Tahimik na pinagmamasdan ng isang dalaga ang hardin na nasisinagan ng liwanag ng buwan. Habang ang malamig na hangin ay dumadampi sa kanyang balat dahilan para mapayakap siya sa kanyang sarili.
Napalingon siya sa loob ng bahay kung saan nagsisimula nang umingay dahil nagsisimula na ang inuman.
"Claire, Tara na dito! Bawal ang pass!" sigaw ng isang binata na siya ring may-ari ng bahay.
"Oo, papunta na, Greg." Tumayo na si Claire at nagpunta sa sala kung nasan ang mga kaibigan. Hindi niya ugaling uminom ng alak pero dahil kaarawan ni Greg.
"Claire, nag-eemo ka na naman ba? Naku girl, bawas-bawasan mo yan malakas makabaliw iyang ganyan!" maarteng ng isang kaibigan.
"Sira ka talaga, Alice! Hindi ako nag-eemo, nagandahan lang ako sa garden nila Greg, ang ganda kasi lalo na't nasinagan ng liwanag ng buwan." nakangiting sabi ni Claire kaya napatango ito.
"Ah gano'n ba? Akala ko masyado mong dinadamdam ang pamumuhay mo sa earth!" natatawang sabi muli nito inabot ang baso ng alak kay Claire.
"Alice, huwag mo ngang pagtripan si Claire." suway naman ni Paul dahilan para mapa-ismid ang dalaga.
"Nasaan na ang iba?" tanong ni Claire nang mapansin na walo na lang sila at wala na ang ibang kakilala.
"Wala eat and run. Joke lang may mga gagawin daw tapos iyong iba hindi daw pwede." sagot ni Greg.
Nagsimula na silang uminom, kahit walo lang sila ay maingay at masaya ang kanilang inuman. Napuno ng tawanan at kwentuhan ang sala minsan ay kumukuha rin ng mga litrato para i-post sa kanilang mga facebook.
Lumipas ang oras ay nakaramdam na nang hilo si Claire, pansin niyang tinamaan na rin ng alak ang mga kaibigan dahil sa mga ikinikilos ng mga ito. Si Alice na nagsisimula nang makipag-flirt sa katabing si France, na isa din malapit na kaibigan nila.
"Hey! Let's have a game!" biglang sabi ng isa pang babae dahilan para mapatingin ang lahat sa kanya.
"Anong game naman, Nicole?" tanong ng isa.
"Spin the bottle, Bea!" nakangiting tugon ni Nicole habang pinapakita ang isang bote ng alak na walang laman.
"Tss! Ang boring naman niyan!" Reklamo ni Greg na ikinasang-ayon ng katabing si Kevin.
"Hindi, ah! Masaya 'to promise!" sabi ni Nicole at itinaas pa ang kanang kamay.
Dahil pursigido si Nicole sa larong iyon ay ipinilit niya hanggang sa sumang-ayon ang lahat. Inayos na nila ang lamesa, inalis ang ibang pulutan sa gitna para doon paikutin ang bote.
"Oy wait! Hindi lang simple spin the bottle 'to, ha! Tatanungin pa rin kayo kung truth or consequence. Pero once na pinili mo ang truth at hindi mo nasagot sa loob ng 5 seconds ay may ipapagawa kaming consequence!" paliwanag ni Nicole.
Wala nang nagreklamo kaya akmang papaikutin na niya ang bote nang pigilan siya ni Greg.
"Teka! Sino nga pala ang magtatanong at magbibigay ng consequences?" Tanong nito, agad na napangisi si Nicole.
"Ako na ang bahala do'n birthday boy, chillax ka lang diyan girlscout yata 'to!" Pagmama-inam ni Nicole dahilan upang magtawanan ang lahat. "Ayos mga repa ko game na!" sigaw ni nicole saka pinaikot ang bote.
Napahinto si Claire sa pagtawa nang umikot ang bote. Bigla siyang nakaramdam ng kaba ngunit binale-wala niya ito. Inisip na lang niyang baka dahil iniinom nila 'yon.
Lahat sila ay nasa bote ang atensyon hanggang sa unti-unting bumagal ang pag-ikot nito at mapalingon sila sa tinapatan nito.
"What!? Ang daya naman ng boteng 'yan!" sigaw ni Nicole dahilan upang mapuno muli ng tawanan ang buong sala dahil sa reaksyon niya.