Chapter 2

1.2K 29 0
                                    

CHAPTER 2

MARCUS’ POV

So nakabalik na pala sya. Mag-iisang taon na rin nung huli ko syang nakita. Nagbago rin siya. At ang laki ng ibinago nya. Parang ngang hindi na sya ang Christina na kilala ko.

At hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang totoong dahilan kung ba’t sya umalis. Sabi ng mga kaibigan ko, dahil daw siguro sa nakonsensya sa panloloko sa kin. Sabi rin ng mga kaibigan nya dahil sa babaero daw ako. Pero ano bang totoo?

FLASHBACK

“Pinaglaruan mo lang pala talaga ako?” galit kong tanong sa kanya.

 

 

 

“Oo. Ba’t naman din kasi kita seseryosohin? Ano ako tanga?” parang wala lng sa kanya ang pagsagot sa tanong ko. Parang walang ekspresyon sa mukha nya.

 

 

 

Di ko napigilan sarili ko.

 

 

I grabbed her shoulders and shook her.

 

 

“Ano ba naman to Christina? Ano?! Ganun na lang ba yun? Laro-laro lang lahat. Yung oras na magkasama tayo? Ano yun? Wala ka ng ibang maggawa kundi sabayan na lang ang pagiging hangal ko sayo?”

 

 

 

“Kung yan ang gusto mong isipin, bahala ka. Di ko naman kasi talaga ginusto maging tayo eh. Kaso lang mapilit ka. Di rin naman ako tanga para seryosohin ka. Dahil kung seseryosohin kita, masasaktan lang ako. Kaya inunahan na lang kita.”

 

 

 

 

Gusto ko siyang saktan. Pero di ko kaya. Kahit anong gawin ko, di ko kayang pagbuhatan ng kamay tong babaeng to. Di dahil babae siya. Kundi dahil mahal ko sya.

 

 

 

 

At kahit anong pilit ko, di ko kayang paniwalain na di totoo yung naramdaman ko para sa kanya.

 

End of flashback

Nakakatawa lang isipin. Dahil sa muli naming pagkikita ay parang pinatunayan nya na di ako dapat seryosohin.

Makita ba naman nyang nagmamake-out kami ng karibal nya nung high school kami. Ewan ko lang talaga kung bakit ang init init ng dugo nila sa isa’t isa.

Ikaw ParinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon