Chapter 4

1.2K 42 3
                                    

“Christina’s POV”

“Elliiiiiiiiiiiiiiiiiiiiise… Elliiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiise” ano ba naman yan. Ano bang kailangan ng kutong lupa to sa akin. Kahit di ko pa nililingon, alam ko na kung sino to. Wala na kasing ibang taong maglalakas loob na tawagin akong “Ellise” maliban kay Marcus.

“Ano naman ba Nathaniel?! “ tanong ko. Alam na alam ko pa naman na ayaw nyang tinatawag syang Nathaniel. Ewan ko kung bakit. “Kung makasigaw ka naman parang may sunog,” masungit kong sabi. Eh sa nakakabwisit sya eh. Kitang nagmamadali na ako.

“Meron ka ba ngayon? Ba’t ba ang sungit sungit mo?!” nangiinis nyang tanong.

“Tangna mo Nathaniel. Wala kang pakialam kung meron ako ngayon oh wala. Tsaka ba’t mo ba ako hinahabol? Bwisit!”

Pinagtitinginan na talaga kami ng mga tao ngayon. Magsigawan ba naman sa hallway. Langhiya. Ba’t ba kasi sikat sya dito? Eto tuloy, ang raming tsismoso nakikinig.

“Ito naman. May itatanong lang sana ako.” Nakangisi siya ngayon.

“Edi magtanong ka. Bwisit. Diretsohin mo nga ako nang makaalis na ako,” pagtataray ko sakanya. Pag ako nalate ng dahil sa kanya, baka kung anong magawa ko sa kanya. Terror pa naman yung prof ko ngayon. Kung mauunahan niya ako pagpasok ng room, aabsent na lang talaga ako.

“May gagawin ka ba ngayong sabado?” inosenteng tanong niya.

“Wala kang pakialam kung meron o wala akong gagawin kaya umalis ka na sa harap ko,” sabi ko. Bahala na ang mga chismoso’t chismosa diyang pag-usapan ang pagtataray ko kay Marcus.

“Eto naman. Gusto kasi kitang yayain lumabas ngayong sabado.” Nagpaawa pa ang gago. Tingin niya madadala niya ako sa paganyan ganyan niya?

“Wala ka na bang ibang magawa at naisipan mong ako ang abalahin?”

“There are many ways I spend my Saturdays but I prefer my Saturday to be spent with you,” simple niyang sagot. He gave me his most innocent smile. Nginitian niya ako, noon, ngiti pa lang niya, kumpleto na araw ko. Halos maglupasay na ako sa kilig but sad to say, things changed.

“Ikaw Nathaniel ha, tigil tigilan mo ako. Marami akong gagawin sa Sabado kaya maghanap ka na lang ng ibang pagtitripan mo.”

“Marami kang gagawin? Like what?” tanong niya. Kung di niya ako titigilan ay sasabihin ko na talaga ang totoo ayokong ispend ang Saturday ko kasama siya.

“Wala ka ng pakialam dun.”

“Fine. Kung di mo sasabihin, susunduin kita sa bahay niyo at kung di ka sasama sa akin, kakaladkarin kita papunta sa kotse ko.” Ngumiti siya ng nakakaloko. Akala niya ba talagang matatakot ako sa kanya?

“Bahala ka nga sa buhay mo, pero kahit anong gawin mo, di ako sasama sayo!”

Tinalikuran ko siya agad, dahil kung hindi, baka magkamali ako at pumayag na sumama sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 21, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ikaw ParinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon