Mahal pa rin kita

38 1 0
                                    

Sa tuwing ika'y aking nakikita,
Luha ko'y gusto ng kumawala,
Nais na ika'y muling makasama,
Nang madama ko muli ang saya.

Alaala nati'y biglang nagpakita,
Sa isip ko'y walang tigil sa pagpapaalala,
Kung gaano tayo kasaya,
Noong ako pa ang iyong kasama.

Hirap at sakit aking nadarama,
kapag ikaw ay nakikitang masaya,
oo nga't mahal pa rin kita,
Pero masisisi mo ba akong ayaw kitang sumaya ng dahil sa iba?.

TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon