STB-4 Ikalawang bugso

1.5K 52 17
                                    



Malakas at nakaka-indak na musika, ilang hiyaw at sigaw ang tanging maririnig sa buong paligid. May kadiliman sa lugar, may mga makukulay at malikot na ilaw na nagdaragdag ng liwanag sa paligid. Sa hindi kalayuan ay makikita ang mga tao sumasayaw sa saliw ng masiglang tutogin.

"France, paano ba yan may nakita na kong target." nakangising paalam ni Paul at naglakad palayo. Sinundan niya ng tingin ang kaibigan at nakita niya itong lumapit isang babae na balingkinitan ang katawan. Agad napangisi si France at tinunga ang laman ng basong na hawak.

"Brad, isa pa!" sabi niya sa bartender. Agad naman itong sumunod at ilang saglit lang ay inabot sa kanya ang isang baso ng alak. Kasalukayan nasa bar si France at Paul upang magpalipas ng oras.

Tumalikod si France sa counter upang tingnan ang mga tao sa paligid. Pinagmasdan niya ang mga tao sa dance floor ng bar at nakita niya na nagsisimula nang maging wild ang mga ito.

"One margarita, please."

Mabilis na napalingon si France sa nagsalita, at nakita niya ang isang babae sa gilid niya. Pinagmasdan niya ito mula ulo hanggang paa at napangiti siya nang makitang hapit na hapit ang suot nitong dress.

"Hi, sexy." Mapang-akit na bati ni France. Lumingon sa kanya ang babae at pinasadahan ng tingin ang kabuuan niya bago ngumiti ng mapang-akit.

"Hi." ganting bati nito at umupo sa bakanteng stool sa tabi ni France.

"Alone?" tanong ni France sa babae.

"I'm actually with my friends but suddenly they disappeared." Nailing na sabi ng babae.

"So, that means your alone." nakangising sabi ni France bago inilahad ang kamay. "By the way I'm France." pagpapakilala niya, ngunit imbis na tanggapin ng babae ay tinawanan lang siya nito. "What's funny?" tanong ni France

"Nothing, I'm Paris." pagpapakilala ng babae dahilan upang mapakunot noo si France.

"Dont make fun on my name!" sabi ni France dahilan upang matawa muli si Paris.

"Im not! My name is Paris." Natatawang saad nito.

Tiningnan muna ng maigi ni France si Paris dahil sa pag-aakalang pinaglalaruan siya nito.

"Stop staring! It's kinda irritating." naiilang na sabi ni Paris at tinungga ang margarita na hawak niya

"Paris, huh? What a sweet coincidence." nakangiting sabi ni France at sinenyasan ang bartender upang bigyan muli ng maiinom si Paris.

"Para saan yan?" tanong ni Paris ng iabot ni France ang inorder na margarita.

"Don't worry my treat." sabi France at inabot ang inumin kay Paris. Agad namang tinanggap ng dalaga ang inumin.

Nag-usap lang sila sa bar counter habang umiinom.

"What to play some game, honey?"nakangiting tanong ni France.

"Anong game?" tanong ni Paris , bakas na sa namumungay ng mata niya ang kalasingan dahil sa mga nainom.

Mabilis na lumapit si France kay Paris at pinaglapat ang labi nila. Noong una ay nagulat pa si Paris sa ginawa ni France, ngunit imbis na itulak ay inilagay niya ang kanya kamay sa batok ng binata. Nagsimula nang igalaw ni France ang kanyang labi upang palalimin ang halik, agad na napangiti si France ng tumugon si Paris sa kanyang halik. Unti-unti na siyang nakaramdam ng init katawan kaya mas lalo niyang hinapit si Paris upang magdikit ang kanilang nag-iinit na katawan.

Habol nila ang kanilang hininga noong maghiwalay ang kanilang mga labi. Nang makabawi mula sa pagkahingal ay muling hinigit ni France ang dalaga upang halikan, halos nakaupo na sa kandungan niya ang dalaga. Nagsimula nang maglakbay ang kamay ni France sa balingkinitang katawan ng babae dahilan upang mapaungol ito.

Spin the bottleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon