"Did you informed my new secretary about my schedule?"
"Yes, sir"
"Then, where the hell is she?!" Iritableng tanong niya sa isa sa mga empleyadong inatasan niyang mag-orient sa bago niyang sekretarya.
"Sir, hindi ko po alam" Nakayukong sagot nito.
Kahit hindi niya kita ang mukha nito ay alam niyang takot na takot na ito.
Mas lalong kumunot ang noo niya nang makita ang bago niyang secretary na humahangos papunta sa kinaroroonan niya. Nagkanda hulog-hulog pa ang bag na dala nito.
Sinuri niya ito mula ulo hanggang paa. Mula sa suot nitong sandals hanggang sa paldang suot nito na mukhang panahon pa ng mga kastila at ang makapal nitong salamin.
Muntik na siyang mapangiwi pero pinigilan niya ang sarili.
"This is your first day and you're f*cking late!"
"Sorry po" nakayukong sabi nito
"I don't want this to happen again. Understand, Ms. Del Castillo?"
"Yes, sir"
"Let's go. Follow me" At nagsimula na siyang maglakad.
Si Lara naman ay hindi magkandaugaga kung ano ang uunahin. Ang mga papel na hawak niya o ang sandals niyang nasira. Bakit ba kasi ngayon pa siya minalas kung kailan ngayong unang araw niya sa trabaho?
"I need you to write and document all the things that we are going to discuss with the Cornejo's" Seryosong sabi nito sa kan'ya.
Tumango lamang siya sa bagong boss. Talaga palang napakagwapo nito sa personal at talagang makalaglag panty. Kaya hindi niya maintindihan kung bakit siya ang napili bilang bagong secretary nito. Dahil lahat ng kasabayan niya sa pag aapply ay magaganda at sexy.
Siya nga pala si Lara Del Castillo. 23 years old. Wala na siyang mga magulang pero meron siyang dalawang maliliit na kapatid. Hindi niya ito tunay na mga kadugo pero itinuring niya na itong pamilya dahil maaga siyang naulila. Iniwan niya muna ang mga ito sa pangangalaga ng matalik niyang kaibigang si Samuel.
"Ms. Del Castillo?!"
"Uhm s..sir?" Kanda utal-utal na sabi niya.
"Do you want to go back to sleep and continue dreaming?!" Iritableng tanong nito sa kan'ya.
"Sorry po, sir. Hindi na po mauulit" Nakayuko na naman na sabi niya.
"Is this the consequences of hiring a woman like you? If I just knew, kumuha nalang ako ng iba! This is your first day pero andami mo ng kapalpakan!"
Gusto niyang umiyak. Ganoon ba talaga ito sa mga empleyado nito?
"Sir, Mr. Cornejo is waiting for you" sabi ng babaeng lumapit sa boss niya.
Nang pumasok sila sa loob ay nagulat siya. Akala niya ay may edad na ang ka-meeting nila pero isa rin pala itong adonis. Matangkad, matipuno at nakangiti. Kabaligtaran ng amo niyang laging nakasimangot.
"Goodmorning, Mr. Monterde"
"Goodmorning Mr. Cornejo" at nagkamayan ang mga ito
Napatingin ito sa kan'ya.
Agad naman siyang ipinakilala ng boss niya "This is Ms. Del Castillo, my new secretary"
"Everytime you go here, iba ang dala mong secretary. I hope na magtagal na si Ms. Del Castillo sa iyo" Nakangiting baling sa kan'ya nito.
"Let start the meeting if you don't mind" Walang pakialam na sabi ng boss niya.
Halos tumagal ng isang oras ang meeting. Wala siyang ibang ginawa kung hindi makinig at magsulat.
"Okay, so I think we are all set now" Sabi ni Mr. Cornejo at tumayo na ito
Kasabay din niya ang pagtayo nilang dalawa ng boss niya.
"I'll just inform you the details afterwards. Thank you" Sabi ng boss niya at nakipagkamay.
Pagkatapos ay kinamayan din siya ni Mr. Cornejo.
Naunang naglakad ang boss niya at nahuli siya. Hindi pa siya nakakadalawang hakbang ay napatid siya dahil sira nga pala ang sandals niya.
Maagap siyang nahawakan sa bewang ni Mr. Cornejo at napakapit siya sa may batok nito.
Nagkatitigan muna sila sandali bago siya nito inalalayang makatayo ng maayos.
"Sorry po. Sorry talaga" hindi magkanda tuto na sabi niya. Hiyang-hiya siya at pulang-pula ang mukha niya dahil sa hiya.
Ngumisi lang si Mr. Cornejo.
Agad siyang nilapitan ng boss niya "What happened?" Halos magsalubong ang dalawang mga kilay na tanong nito sa kan'ya.
"I think she needs a new footwear" at tumingin ito sa mga paa niya.
"I'm sorry Mr. Cornejo, I will handle this" sabi ng boss niya at dali-dali siyang hinila nito hanggang sa may parking lot.
Wala itong pakialam kahit na magkandaugaga siya sa paglalakad dahil sa sirang sandals.
"What the f*ck you are doing?! Do you love your job? Because I can fire you in just a blink of an eye!"
Galit na galit na sabi nito sa kan'ya.
"This is bullsh*t!" At sinipa pa nito ang gulong ng kotse.
Siya ay nakayuko lamang at nagsisimula ng umiyak.
"Napakahalagang kliyente ni Mr. Cornejo!" Galit na sabi nito at nang mapatingin ito sa kan'ya ay napakunot ang noo "Don't cry like a baby! For the last time. One more mistake and you are fired!" At pabalibag nitong isinara ang pinto ng kotse nito pagkapasok.
BINABASA MO ANG
My Sexy Nerd Secretary (SPG) Completed
RomanceDarwin Luke Monterde is the one and only son of Mr. Douglas Monterde the famous Multi-Billionaire Businessman. Nang mamatay ito sa isang aksidente ay automatic na na appoint ang anak niya bilang next CEO. He was also awarded as the youngest Bachelor...