Chapter 3

941 22 0
                                    

Marcus’ POV

“Woooooh… Go Marcus!” tili ng mga babae dito sag gym. Ang ingay talaga nila. Lintek.

“And that was another 3 point shot from jersey number 13, Marcus Montereal” sabi nung announcer (di alam ni author anong tawag dun)

Salamat at tapos na rin ang game. Nandito pa rin kami sa gym naghihintay na kumonti ang mga taong papalabas.

“P*cha. Ang galing mo talaga Marc. Di pa rin nawawala galing mo kahit wala ka ng practice,” sabi ng captain ng basketball team. Siya rin captain namin sa basketball nung high school pa kami.

“Salamat Captain, pero kung nandito ka na naman para pilitin akong sumali sa team, nagsasayang ka lng ng hininga,” sagot ko.

“Haaaaay, saying naman, pero sige na lang. At least may magpapanalo pa rin sa mga division nyong tatlo. Mabuti nalang at di kayo parehas ng course kayong tatlo ni Mike at Drew,” nanghihinayang nyang sabi.

“Pero Captain, saying pa rin,” sabat nung isa member ng varsity.

“Kaya nga eh,” dagdag ni Captain. Ngumiti sya ng nakakaloko ta sinabing, “Narinig kong nakabalik na daw si Christina. Siya pa rin ba dahilan kaya ayaw mong maglaro?”

“Captain naman. Matagal na akong nakamove-on sa kanya. Tsaka ba’t ko naman sya pag-aaksayahan ng oras eh niloko nya nga ako diba?” defensive kong sagot.

“Isa lang tanong ko Marc, ang haba-haba ng sagot mo. Masyado ka atang defensive?” sabi nya sabay tawa ng mahina.

“Ano bang gusto mong iparating Captain?” medyo naiinis ko ng tanong. Narinig rin kasi ng ibang tao dun ang pangalan ni Christina. Baka matsismis kami nito.

“Ganito nalang kaya, ligawan mo sya ulit. At pag nagawa mo, di ka na naming kukulitin for the rest of the school year,” paghahamon nya.

“Ano? At ba’t ko naman gagawin yun?” galit ko na talagang sigaw sa kanya.

“Ewan ko as yo. Para tigilan ka na namin. Tsaka para mapatunayan sa sarili mo na nakamove-on ka na nga.”

“Sige, gagawin ko. Para lang tigilan nyo na ako. Wala naman akong kelangan patunayan sa sarili ko,” maangas kong sabi. Liligawan lang naman pala eh.

“Ganito na lang rin, pag napasagot mo sya, di ka na talaga naming kukulitin hanggang sa grumaduate ka, pero pag di ka nya sinagot, sasali ka ng team kahit this year lng,” sabi nya sabay abot ng kamay nya.

“Sige ba. Yun lng naman pala eh,” sang-ayon ko sabay tanggap ng kamay nya.

Ikaw ParinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon