Four

81.3K 1.4K 623
                                    

"Teka lang po kuya, imbitado po ako dito sa party" Hila niya sa isang kamay niyang hawak-hawak nito.

"Miss, h'wag mo na kaming lokohin mang-hihingi ka lang ng solicit sa mga mayayaman na tao d'yan sa loob" Ngisi sa kan'ya ng gwardiya.

"Pero kuya, imbitado talaga ako"

"Nasaan ang invitation mo aber?"

"Sandali lang po" At hinanap niya ang invitation card sa loob ng bag niya pero hindi niya ito makita.

"Oh ano miss? Akala ko ba invited ka?" Ngisi nito.

"Naiwan ko yata doon sa bahay" Kailangan niyang makapasok kung hindi ay baka masisante siya ng boss niya.

"Nako miss, lumang style na 'yan, ang mabuti pa ay umuwi ka na" At bumalik na ito sa tabi ng gate at iniwan siya.

Umupo siya sa gilid ng kalsada ng subdivision. Kailangan niyang makaisip ng paraan kung paano siya makakapasok sa loob ng party.

Nang makitang may kausap sa phone ang security ay bigla siyang tumakbo papasok.

Isang hakbang nalang at makakapasok na siya nang makita siya ng security "Hep hep! Ang kulit mo talaga!" At hinila siya paalis.

"Kuya promise saglit lang ako, kailangan lang akong makita ng boss ko kung hindi ay mawawalan ako ng trabaho. Promise, mabilis na mabilis lang" At parang nanunumpang itinaas niya pa ang kanyang isang kamay.

"Wag---" Nabitin ang pagsasalit ng security nang may magsalita.

"What's goin on?"

Paglingon niya ay parang malalaglag ang kan'yang mga panga, isang gwapong nilalang ang kan'yang nakita.

"Eh Sir Dave, eto po kasi napakakulit. Nagpupumilit pumasok wala naman siyang invitation card" Sagot ng security guard sa lalaki.

Agad napabaling sa kanya ang lalaki.

"Ah eh, kailangan na kailangan ko lang po talagang makapasok sa loob kung hindi ay lagot ako sa boss ko"

"Who's your boss?"

"Si Sir Darwin po"

Agad napangisi ang lalaki sa kan'ya. "You are?"

"I am Lara Del Castillo po, Sir Darwin Monterde's new secretary"

"Really?" Ngiti nito sa kan'ya habang nakataas ang isang kilay "So iba na pala ang taste niya ngayon?"

Agad siyang napayuko.

Nagulat siya nang bigla siya nitong hilain papasok ng party habang hawak ang isang kamay "Akong bahala sayo miss"

Halos matulala siya nang makapasok sa loob. Para siyang nasa isang pelikula. Napakarangya ng party na iyon.

"There" Sabi nito sabay turo sa boss niya at hinila na naman siya nito papalapit dito.

Sabay-sabay napatigil sina Darwin at mga kausap nito nang huminto silang dalawa sa harap ng mga ito. Bumaba ang mga tingin ng mga ito sa mga kamay nila na tila magka-holding hands.

Nang mapansin niya kung saan nakatingin ang mga ito ay dahan-dahan niyang inalis ang pagkakahawak nito sa kamay niya at dahan-dahang yumuko dahil na rin sa hiya.

"Hey there Darwin, Happy Birthday bro!" Bati ng lalaking katabi niya

"Thanks, but why are you with Miss Del Castillo?" Kunot noong tanong ng boss niya at tinignan siya nito mula ulo hanggang paa. Nakikita niya ang pagkadisgusto base na rin sa itsura ng mukha nito.

"Ah siya ba?" Sabay turo nito sa kan'ya. "Ayaw kasi siyang papasukin ng security dahil naiwan niya yata 'yong invitation card niya. So, I helped her"

"Is that true?" Baling ng boss niya sa kan'ya.

Nahihiya siyang tumango.

"By the way, nice meeting you, I'm Dave Monterde Ismael, Darwin's cousin" Sabay lahad ng isang kamay nito na agad naman niyang tinaggap.

"Thank you po sa pagtulong sa akin kanina"

"Not a problem. Okay, I'll just see you around" at kinindatan pa siya bago ito tuluyang umalis.

Nang akmang babatiin na niya ang boss niya ay biglang may kumausap dito at hinila ito sa kung saan.

Inikot niya ang buong paningin niya sa paligid pero tila siya lang ang nag iisang taong hindi nababagay dito. Nakikita niya ang mga may pandidiring tingin ng mga tao sa itsura niya.

Naglakad-lakad siya papunta sa madilim na parte ng party at napag alamang nasa may bar area siya.

"Hoy, Lara here!" Kaway ng isang babae sa kan'ya.

Nang agad na mapagmasdan ay nakilala niya na si Janice pala ito.

Lumapit siya rito at nakita ang mga pamilyar na tao na kasama nito. Mga kapwa niya empleyado rin sa kumpanya.

"Bakit ngayon ka lang? Here, drink this" Sabay abot sa kan'ya ng maliit na baso at manipis na hiwa ng lemon.

"Sorry Janice, pero hindi kasi ako umiinom e" Tanggi niya rito sabay wagwag ng mga kamay.

"Hoy Lara! Bawal ang KJ dito" At kinuha ang isang kamay niya at ibinigay ang tequila sa kan'ya.

Wala siyang nagawa at ininom ito. Hinila siya nito at pinaupo sa may tabi nito. Nakaka ilang shots na siya nang makaramdam ng pagkahilo.

"Teka lang, Janice pupunta lang ako ng restroom" At dahang-dahan tumayo, parang umiikot na rin ang paligid niya.

Dahil sa pagkahilo ay hindi niya namalayan na nakasalubong niya ang isang babaeng may dalang pagkain at nabangga ito. Dahilan para matumba siya at tumilapon sa kan'ya ang buong laman ng platong dala nito.

"Ano ba?!" Sigaw ng babae sa kan'ya na siyang ikinagulat niya.

Dahan-dahan siyang tumayo at humingi ng tawad "Pasensiya na miss, hindi ko po sinasadya"

Halos wala naman dumi ang babae nang mapatingin siya rito.

Habang siya ay parang isang pulubing tinapunan ng pagkain. Sobrang dumi ng puting damit niya.

Napangisi ang babae sa kan'ya "Idiot nerd! Pangit na nga lalo pang pumangit! Look what you did, dinumihan mo ang limited edition sandals ko. Clean it!"

Nang tignan niya ang suot nito sa paa ay halos wala naman siyang makitang dumi.

"Hey! Hindi mo ba ako naririnig?!" Inis na sabi nito

Halos lumikha na sila ng eksena.

Pinagtitinginan na sila ng mga tao.

Dahil na rin sa hiyang nararamdaman ay dahan-dahan siyang lumuhod at pinunasan ang suot nitong sandals gamit ang suot niyang palda.

"What are you doing?!" Sigaw ng kung sino

Nang lingunin niya ito ay nakita niya ang madilim na anyo ng boss niya.

My Sexy Nerd Secretary (SPG) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon