Azi's Pov.Pagdating agad namin agad akong umuwi papunta SA dorm para matulog dala ang gamit ko at ni Celestia, Ewan ko nga at bakit dinala ko to eh,
Pagdating ko pinasok ko ang gamit niya SA kwarto ko tutal may dalawang bed ang narito Na kulay grey ,ang ISA SA Akin at SA ISA ay para SA blade ko, at agad Na natulog.
Napabangon naman ako ng may kumatok SA pintuan ko at sinabing pinatawag kaming Royal's SA Hm's office, ano Na naman bang problema ng dalawang yun.*sigh*
Naglakad kaming lahat papunta dun at binuksan ito ng dahan-dahan ni Blake muka ngang di nila kami napansin dahil nakapout si Ate at Celestia habang si Kuya Lavi natatawa habang may sinasabi SA dalawa ngunit Hindi Na namin narinig ang lahat ng sinabi niya ,at ang narinig lang namin ay...
"At para malaman Na nila ang katotohanan" sambit ni Kuya Lavi,
Nagkatinginan naman ang mga kasama ko ng biglang nagsalita ang Anim kung kasama Hindi ako sumali kasi nakatingin lang ako ng taimtim Kay Celestia Na gulat Na napatingin SA Amin.
"Anong katotohanan?" Silang anim.
Nagkatinginan naman ang tatlo at pinaupo muna kami ni Ate Alex"Before that have a seat first," yaya nito SA Amin Na sinunod naman agad ,umupo ako SA tapat ni Celestia Na nakatingin Na rin SA akin
"Now. What truth?" Tanong ko at Hindi ko maiwasang magpalabas ng malakas Na aura. Napansin ko naman ang panginginig nila except Kay Celestia Na nagtataka kung bakit sila nanginginig , Hindi ba niya naramdaman ang aurang pinapalabas ko? Well, Hindi Na ako magtatataka kasi Hindi naman masyadong malakas ang pinalabas ko, para SA Akin at SA blade ko pero SA iba malakas Na yan.
Hindi kaya---?"Wow, bro ,calm down,Ice introduce yourself .Properly," sambit ni Kuya Lavi Kay Celestia Na diniinan talaga ang Properly part pero nginitian lang siya nito at tumayo SA harapan namin. Bakit parang kinakabahan ako?
Dahil baka ba Hindi siya ang blade ko o dahil siya nga ang blade ko? Ewan nakakakaba.
"She doesn't have to ,We already know her," angal ni Ynna Na sinang ayunan naman nila
Tiningnan naman ni Ate si Ynna Sabay sabing."Not really," sagot SA kanya ni Ate Na ikinatahimik ng lahat, nag hand gesture naman si Ate Na ipagpatuloy ang gagawin ni Celestia.
"Sorry for not telling you when we're in the house guys, please understand me, Once again I'm Iliana Celestia Ebonie Gray the..." Pagpuputol nito Na ikinaba ko talaga ng todo-todo.
"Icy wag ka ngang PA suspense" sambit ni Ate Lexi habang si Kuya Lavi natatawa SA gilid niya.
"Eh ang bigat ng atmosphere eh" angal naman niya at napapout.
Para namang nabunutan ng tinik ang mga kasama ko at Napangiti Na lang.
"Yan. Ganyan nga smile para masabi ko ng maayos," Nakangiting sambit niya SA Amin at umayos Na talaga ng tayo.
"I'm Iliana Celestia Ebonie Gray the grayblade nice to meet you Royal blades and tamers " Nakangiting pagtatapos nito SA pakilala niya.
Napatigil naman kaming lahat lalo Na ako Na Hindi makapaniwala Na siya ang Blade ko.
Tama naman ang narinig ko diba Blade ko siya. sana tama , gusto ko talaga siyang maging blade, desperado ba? OK lang yan, SA isip ko lang naman eh.
"G-grayb-blade?" Nauutal at hindi makapaniwalang tanong ni Vivi Na tinanguan lang niya habang nakangiti.
Siya nga ,siya nga ang blade ko , nakita ko narin siya SA wakas.