Reklamo ni Alice.
"Pasensya naman may iniisip lang." sagot na lang ni Nicole, dahil kahit siya ay hindi maintindihan kung bakitcparang wala siya sa hulog ngayon.
"Wow! Bago yan, ah!?" pang-aasar ni Greg, kaya agad na ibinato ni Nicole ang bag niya sa kaibigan na sinalo lang ito.
"Sira ulo! Parang sinabi mong hindi ako nag-iisip!" Pagtataray ni Nicole at inagaw ang bag niya kay Greg na ngumisi at animo'y sinasabing 'Ikaw nagsabi n'yan.'
"Ano ba kasi ang iniisip mo at nakatulala ka?" tanong ni Bea.
"A-ano kasi, ang weird no'ng dumaan ako sa hallway. Normally, maraming nagkalat na students do'n. Pero kanina bigla silang nawala." sabi ni Nicole.
"Ah! 'Yon ba? Nasa gym sila, nanonood ng game." sagot ni Alice.
"May game? Bakit nandito ka? Dapat nagche-cheer ka don." sabi ni Nicole.