Two

68.9K 1.1K 49
                                    

Nang akmang sasakay na siya ay bigla nitong pinaharurot ang kotse at iniwan siya sa parking lot mag-isa.

Awang-awa siya sa sarili habang naglalakad ng naka paa habang naghahanap ng masasakyang taxi. Kailangan pa niyang makabalik ng opisina.

Para siyang isang palaboy sa kalsada. May iilan na tumitingin sa kan'ya pero binalewala niya lang ito.

Makaraan ang halos isang oras ay nakarating na rin siya ng kompanya.

Lahat ng empleyado ay nakatingin sa kan'y. Sino nga ba naman ang hindi mapapatingin sa kan'ya habang naglalakad ng naka paa.

Nang makarating ng 5th floor ay halos mapabuntong hininga siya ng malakas.

Pag dating sa table niya ay may nakita siyang isang box.

Nang akmang bubuksan niya na ito ay nagulat siya nang biglang may magsalita mula sa likuran.

"Where have you been?!" Galit na sabi nito.

"Uhm e kasi po sir, nahirapan po akong maghanap ng taxi" Nakayukong sabi niya habang nakatingin sa marumi niyang mga paa.

Napansin niyang napatingin din ito roon at lumambot ang itsura ng mukha nito.

"I don't care. By the way, I want to be alone. No calls, no visitors" At pumasok na ito ng opisina nito pagkatapos isara ng malakas ang pinto.

Nang tignan niya ang laman ng box ay isang bagong pares ng sandals. Nang hawakan niya ito ay napangiti siya. Mukhang mamahalin. Para ba ito sa kan'ya? May tinatago rin naman palang kabaitan ang boss niya.

Matapos ayusin ang schedule ng kan'yang boss ay nakaramdam siya ng gutom. Alas tres na pala ng hapon at hindi pa siya nagtatanghalian.

Agad niyang hinanap ang canteen ng kompanya. Nang makita ang presyo ng pagkain ay nagulat siya. Pinakamababang presyo na ang 150 pesos. 500 na lang ang natitirang pera sa wallet niya, napagastos pa siya kanina dahil sa pagtataxi niya.

Agad siyang napabuntong hininga. Bumili nalang siya ng cup noodles sa halagang 30 pesos.

Sa table niya nalang ito kakainin. Habang hinihintay lumambot ang noodles, nagtext naman sa kan'ya si Samuel, ang bestfriend niya. Kinakamusta siya nito.

Habang kumakain ng noodles ay nahimasmasan ang kumakalam niyang sikmura. Kailangan niya munang magtiis. Dahil magbabayad pa siya ng renta ng maliit na kwartong inupahan niya. At magpapadala pa sa mga kapatid niya sa darating niyang unang sweldo. Kahit ayaw ni Samuel ay nahihiya naman na siya rito dahil napakalaking abala na ito sa kan'ya.

"Is that all you have for lunch?"

Halos mapatalon siya sa gulat nang may biglang magsalita.

Bakit ba ang hilig nitong sumulpot nalang bigla?

"Ah yes sir, nag-didiet po kasi ako. Hehe" nahihiyang sabi niya

"You're too skinny. Ayoko ng lampang secretary" At kinuha nito ang Iphone 11 pro max mula sa bulsa nito "bring us here two overloaded meal. ASAP"

Nang ibaba ang cellphone ay bumalik na rin ito ng opisina nito.

Ilang sandali pa ay dumating na ang inorder nitong pagkain. Agad siyang kumatok

"What?!" Iritableng sagot nito

"Ah eh sir, nandito na po kasi 'yong pagkaing inorder niyo"

"Come in"

Nang maipatong ito sa dining table nito sa loob ng opisina ay akmang lalabas na siya nang magsalita ito.

"Where are you going?"

"Lalabas na po, sir"

"Join me"

"Po?" Gulat na sabi niya

"I said join me for lunch!"

"Ay tapos na po akong kumain, sir" Nahihiyang sabi niya rito.

"Iniinis mo ba talaga ako, Miss Del Castillo?" Naniningkit na mga matang sabi nito.

"Sorry po, sir" At inilabas na niya sa paperbag ang mga pagkain at inayos. Pagkatapos ay umupo na silang dalawa.

Habang kumakain ay napansin niyang napapatitig ito sa kan'ya at napapailing.

"May problema po ba sir?" Takang tanong niya rito

"I'ved just wonder kung bakit ka ganyan ka manang manamit?" Habang naiiling.

Hindi siya nakaimik.

Definitely not my type.

Narinig pa niyang sabi nito. At agad siyang napayuko.

Pagkaraan ng ilang sandali ay nagsalita ito. "If you're done, then you can leave" At bumalik na ito sa mesa nito.

Pagkatapos iligpit ang mga pinagkainan ay tumayo pa siya roon ng ilang minuto.

Nang mag angat ng tingin ang boss niya ay nagulat siya "What?!" Iritang tanong nito.

"Ah eh sir, gusto ko lang pong mag pasa---"

"Crop it, you may leave" Putol nito sa sasabihin niya.

Dali-dali siyang lumabas. Akala pa naman niya ay bigla ng bumait ang boss niya sa kan'ya.

Pagbalik ng table niya ay tinapos na niya lahat ng kailangang gawin. It's already 5pm nang lumabas ang boss niya mula opisina nito.

Agad siyang tumayo.

"Mag-iingat ka po, sir" Ngiti niya rito.

Pero inismiran lang siya nito. Tsk Old Maid

Dinig na naman niyang sabi nito.

My Sexy Nerd Secretary (SPG) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon